Paglalakbay

1851 Words
Warning: This chapter contains biblical and religious accounts. The author respects your religion and way of faith. It is part of the story and need not an argument but an open-mindedness. It's your choice to read it or skip, believe it or not. v/v. .... Year Two thousand twoscore and Three anno Domini (2043 AD) "Ang sabi ng panginoon, darating ang araw ng paghuhukom at ang mga naniniwala sa kanya'y makakamit ang buhay ng walang hanggan at nagsisipagsisi at pagtanggap sa kanya ay maliligtas..." sermon ng aming Pastor habang ako'y biglang napalingon sa bintana. Ang mga bata sa paroo'y masayang masaya sa pagpapalipad ng guryon. Linggo ng pahinga, araw ng panambahan. Ngunit ang batang iyo'y dapat makamit si Ama upang patuloy ay kasiyahan. "...for the time is come for thee to reap, for the harvest of the earth was reaped. Revelation 14:15, this is where we will ascend unto sky and meet our Father. This is rapture." dagdag ni Pastor John. Nagagalak ako at kilabot ang nararamdaman ng maramdaman ko ang presensya ng salita ng Panginoon. Kailan kong maishare itong balitang ito sa iba. Sapagkat ang mga hudyat ay naganap na. Mga lindol, kaguluhan, digmaan at maging ang pananalanta ng di-pangkaraniwang sakit at peste ay laganap na sa buong mundo. Anim na taon na ang nakalipas, anim na taong nag aadapt na ang mga tao sa bagong normal na pamumuhay. Social Distance, proper hygiene attire at discipline. Ito ay dulot ng kumitil sa libo libong buhay, ang Virubacterial Disease. Itong sakit na ito ay nagpapamuo ng dugo sa mga pangunahing daluyan ng dugo sa buong parte ng katawan na ikinakamatay ng ilan - lalo na ang mabababa ang resistensya na hindi nakayanan ang major na pamamaga ng buong katawan na nagdulot ng matinding lagnat, stroke at heart attack o myocardial infarction. Maging ang digman sa ibang bansa. At kaguluhan dala ng pandemya. Malalakas na unos tulad ng lindol at mga bagyo't habagat. Maging ang pag atake ng locusts o salot sa mga pananim na nagdulot ng malawakang problema sa sektor ng agrikultura. Water poisoning at hindi mawaring madalas na pag-red tides. Sakay-sakay ng bus, napadungaw na lamang ako sa labas ng bintana na animo'y ghost town ang bawat bayan na aming nadadaanan. Hindi katulad ng dati na maraming tao, heavy traffic at mga nakangiting mukha ang nasa daan naglalako ng kung ano anong makakain at maiinom. Pauwi na kami galing nanambahan. "Kuya, nakakamis yung dati ano? Masaya ang mga tao. " ani ng pinsan ko. "Ganoon talaga Peter , ang lahat ay may dahilan, Romans 8:28." sumbat ko sakanya. "Gayunpaman, ayaw mo yun walang heavy traffic at walang kalat na tao sa lansangan." biro ko, natawa naman s'ya ngunit biglang nanahimik kami pareho. "Paano yun kuya kung maiwan ako dito..." lungkot niyang banggit. "Bakit naman? Mahina pa ba ang pananampalataya mo?" tanong ko sakanya. "Tingin ko, nagkukulang ako sa paglilingkod kuya, gusto ko s'yang gawan ng musika." sabi naman niya na excited. Napangiti nalang ako at napa isip din ako. May nakaaway pa naman ako kagabi. Isang tindera sa kanto namin na hindi nagma-mask. Resonable at magalang naman ako noong una ngunit na highblood na ako at nakapagsalita ng labag sa kalooban n'ya. Naranasan n'yo na ba yung natutulog kayo ngunit nabibigatan kayo sa sarili n'yo. Ang hirap huminga na parang inihihiwalay yung kaluluwa mo sa katawang tao mo. It's exactly 00:00 in my phone clock. Sharp 12midnight. Nakaupo ako sa harap ko, sa sarili kong katawan. Nahihirapan s'yang huminga. Paano ako babalik sa katawan ko! Hindi na ako makahinga. Nalulunod ako na parang nasa ilalim ako ng tubig. Maya maya'y may maliit na ipo-ipo na kasing liit ng pusa na sumanib sa kaluluwa ko. Nakarinig ako ng