Isang nakahilerang mga Zombie na nurse at doctor ang nasa harap ko sa pamamahala ng aking minamahal na si Chantal.
Mula sa poot na nararamdaman ay napapikit na lamang ako nang biglang may nabasag na salamin.
Iminulat ko ang aking mga mata upang makita ang nangyari. May dumating ba na tulong o papatulugin ako sa mahabang panahon.
Ngunit galing ang ingay sa salaming dingding.
Nabutas ito, kagagawan ng gaya ng itim na espadang bato na kumuha sa babaeng minamahal ko.
Bumigay ang buong dingding at akmang susugurin ako ng mga Zombie ng biglang sinampal ako ni Mama.
Binabangungot daw ako sa ungol. Ito ang ika-labindalawang panaginip ko about sa Zombie.
Alas tres nang nakatulog ako at ang picnic sa panaginip ko ay pinag uusapan namin nila mama at Chantal na aming gagawin pagnakalabas ako sa hospital.
Maging tanghali. Araw man, di alintana ang masamang panaginip sa akin. Binabangungot ako sa loob ng isa pang bangungot. Isang bisyon na hindi ko alam ang paliwanag.
Nanalangin kami. Feeling ko kasi hindi na normal ang nagyayari sa akin. "Ang sabi ng doctor, maaaring ang pamamaga ng appendix mo ang dahilan ng sleep paralysis (bangungot) mo!" sabi ng aking ina na eksperto sa medisina. Kagagaling ko sa appendectomy. Himala daw ng buhay pa ako sa dalawang linggong pamamaga ng appendix ko at pumutok na ito. Iyon pala ang dahilan ng pagkawala ng malay-tao ko sa Clinic ni Tita.
Onescore and fifteen hours before the incident (35H) ...
"Si Chantal mama?" tanong ko kay mama. "Umuwi anak, ilang gabi na din nga iyon nang hindi umuuwi sa pagbabantay saiyo. Nung nakatulog ka kanina'y nagpaalam na s'ya. " banggit ng aking ina.
Alas-syete na ng gabi nang nagising ako mula sa bangungot.
"Anak bakit hindi namin alam ang nangyayari sa iyo? Kung hindi pa sabihin ni Chantal, hindi na namin malalaman." ani papa. Busy kasi sila, ayaw ko naman makakadagdag pa ako sa isipin nila. Stress na kasi s'ya sa lugi ng farm namin gawa ng salot na nameste sa pananim sa bukid. At sakit na ikinamatay ng mga alagang hayop.
Nakita ko ang balita sa TV at pinalakas ang volume nito. Ganun din katutok ang ibang tao sa labas ng aking silid. Pinapanuod din ang balita at bidyo ng kaguluhan sa China.
Ang buong bansa ng China ay nasa state of National red alert dahilan sa panibagong sakit na lumalabas.
Ayon sa datus at video na nakalap ng...
Hindi natapos ang balita'y biglang nagbrown out.
"Ano ba naman itong nangyayari sa atin, maging sa internet binura ang kakapost na balita!" ani ni Mama na curious din. "Buti nalang nadownload ko ito." dagdag pa niya.
Ngunit ng papanuurin na nami'y may mga lalaking nakasuot ng black suit ang naghanap sa kay Mama at kinuha ang phone niya.
Bumalik naman ang kuryente ngunit ang TV station na naglabas ng balita ay nablock, nakaoffline. Ganun din ang mga ibang TV station. Tanging ang Cartoon Networks lang ang pwede sa lahat ng channel.
"Bakit daw Mama?" tanong ko sakanya habang nakatulala sa amin ni Papa. "Magrerequest ako discharge slip at bukas sa bahay ka na magpapagaling." sabi naman niya na hesitate sa pagsalita at hindi nasagot ang tanong ko. "Honey, ano bang problema? " ani Papa at niyaya si Mama sa labas para kumalma.
