Pagkarating ni Gaspard sa university galing sa opisina ay abot tenga ang kanyang ngiti. Nang sumakay na si Madeline sa kanyang kotse. "Kamusta ang college life?" "Face to face tapos nagkita kami nina Luningning at Ivan. Ahm.. Gaspard, gusto sana makisabay satin ni Luningning. Ok lang daw ba para libre na siya pamasahe. Kahit iyon na lang daw bayad natin sa pagaalaga ni Korina." "Ay bongga ang chararat! Akala ko ba libre babysitting." Napahawak naman si Madeline sa braso nito, "Payag ka na please." Napabuntong hininga si Gaspard at napapayag na lang. Habang nagmamaneho sila ay nakita nila si Luningning at Ivan na naglalakad kaya binusinahan sila at huminto sa harap nila. "Langga! Sakay na. Oo daw sabi ni Gaspard," anas ni Madeline kay Luningning. Sumigaw naman si Luningning at sumak

