PROLOGUE
"What the hell, Kristeniah?!"
Gulat akong napalingon sa aking likuran at napagtantong boyfriend ko lang naman pala iyon. Tumayo ako mula sa kandungan ng lalaking kahalikan ko na nakilala ko lang dito sa bar kani-kanina lang.
Hinarap ko ang jowa- ngayon ay ex na at tsaka ngumisi. "Babe, ano ang ginagawa mo dito?"
Madilim man dito sa loob pero kitang kita ko ang galit niya through the disco lights that hits his face. Ang kaniyang umiigting na mga panga, ang kaniyang galit na galit na mga mata at ang kaniyang nakakuyom na kamao.
Parang makakapatay na siya ng tao.
But the hell I care?
"Ano? Babe? Is that your boyfriend? You said you're single!" Bwelta naman ng lalaking kahalikan ko kanina. I don't even know what his name is kaya hindi ko nalang din pinansin.
Tinignan niya ang lalaking kahalikan ko ng masama at agad itong sinuntok. Agad namang napahandusay sa sahig ang lalaking kahalikan ko ngunit hindi pa ito nakakabangon para gumanti ay pinaulanan na niya ng maraming suntok. Minura niya ito ng paulit ulit at binugbog ng husto.
Agad namang naibaling sa amin ang atensyon ng mga tao and all I do was stand there and watch them.
"Can someone please call the bouncer? Anyone?" Kalmadong ani ko sa mga nakikiusyoso ngunit walang pumansin sa akin. "No one? Okay."
Papalabas na sana ako ng bar at sakto naman na papasok na ang mga bouncer para awatin ang dalawa. Magkamatayan sila jan, ano ang paki ko? Tss.
Bwisit. I just want to have fun. Ugh!
Inis akong napasinghap pagkalabas na pagkalabas ko. Papunta na sana ako sa kotse ko nang marinig ko ang pagsigaw ng ex ko na paulit ulit na minumura ang lalaking binugbog niya habang inaawat siya ng mga bouncer at hinihila palabas.
Nang itulak siya ng mga bouncer papunta sa sahig ay 'dun naman naibaling niya ang tingin niya sa akin. Masamang masama.
Oh, don't tell me ako naman ang bubugbugin niya? Duh.
Inirapan ko siya at bumuntong hininga. Ayoko ng kung anumang drama kaya bago pa man niya ako dramahan ay nag umpisa na akong maglakad papunta sa kotse ko, ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig na ako ng mabilis na yabag papalapit sa akin. Hindi nagtagal ay hawak hawak na pala niya ang braso ko.
"Where do you think you're going?" Kalmado pero halatang galit na tanong niya.
"Uuwi na." Simpleng sagot ko. At hinarap siya. Napangiwi naman ako sa sakit ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko. "O-ouch, Rios! You're hurting me!" Inis kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin pero it gets tighter and tighter at nasasaktan na talaga ako.
"What the hell is wrong with you?! I swear to God, kapag nagkapasa ang braso ko dahil jan sa pagkakahawak mo, you'll regret it." Kalmadong banta ko nang hindi siya natinag sa sinabi ko kanina.
Dahan dahan naman niya akong binitawan at yumuko siya. "You've hurt me too." Mahinang ani niya.
"I didn't. Your expectations about me hurt you and it's not my responsibility."
"You cheated, Sten. Alam mo ba ang pinag-gagagawa mo?" Tinignan niya ako at nakita ko ang mga umaagos niyang luha. Napairap na lang ako.
Here we go again. Tss.
"If having fun is cheating, then yes, I cheated. Simple as that. Kung gusto mong umalis, then go. Gusto mo ihatid pa kita?"
"Mahal kita, Sten!" Sigaw niya. "Putang ina, mahal kita."
"Putang ina din, pero hindi kita mahal and I never did. Okay? Tigilan mo na ang drama mo. Nakakarindi." Iritang sagot ko.
Humagulgol siya ng iyak. "You said you love me-"
"I'm a bad liar, Rios. My love for you was just a joke, it's for the sake of fun." Natatawang ani ko. "And you're expecting me that I really love you? Bobo mo naman."
