Bago maligo si Gaspard ay pinaliguan nilang dalawa si baby Migz. Saka si Gaspard nagpaiwan sa banyo at si Madeline naman ay inaayusin at pinagdamit ang kanilang anak. Matapos ay inayosan agad ni Madeline ang kanyang sarili at nagsuklay at nagpaganda ng kaunti. Matapos ay inihanda na niya ang baby hip seat upang dalhin si baby Migs sa bisig niya. Nang pagkalabas niya ay bigla siyang natulala nang makasalubong ang asawa na kakalabas lang ng pinto ng banyo na tuyo ang buhok at nakapagpagupit at nag ahit ng bigote at kitang kita ang hubog at kakisigan ng katawan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Madeline ay nakasalubong niya ang isang adonis na anghel. Natuyuan siya bigla ng lalamunan. Napakabango pa nito at nakatapis na tanging iyong ibaba ang natatakpan. “Hoy, bakit ganyan ang mukha