Mukhang may kinalaman ito sa balita. May kilala akong friend na IT at kinontak ito. Nakasecret code yung video na sinend s'ya sakin.
Iyon ay kuha sa street CCTV ng bansang China. Nakakashock ang makitang ang mga tao'y bigla bigla nalang natutumba at nangingisay sa daan.
Ito siguro yung sinasabi sa balita na bagong sakit.
Tinawagan ko si Chantal. At pinag aayos ko ng mga gamit at sa bahay nalang tumuloy at kasama ng pamilya n'ya.
"Babe ano ba? Sabihin mo na kasi kung ano ang problema?" tanong ni Chantal. Ngunit ang hirap ipaliwanag kaya nama'y sinend ko sakanila ang video.
Hinintay ko ang reply nila. Hindi ko na sila makontak at nabalitaan.
Pagsapit ng umaga. Iniuwi na ako sa bahay. Lockdown na sa aming bayan kaya nahirapan kaming makapasok. Ganun din sa ibang bayan. Malamang nito'y lockdown na rin sa kanila.
"Babe, okay ka lang? Okay lang kami dito." chat ni Chantal.
"Sorry kagabi, nadeadbat na phone ko kaya hindi mo ako matawagan." patuloy na chat nya.
"Hindi rin kami makalabas kagabi kahit gustuhin namin. Ingat ka Babe. I love you!"
"Kamusta ka, okay ka lang ba? Basta ingat ka. Grabe yung sa video na sinend mo. Kalat na sa buong mundo yung virus kaya ingat kayo. "
Nang mabasa ko iyon ay tinawagan ko s'ya.
"Babe okay lang ako. Salamat sa pag alaga. Okay ka lang ba?" sabi ko.
"Oo naman babe. Mahal kita eh. Kaya ko nagawa iyon!" sabi niya. "Kamusta binangungot ka ba kagabi?" dagdag niya.
"Ayun babe! Di na nakakapanibago! Zombie na naman. This time..." bigla nalang napatulo ang luha ko.
"Babe bakit! Napakapanget mo umiyak!" sabi naman niya.
"Hindi lang ikaw, si Mama at kuya ko din ang kinuha ng Zombie na iyon." sabi ko sakanya habang nagrirereconnect ang chats.
Signal Interruption.
Nagchat. Usap nalang kami magdamag habang nagpapahinga.
Maliwanag ang liwanag na bigay ng buwan. Nasa labas ako ng bahay dala dala ang swero ko. Hindi ko din alam kung bakit nasa labas ako. Sleep walk?
Nakita ko ang buwan na nagbigay ng kulay dugong sinag. Nakakakilabot ang alulong ng mga lobo at hagulhol ng mga ibon.
Nagpatay-sindi ang liwanag na bigay ng buwan na animo'y isang bombilya na pondido. Hanggang sa dumilim ng matagal at lumiwanag ng mabilisan.
Dumilim muli at lumiwanag. Sa pagliwanag nito nasa harapan ko na ang nakahood na Zombie na nagkokontrol sa pulutong na kalansay.
Nagliliwanag ang pulang mata nito at lumabas ang pangil.
Kinagat ako sa leeg.
Naging dahilan ng pagbalikwas ko sa pagkakahiga. Napakirot naman sa sakit at dumugo ang parte kung saan ako naoperahan.
It's 00:00 in my phone clock. Exactly, 12midnight. Nangati ang parte kung nasaan ang sugat.
Tinawag ko si Mama. Ngunit walang sumasagot. Hindi rin ako makatayo dahil namamanhid ang aking mga paa. May kung anong gumagapang din sa loob ng aking kalamnan.
Bumukas ang pinto at may nakasundalong uniporme ang bumungad dito. "Uy kuya. Kelan ka pa umuwi? " tanong ko kay kuya Darren, isang s'yang sundalo na nagdeploy sa Southern Luzon.