"No, no! It was not a lie. You love me, diba? 'Yun ang sabi mo. Mahal mo ako. Ramdam ko 'yun."
"If I truly love you, then why did I cheated on you?" Sagot ko. "Stop being an asshole, Rios. Everything is clear. And those I love yous? Hindi lang ikaw ang sinasabihan ko 'nun. 'Wag kang tanga. I won't settle into a serious and long term relationship with someone like you. Get lost."
Mas lumakas ang kaniyang pag iyak at napaluhod na siya sa sahig sa harap ko sa sobrang panghihina. Hinawakan niya ang paa ko at niyakap ito habang nakatingala sa akin. "Tell me you're lying, Kristen. 'Yun 'yung hindi totoo diba?"
"That was not just the first time I make out with another guy while I'm in a relationship with you. I'm not lying this time." Pilit kong inilalayo ang paa ko mula sa kaniya ngunit mas lalo lang niya itong hinihigpitan. "Let go of me." Mariin kong utos. Agad agad naman niya akong binitawan at agad naman din akong tumalikod at naglakad papalayo sa kanya.
"Sten!" Tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad ngunit hindi na ako lumingon. "Come back, babe. Please? O-okay lang kahit lokohin mo ako ng p-paulit ulit, just please stay. Please." Pagmamakaawa nito.
"Dream on." Sagot ko na lamang at tuluyan nang lumayo.
"Kristeniah! Ano na naman ba itong nalaman ko tungkol sa iyo?!"
Inis akong nagtakip ng unan sa aking ulo nang marinig ang boses ng lolo ko. Agad naman niya itong hinila kaya tinignan ko siya ng masama.
Wow. What a nice morning with a hangover and a rude awakening.
"Huwag kang bastos, bata ka! Sagutin mo ang tanong ko!"
Inis akong napakamot sa ulo ko at bumangon at tinignan siya. "Tinatanong mo ako ng bagay na di ko alam na alam mo and you're expecting me to answer that?"
"Kaya pala hindi ka na pumapasok sa school for the whole week dahil suspended ka na naman!"
Napasinghap ako at napairap. "Alam mo na pala, lolo. Bakit mo pa ako binubulabog dito dahil jan? Do you still want another information from me?"
"What the hell is wrong with you?!" Galit na asik niya. "Noong last month nabalitaan ko kay mayor na muntikan nang mag suicide ang anak nila dahil niloko mo lang at kung hindi dahil sa akin ay pinakulong ka na nila! And now, nasa America na ang anak nila para ipa rehab dahil hindi na makapag isip ng maayos simula 'nung ginago mo! Tapos hindi ka pa nakakabawi sa kasalanan mong iyon, may matatanggap na naman akong panibagong balita na suspendido ka na naman sa school dahil nagdala ka ng alcoholic beverages at uminom sa harap mismo ng professor mo?! And I have to pay them off para lang hindi ka nila i kick out." Napasinghap siya at napatampal sa noo para huminga at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita.
Kanina pa ako irap ng irap. Hays. Ang ganda ng gising ko, grabe.
Naiirita na ako sa pagdadada ni lolo at nagpanggap na lamang na nakikinig. "Hindi lang iyon, pagkatapos ay palagi ka nalang wala sa bahay, madaling araw na umuuwi at amoy alak ka pa! Tapos, the owner of the bar that you attended to last night called saying na there is another guy na nangbugbog just because of you! Nangloko ka na naman ng tao at pagkatapos 'nung nagkakamatayan na dahil sa'yo ay tumayo ka lang 'dun! mind you, hindi lang iyon ang unang beses, Kristeniah Vlauren. Every week may bago kang katarantaduhan! Wherever you go, you always leave trouble! Palagi ka nalang may batid sa akin na bad news! Hindi ka pa ba nadadala?!" Mahabang pagbubunganga ng lolo ko.
"Ayaw mo 'nun? Araw araw kang may matatanggap na balita without watching TV and reading news papers." Sarkastikong ani ko.