iyak, ng mga sigawan ng tao, at lipad ng pulu-pulutong na langaw na pumasok sa tenga ko na nagdulot naman ng biglang pagtayo ko sa pagkakahiga. Nagising ako . . . sa katawang tao ko. Agaw-hininga. Pagtingala ko isang aninong tao ni kamatayan ang nasa harapan ko at pilit kinukuha ang kamalayan ko. Para akong sinasabunutan ng buhok. Namamanhid ang aking katawan. Hindi ako makagalaw ni hindi makasigaw. Nanalangin ako. At pagbangon ko. Isang bangungot sa loob ng isa pang bangungot. Ika-labing isang pangyayari na ito. Ngunit bago itong episode na ito ay mayroon na akong sampung puro apocalypse na bangungot. Nananalangin naman ako tuwing gabi. Mga nakaraang sampung araw ay puro Zombie ang napapanaginipan ko. Isang pulutong ng mga patay na naglalakad pahabol sa akin. Hindi na ako nakatulog sa pangyayaring iyon. Hanggang sa sumapit ang alas-kuwatro ng umaga. Asikaso na patungong eskuwela. "Jeus, bakit parang lantang gulay ka? " maagang bungad ni Ealie. "Nako brad, you know the thing!" sabi ko naman habang ibinababa ang bag ko sa upuan ko at napasalampak ang mukha ko sa malamig na desk. "Don't tell me, a Zombie thing again?" sabi nya na napatumbs up nalang ako. "Chantal!" sigaw naman ni Ealie. At napabalikwas naman ako ng upo. My girl. Mamaya nito, pagalitan nanaman ako nito. "Hello Ate Ealie! Blessed Morning!" sabi ni Chantal na umupo sa desk ko. At hinimas yung ulo ko. Sweet s'ya. Alam n'ya naman siguro dahil mukhang naikuwento naman ni Ealie. Noong nakaraan kasi. Nag away kami dahil akala niya'y nagpupuyat ako sa Leagues of Legend. "Morning Babe!" sabi nya naman at tumango lang ako at wala akong enerhiya para magsalita. "Doon ka nalang muna sa Clinic babe. Nasabihan ko na si Mommy." utos naman n'ya. "O'sya halika na Jeus! Wala namang klase ngayon dahil preparation for accreditation! Sabihan ko nalang Ed-Chief na di ka okay". sabi naman ng bestfriend kong si Ealie. Si Ed-Chief na sinasabi n'ya ay si Christer. Bestfriend namin. Happy Three Friends kami. "Uwi na lang ako Tal! " sabi ko naman kay Chantal. "O'sige pero daan ka muna kay Mommy para magkarecord ka." At sinamahan n'ya naman ako sa University clinic. She's my fiance. A long-twoscore and 8 months girlfriend. She's taking civil engineering so hindi ko kasabay grumadwar. May two extra years pa s'ya for skill enhancement. "Kamusta ka Jeus?" pangangamusta naman ni Tita habang kinukuhan ako ng vitals. Biglang sumakit bandang pantog ko, t'yan at tagiliran. Namilipit ako sa sakit. Boses na lamang ni Chantal ang naririnig ko na binabanggit ang pangalan ko. Pagkamulat ng aking mata mula sa pamimilipit ay isang bundok ang tumambad sa akin. Punong puno ito ng maberdeng d**o at malamig na simoy ng hangin. Lumakad ako paitaas sa tuktok. Pagkarating sa altitude ay pinagmasdan ko ang kaharian na ginto. Sa ibaba nama'y isang malawak na hardin ang nasilayan ko. Ang mga tao'y nagsisipagdiwang. May tugtugan at sayawan. Nakita ko naman ang pamilya ko na nagsisiyahan at sinimulang tumakbo palapit sakanila. Ngunit nadapa ako at nahulog sa isang bangin. Isang nakakapasong init ang tumambad sa aking balat. Nakita ko ang malabuhangin na mga taong pilit inaabot ang liwanag habang sila ay hinihila paibaba ng mga nilalang na may mahahabang galamay at pinagsasaksak ng espadang gawa sa bato. Napaluha ako ng makita ang ilan sa mga kilala ko na nandoon, nakikipagpaligsahan sa pagkuha ng liwanag. Ito na ba ang impyerno? Tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon. Hanggang sa nakarating ako sa isang batawan na punong puno ng hamog. Nakakabingi ang katahimikan kumpara sa sigawan sa lugar na napuntahan ko. Nakita ko ang isang pinto. Pinuntahan ko ito ngunit habang ako'y papalapit ito nama'y papalayo. Ngunit