Hindi niya ako sinagot at may kung anong kamay na gumapang sa ulunan ko. Kamay na nilalangaw at punong puno ng linta. Sumigaw ako upang humingi ng saklolo kay kuya.
Ngunit bumukas ang bibig ni kuya naglabas ng malakarayom na ugat, kaiba ang alulong niya kumpara sa mga naunang panaginip. Isang Dagundong ng Trumpeta ang iBinigay Nyang huni.
Sa sobrang kati ng aking sugat at tinignan ko ito at lumabas ang libo-libong langaw at uod dito. Ganun din sa paa na binutas ang aking balat para lamang makalabas.
Lumapit si kuya at tutusukin ko ng karayom sa parteng puso ng biglang sinampal ako ng pinsan ko.
"Naoh, Naoh! " gising niya sa akin. Buti nalang lagi ang sinasalba ni Lord. Buti nalang pinadala niya si Flawrence, pinsan ko. "Flaws!" Niyakap ko s'ya at nagpasalamat, kung hindi sakanya baka hindi na ako nakabalik. Ika-labintatlong pangyayari na ito. Bangungot sa loov ng isa pang bangungot.
"Nasaan ba si Tito Freb? Kanina pa namin s'ya hinahanap? Wala s'ya sa bukid." ani Flawrence. "Eh sina Jaqui at Dyill?" sabi ko. "Malamang, kasama niya si Tito. Si Tita Nizza naman pinuntahan kagabi ng Bureau of Awaking Medicine sabi nila, natatakot na ako sa mga nangyayari!" pag-aalala ni Flaws.
"Ano pa ba ang nagyayari?! Bukod sa kumakalat na Virus" pagtataka ko.
"O'sya lumabas ka diyan!" yaya ni Flaws at lumabas kami. Wala ang lahat, ang mga tito, tita at mga pinsan namin sa compound. Sina Lola at Lolo at wala din. Tanging si Tito kong Nurse at ilan sa mga pinsan ang nadatnan ko sa labas ng bahay na busy sa paghahahanap ng signal para makibalita sa nangyayari.
"Narinig n'yo na ba? May eroplano daw na bumagsak sa kabilang bayan!" balita naman ng isa kong pinsan.
Pilit kong kinokontak si Mama at Papa ngunit wala talagang reception. "Napansin n'yo ba si kuya?" bigla kong banggit. Nagtaka naman si Jolo, "Ha? Okay ka lang. Diba nasa Southern Luzon si Kuya mo?" banggit niya ng pagtatataka. Nagbabakasakali lang baka totoo. Miss ko na kasi s'ya at nag aalala ako para sa trabaho niya.
Nakita ko ang damit na suot ni papa kagabi dito sa Balkon. Ganun na ba s'ya nagmamadali pati pinagbihisan ay hindi na naayos? Pumanhik ako sa kwarto ng kambal. Maayos ang damit nilang dalawa na nakapanhik sa kama.
Nangalisag ang aking buong katawan. Napaupo ako sa panlalambot at inisip ang dagundong ng trumpeta sa panaginip ko.
Hudyat iyon ng rapture. Ang second coming of Christ ay naganap na.
Ngunit bakit ako naiwan. Bakit ang mga pinsan ko? Bakit si Tito na elder sa simbahan at mayroon ding naman s'yang soul winning. Bakit hindi s'ya naisama sa rapture.
Tumakbo ako palabas. Hindi alintana ang sakit sa sugat. "Tito Mat, narinig mo ba kagabi?" napatingin naman sakin ang mga pinsan ko. Tumunog na din ang phone ko sa dami ng notification.
Naiiyak na yung dalawa kong pinsang babae at ganun din ang itsura ni Tito at siya ay parang nagsasalantang gulay.
Nilapitan ako ni Flaws na humahagulgol sa iyak.
Ipinakita ang online news. Nanlaki ang mata ko, kilabot at di maipaliwanag ang naramdaman.
...
v/.