Dinuro niya ako ng may panlilisik ang mga mata. "Umayos ka, Kristeniah. Dahil kung hindi, mag impake ka na at lilipad ka ng New York and will return back to your parents. I'm warning you, that would be the last time na makakarinig pa ako ng ganung klaseng balita tungkol sa iyo." Iyon lamang at lumabas na siya ng kwarto at padabog na isinarado ang pinto.
Napasinghap ako at napatampal sa noo ko. I am not returning back to New York.
It can't be!!!
"Sten, you see that hot guy?" Agad naman akong napalingon sa itinuturo ni Zewy, ang best friend ko. "He was staring at you the whole time." Panunukso nito.
Inirapan ko siya at tinignan ang lalaking tinutukoy niya. Well, he's a cute hottie. Ang lakas ng charisma niya and his perfect face is someone to die for. Ang perpektong hugis ng kaniyang mukha, mula sa kaniyang perpektong pagkagawa na mga panga, ang kaniyang saktong kapal ng kilay, ang kaniyang malalalim at mapang akit na itim na mga mata, ang kaniyang matangos na ilong at pulang perpektong labi ay bagay din sa kaniyang hindi gaanong kaitim na kutis.
He looks so perfect. Lahat ay nababagay sa kaniya pati ang kaniyang itim at makapal na buhok na medyo may pagka kulot ng kaunti, and even if it's messy, it's one of the things that made him even hotter. Plus, his perfectly toned muscles and perfectly built body will just make everyone drool. Kahit nakadamit siya ay masasabi kong he has that good 6 packed abs.
I smiled flirtingly at him, at sa halip na gantihan ako ay agad siyang umiwas ng tingin at napansin ko ang pagkabalisa niya. Agad siyang hindi mapakali.
"What the hell..." mahinang ani ni Zew. "Don't tell me-"
"Gwapo sana, torpe naman." Pagpuputol ko sa sinabi ni Zewy. "He's too masculine to be weak. Hindi bagay sa kanya."
Tinignan ako ni Zewy nang nakangisi. "I think that would be your job, Sten. Make him strong as he seems."
"Oh, Zewy. I ain't named Kristeniah Vlauren Angeles for nothing." Nakangising ani ko.
"That's my girl." Ani ni Zew. "What are you waiting for? Go do your thing!"
Magpapadala na sana ako sa panunukso ng kaibigan ko nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni lolo kahapon.
Hindi pa tapos ang suspension ko. Na extend pa nga ng dalawang linggo- rather, kick out na sana ako. but hindi mapakalma si lolo kapag nand'un ako sa bahay palagi. Baka daw kasi mamaya may katarantaduhan na naman akong maisip at pati bahay ay masunog ko kaya binayaran na naman niya ang school at kinausap ang may ari para itigil na ang suspension ko at papasukin na ako.
Ang gulo niya talaga. Kapag nasa bahay ako, gusto niya akong papasukin ng school para hindi ako makagawa ng kalokohan sa bahay. So, does that mean na pinapapasok niya ako para dito nalang ako gumawa ng katarantaduhan?
Pero ayaw naman niya kapag nakakarinig siya ng balita tungkol sa akin about burning this whole school down ah? Tapos kapag late naman ako umuuwi from gimik, hahanapin naman din ako at papagalitan kesyo late ako umuwi.
Hay nako, matatanda talaga.
"Ano na, Sten?" Bumalik ako sa ulirat nang yugyugin ako ni Zewy. "Go get that hottie! Make him bad as you!"
What a supportive best friend.
But no.
Yes, it's a no.
No talaga.
No katarantaduhan na this time.
Yes, final na.
Yes…
But no.
"Stop it, Zewy." Sambit ko at kumain nalang. Kapag nagpadala na naman ako sa tukso ko, baka hindi na ako makakabalik pa ng Pinas.
Napapikit ako sa isiping iyon. Damn. I love this place so much, I'm staying here.
"H-huh? What's w-wrong? Umaayaw na ba ang isang Kristeniah?" Gulat na ani nito.
"He's just too innocent, I can't. I'm no good for him."
_________________________________________
"No Good for You"
By: kicktungupon
All rights reserved 2020.
Plagiarism is a crime.