hindi ako timigil sa paghabol dito at nahulog ako sa isang bangin. Pagkatayo ko'y nakita ko si Chantal na umiiyak sa harapan ko, niyakap ako at ginigising. Ginigising niya ang katawang-tao ko. Inantok ako bigla at umupo sa likod ni Chantal. Hanggang sa paggising ko. Nasa harapan na ako ng puting kisame. Naririnig ko ang tunog ng BP monitor at nararamdaman ang init na kamay ni papa. Hindi parin ako makagalaw kaya nama'y pilit kong igalaw ang kamay na hawak ng aking tatay. Nanakit naman ang bandang baba ng tiyan ko. "Ji! ano masakit sayo?" pag aalala naman ni papa. "Ma! gising na Ji!" tawag nito kila mama na nasa labas. Nandoon si Chantal kaya nama'y labis ang takbo niya at si Pastor kasama nung pamilya n'ya. Ikinuwento ko sakanila ang nangyari. Ang mga nasaksihan ko at nag offer sila ng dasal. Kinagabihan. Gamit ang video conference sa prayer meeting namin, muli, ikinuwento ko ang lahat. Bawat detalye ng nasilayan ko. Maging panaginip man ito o isang bisyon. Ang mahalaga, isang mensahe ito sa lahat ng tao. Ang video ko ay ipinadala din sa ibat ibang bansa na ka-fellow ng aming simbahan: Japan, China, Australia, Canada, Ethopia, Cuba, Israel, Spain, South Africa, at maging sa Korea. Alas-tres ng hapon. Sa paglalakad sa isang gubat na hindi ko alam kung bakit ako narito. "Pa! Ma! ." sigaw ko bilang paghanap sakanila. Naliligaw na ako. Ang nasa ala-ala ko'y nagpicnic kami. At di ko nalamayang nakapasok na ako sa gubat dahil sa pagsunod sa ahas na kulay puti't may korona. Kakaiba ang ahas na iyon na kasing haba ng dalawang metro. Nagulat ako ng hawakan ako ng nanlalamig na parang nyebe na kamay ni Chantal. At sumenyas na hindi ako dapat mag-ingay. "Babe! Tignan mo ang tanawing nakita ko! ." Bulong niya. Hinila niya ako sa isang bangin at dumapa kami. Nagulat ako sa nakita ko. Isang pulutong ng mga Zombie na nagmamartsa ang itinuro ni Chantal. Sa pagkabigla ko'y nahulog ko ang katiting na bato sa aming harapan. Tumago kami. Narinig naming huminto ang martsa. Sinilip ko at isang nakahood na itim ang naglabas ng kamay, itinuro ang kinalalagyan namin at umungol na parang hishis ng isang ahas. Inilabas ang pangil at sumugod naman ang libo libong sombi sa amin. Matagal pa sila kung makaakyat sa taas ng bangin kaya nama'y makakatakbo pa kami ng malayo. Napahinto si Chantal. "Mahal na mahal kita babe!" sinabi habang hinalikan ako ng malalim. "Babe ano ba? Kaya natin to!" tinakpan ko naman ang dumudugong sugat ko sa t'yan. At hindi pinapahalatang nanlalanta na ako sa pagod. "Hindi sila titigil hanggang wala silang nahuhuli... " pinutol ko ang mga salita n'yang iyon. "It should be me, ako ang kailangang magsacrifice babe!." niyakap n'ya ako at sinabi niyang "Namiss ko yung tawagin mo akong babe ... " umatras s'ya at may kung anong tumagos na itim na espada sa mukha n'ya at hinila s'ya papalayo sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. Nagulat ako sa nasasaksihan ko ngayon. Isang nakahilerang mga Sombi na nurse at doctor. Nasa harap sila ng salamin sa kwarto ko. Nandoon si Chantal pinakaharap. Butas ang mukha n'ya gaya ng nasa bagungungot ko. Sombi na sya. Napaluha nalang ako at sumigaw sa sakit na nararamdaman ko. Sa lungkot na nararanasan ko at galit sa nangyayari sa mundo. Itinuro niya ako at sumigaw ng pahishis na tulad ng ahas. Pilit namang basagin ng mga Zombie ang salamin ng kwarto ko at pilit akong puntahan. Wala akong maramdaman. Hindi din naman ako makagalaw gawa ng dumudugo kong sugat sa baba ng tyan. Wala akong takas kung halimbawang bumigay ang salamin. Napapikit na lamang ako. Nanalangin. Nang biglang may nabasag na salamin. Iminulat ko ang aking mga mata. ... v/.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD