Chapter XIII – Paano mo nagugustuhan ang isang tao?

2932 Words
Chriden Miguel Point of View Nasa iisang table na kami ng lalaking basta basta nalang nangyayapos. Awkward nga eh. Hindi ko siya masyadong kinakausap. Hindi ko parin kasi maialis sa isipan ko ang nangyari samin kanina. "Hindi ka ba marunong magpaalam!?" Mabilis kong nilingon ang napakapamilyar na boses. Hindi na ako nakasagot sa kanyang tanong. Nabigla rin kasi ako. "Ayos pre. Join na tayo sa mga wirdo!" -Kerby "Hoy Kerby! Kung hindi aayusan ang hilatsa ng pananalita mo eh makakatikim ka sakin!" Medyo malakas na pagkakasabi ko. Medyo nairita kasi ako sa sinabi niya at isa pa kasama ko ang mga classmates ko. Tumahimik nga silang lahat nung dumating itong grupo ng mga impakto eh! "Easy easy! Pwede ba kami makijoin?" Singit naman ni Allen. "HINDE! Ang laki-laki ng space oh tapos makikipagsiksikan kayo saming mga WIRDO!" Sabay tingin ko kay Kerby. Aba! Nakangisi lang ang loko! "Pasensya na Den. Di ka na nasanay sa mga yan. Sama-sama na tayo, para naman magkakilala ang mga kaibigan mo at kami" mahinahong singit ni Jerome. "Ah...teka..tatanu-" "Okay lang yan Den. Saka the more the merrier diba? Tara na dito. Upo ka na sa tabi ko" -Markie Lloyd. Aba! Tong lalaking to ah! Feelingero! Bakit ako tatabi sa kanya? Kaanu-ano ko ba siya!? Matapos niyang pagsamantalahan ang maganda kong katawan! Manigas siya! Hindi ko napansin na nagdugtong na pala sila Allen ng panibagong lamesa sa lamesa namin. Hindi naman masyadong excited ang mga to. "Guys don't mind them. Saka enjoy natin ang birthdy ni Ate Jaja." Masayang sabi ko sa mga kaklase ko. "Den hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kaklase mo?" Diretsong ani ni Francisco. Ha? Bakit ko pa siya kailangan ipakilala eh halos kilala naman siya ng tao sa school namin!? At isa pa - bakit ako pa ang dapat magpakilala sa kanya? Pipi ba siya? "Hi guys! I'm Allen. Nice to meet you all" pagpapacute ni Allen. Matapos yun ay isa-isa ng nagpakilala sila sa isa't-isa. "Hindi ko na kailangan sabihin ang pangalan ko dahil obvious naman na kilala niyo ako. Gusto lang malaman niyo na boyfriend ako ni Den" matapos sabihin ni Francisco yun ay mabilis niyang ininom ang alak na nasa harapan niya. "Ha?" -Ellen "Ano?" -Ate Jaja "Pre?" -Kerby "Seryoso?" -Allen Teka! Teka! Kung maka-react tong mga to parang wala ako dito ah! Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi no Francisco sakin nung nasa barko kami. Nakaramdam nga ako ng pag-iinit sa mukha ko eh. "Kayo na!?" -Jerome "Kayo na!!?" -Markie Lloyd Kung ang pagsasabi lang ng relasyon ay nakakamatay - malamang hindi na birthday ang pinunta ng mga to. Burol ko na! "Teka nga! Kung maka-react naman kayo! Ganito kasi yan..nung nasa-" "Hindi na naman kailangan pa ipaliwanag. Osya - ituloy na tong inuman. At ikaw naman Den umayos ka ng pagkakaupo. Diyan ka lang sa tabi ko" dugtong niya sa kanyang sinabi. Hindi ko na nagawang magsalita o sumagot pa. Nakaramdam narin kasi ako papaano ng kaunting pagkahiya. Saka bakit ganoon nalang makareact yung dalawa? Malaking kasalanan ba ang sinabi ni Francisco? Hayy.. Nagiging komplikado na yata ang buhay ko. Nagkwentuhan kami. Nakisali narin sa kwentuhan ang mga kaklase ko at nakapalagayang loob na nila ang grupo ni Francisco. Hanggang sa dumating sa usapang pag-ibig. At ang pasimuno? Aba sino pa! Si Kerengkeng na si Sheryl! "Den matagal na kitang gustong tanungin tungkol dito eh" panimula ng parrot! "Kung tungkol sa reproductive system chart yan ay hindi ako ang nagnakaw!" Sagot ko sa kanya. Ako kasi yung tinuto niya nung nawala yung chart na nasa psychelab. "Tanga! Ako kumuha nun at dinikit ko sa pader ng kwarto ko! Pinag-aaralan ko yung mga parte ng male organ lalo na yung scrotum!" Bulyaw niya sakin na naging dahilan ng pagtawa ng mga kasama namin. Tangnang babae to talaga! Walang pinipiling lugar ang kamanyakan! "Tatanong ko lang kung bakit hindi nag-work ang relasyon niyo nung kinukwento mo sakin na si Ariel" -Sheryl. Aba'y wala talagang pakundangan ang bunganga nito ah! Alam naman niya na nasa mainit pa akong upuan tapos ganoon ang tanong niya sakin! Takte naman! Biglang tumahimik ang mga kasama ko. Wala ako naririnig na kahit na ano at ramdam ko na sakin lahat nakatuon ang atensyon nilang lahat. "Ahm..ganito kasi yan. Nung unang kita ko palang sa kanya - nagustuhan ko na siya. Love at first sight yata tawag dun. Tapos naging malapit kami sa isa't-isa, hanggang dumating yung time na umamin ako sa kanya dahil hindi ko na kaya yung nararamdaman ko. Sabi niya ganoon din daw siya at pareho kami ng nararamdaman. Naging kami. Kasi, hindi daw pwede malaman ng kahit sino." Pinutol ko muna yung pagkukwento ko at ininom ko na muna yung basong may lamang alak na nasa harapan ko. Nagpasalin ulit ako ng isa pa at mabilis ko ulit ininom yun. "Syempre dahil sa gusto ko talaga siya - pumayag ako. Madalang kami magkita. Dahil sa nararamdaman kong hirap ng sitwasyon namin ay naikwento ko iyon sa ilang kaibigan ko. Pinayuhan nila ako na makipaghiwalay na. Dahil mahal ko siya - hindi ko pinakinggan ang mga payo nila" "Penge pa ngang tagay" mahinang sabi ko kay Allen. Mabilis kong ininom yung tagay at nagpatuloy na ako sa pagkukwento. "Hanggang sa isang araw, nakita ko siyang may kasamang babae. Dahil sa sobrang selos ay nilapitan ko sila. Sinabi ko sa babae na boyfriend ko si Ariel." Tumigil muna ako panaglit. Parang medyo naliliyo na kasi ako eh. "Tapos?" Sabi ni Kerby. "Tapos nung nasa harapan nila ako. Tinanggi ako ni Ariel. Yun. Yun na ang huling pag-uusap namin bukod nung nag-outing kami sa postema" pagtatapos ko sa kwento ko. "Hindi na kayo nagkaayos?" Malumanay na tanong ni Ellen. "Hindi na. Ang sakit-sakit nga eh - pero syempre wala rin naman ako magagawa" nakangiting sagot ko. "Some people need love even when they don't deserve it" -Markie Lloyd Aw! Lakas makaEnglish ah! "Wala palang kwentang tao yun. Kung ako si Ariel - proud akong ipapakilala kitang boyfriend ko. Sa tingin ko kasi napakasarap sa pakiramdam ang makasama ka Den" -Markie Lloyd. Napunta ang lahat ng atensyon namin sa taong nagsalita. Nakangiti ito sakin at bakas ang pagkasinseridad sa kanyang sinabi. "Huwag lang kaming magkikita ulit ng kuhol na iyon!" Seryosong sabi naman ni Francisco. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kaya ayoko sana magkwento. "Kung tatanungin ka naman Den. Paano mo nagugustuhan ang isang tao?" Biglang singit ni Jerome sa usapan. Ha? Paano ko nagugustuhan? Bakit parang ako ng ako ang tinatanong? Ako ba bida? Saka si Jerome? Unang beses na ganito ang kanyang aura ah. Kakaiba. "Oh! Den hindi pwede magsinungaling ah! Sasara ang butas ng pwet ng sinungaling!" Sabi ng napakaBait kong kaibigan. Si Sheryl. Tangnamo She! Bakit ba pati butas ng pwet ko ay pinapakialaman mo? Bastos! Pero napatawa ako at natakot ako dun aa! Ayoko kaya sumara to! "Simple lang. Nagugustuhan ko ang isang tao kapag alam kong walang halong kaplastikan ang ginagawa. Yung tipong gagawin mo yung isang bagay dahil gusto mo at hindi dahil sa responsibilidad mo ito. Gusto ko rin yung mararamdaman ko na kailangan niya ako dahil mahal niya ako hindi yung mahal niya ako dahil kailangan niya ako. PENGENG SHOT!" Sigaw ko sa nagtatagay. Lumalakas na boses ko senyales ito na medyo tinatamaan na ako ng espiritu ng alak. Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo. "Wow! Pak na pak ka neng!" Puring pang-iinsulto ni Sheryl. "Huwag ka mong inumin ang tagay na hindi sayo! Hindi ka mauubusan ng alak!" Pabalang na ani sakin ng taong katabi ko. "Hoy Francisco! Hindi ako malalaseng diyan! Malakas yata to!" Medyo malakas kong sabi dahilan para magtawanan ang mga kaibigan ko. "Malakas pala yang si Den eh! Osya - inom pa!" -Allen. Nagpatuloy kami sa kwentuhan at inuman. Nagpadagdag pa ng maiinom ang grupo nila Francisco kaya hindi parin kami umuuwe. "Walang uuweng matino! Happy Birthday Janina Calvo! Mabuhay!" Pang-asar na bati nila Kerby. Oo! Sabay sabay talaga sila nung sinabi yan. Kahit laseng ako nun tandang-tanda ko parin. "Kailan niyo pa natutunan na magawi dito?" Boses na narinig ko galing sa kaliwa namin. Doon lahat napunta ang tingin namin. Teka. Parang kilala ko itong babaeng ito ah! Tama! Hindi ako pwedeng magkamali! "What are you doing here?" -Francisco. "Can I ask you the same question?" Pamimilisopo ng babaeng kulay dugo ang labi. "Patay tayo diyan" narinig kong bulong ni Kerby kay Allen. Mabilis na siniko ni Allen si Kerby na dahilan para umayos ito ng pagkakaupo. "Pwede ba akong makijoin?" Sabi niya at pilit niyang pinausod ng upuan si Kerby at tumabi siya kay Francisco. "Oh bakit? Ayaw niyo bang nandito ako?" "You want to hear my answer?" Pabalang na sagot ni Francisco. "Ayy ate sino ka?" Tangang tanong ni Sheryl. "Oh sorry. I'm Catalina. Close friend of them. Soon to be Mrs. Gabriel" Bigla akong natigilan. Tama ba yung narinig ko? Soon to be? Mrs. Gabriel? Diba si Francisco yun? Hindi naman ako tanga sa English at nakakaintindi naman ako. Pakshet naman. Bakit nanginginig ang kamay ko? Bakit bumibilis ang t***k ng dibdib ko. "Hindi magandang biro Cat. Saka gusto ko lang ipaalam sayo Catalina na kasama natin ngayon ang boyfriend ko" seryosong sabi ni Francisco at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Iniharap niya ako sa kabilang side kung saan nakaupo si Catalina. "Ayu Te. Wag ka maniwala. Nagbibiro lang tong si Paul." Wala akong ibang nasagot kundi yan. Ewan ko ba. Imbis na maging proud ako ay nahiya pa ako. Ano nga naman ang panama ko sa napakagandang ito? Mukhang sobrang yaman pa! Samantalang ako? Haayyy. Di ko na alam kung paano ko pa iaangat ang sarili ko kung siya ang katabi ko. "Guys, excuse. Kanina pa ako naiihi. Baka sumabog ang pantog ko" sabi ko sabay tawa. Sa totoo lang gusto ko lang umalis para mawala yung tense na nararamdaman ko. Pumasok ako sa loob ng banyo at humarap ako sa salamin. Shet! Bakit may namumuong luha sa magkabilang mata ko? Bakit parang nahihikbi ako? Ganito nga ba kapag nakakainom? Hindi naman ako ganito dati ah. Nakakaramdam din ako kirot sa dibdib. Parang may biglaang tumusok kasi kanina nung narinig kong nagsalita si Catalina. Ano nga bang nangyayari sakin? Bakit ako ganito? Nasasaktan ba ako? "Sinundan talaga kita. Ang tagal mo kasing bumalik eh" Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling yung boses. Si Markie Lloyd. Nakatayo sa gilid ng pintuan. "Napano mata mo?" Puna niya. "Ah. Wala. Napuwing kasi ako. Maalikabok kasi yung pinto ng bayo, medyo napasandal kasi ako" palusot ko sa kanya. Naghilamos ako para pagbalik ko ay okay na yung mata. Ayoko kasing mapansin nila yung bagay na hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin. "We don't need to go back there. I got your bag." Nakangiti niyang sabi. Mukhang maganda yata ang naisip ng taong ito. Parang ayoko narin muna kasing bumalik don. Baka lalo lang akong makaramdam ng hindi maganda kung makikita at maririnig ko ang pinag-uusapan nila. Kung Soon to be Gabriel siya so ibig sabihin kailangan pigilan ko na kung ano man yung nararamdaman ko para kay Francisco. Inamin ko nanaman sa sarili ko na may kaiba akong pagtatangi sa kanya pero sa ngayon mali na iyon. Ayoko maging hadlang sa kanila. Mayaman sila at simpleng tao lang ako. Babae si Catalina, at ako? Hayy. Wala sa kalingkingan ng kung anong meron siya. Maiintindihan naman siguro ako ng mga kaibigan ko. Itetext ko nalang sila. Gusto ko na muna umalis dito. Sumama na ako kay Lloyd. Sa likod kami dumaan. Kahit medyo malayo ang iikutan namin ay okay lang. "San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya. "Kung saan mo gustong pumunta" nakangiting sagot niya. Kahit hindi ko pa siya gaanong kilala ay parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Parang ang tagal ko na nga siyang kakilala eh. Parang nakasama ko na siya dati pa. "Gusto mo na bang ihatid kita?" - Lloyd. Gusto ko na nga ba umuwe? Umiling ako. Sa totoo lang, gusto ko pang mag-inom. Gusto ko pag-uwe ko ay matutulog nalang ako at papasok kinabukasan. . . . "Boyfriend mo nga ba yung sinasabi niyong Paul?" Biglang basag niya sa katahimikan. Nandito kami ngayon sa Lido Beach Resort. Wala nga halos tao at ang dilim dilim. Gumawa lang ng maliit na bonfire itong kasama ko dahilan para magkaliwanag at mainitan kami kahit papaano. Malamig na kasi ang panahon. Ber months na kasi. Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon. Jerome Kier calling... Nakalimang tawag siya bago ko tuluyang inislide ang answer button. "Hello.." Mahinang sagot ko. "Nasaan ka.." Tanong niya sakin. "Pasensya na Rome. Hindi na ako nakapag-paalam. Umuwe na ako." -Ako "Pwede ba kitang puntahan?" Mahinahong tanong niya sakin. "Kita nalang tayo sa school. Gusto ko narin kasi magpahinga Rome. Sensya na" pagdadahilan ko sa kanya. "Den bili lang ako" singit ni Lloyd. "Yung totoo Den. Nasaan ka? Sino kasama mo?" Seryosong tanong ni Jerome sa kabilang linya. Ramdam ko ang kakaibang aura niya habang nagsasalita siya. Dapat ko bang sabihin kung sino kasama ko? Dapat ko bang sabihin kung nasaan ako? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko diba? "Okay lang kung ayaw mong sabihin. Yung malamang kong okay ka ay sapat na sakin" malumanay na sabi ni Jerome sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng kaunting kunsensya sa kalooban ko. Ang sarap din pala sa pakiramdam na may isang taong personal kung mag-alala sa kalagayan mo. Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Wala namang masama sa pagsasabi ng totoo. Matapos ang usapan namin ay in-end call ko na at itinuon ko na muli ang atensyon ko sa apoy na nasa harapan ko. "Gusto mong pag-usapan?" Ani ni Jerome at umupo sa kabilang side ng bonfire. Ano nga ba ang gusto kong pag-usapan? Gusto ko nga bang pag-usapan?  Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung bakit ako nagkaganito bigla. "Pwede magtanong?" Mahinang sabi ko sa kanya na sapat na para marinig niya. "Kaya nga nandito tayo para may makausap ka" nakangiting sagot niya. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit sakin. Inabutan kiya ako ng dalawang bite ng San Mig Light at bumalik siya sa kanyang pwesto. "Sa tingin mo - totoo kayang may mga lalaking nagmamahal ng katulad ko?" Mahina kong tanong. Nagdadalawang isip akong itanong sa kanya iyan. Nahihiya kasi ako. "Bakit ano bang mali sa mga katulad mo? Ano bang mali sayo?" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Huwag mong sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong. Baka magdamag lang tayong magtanungan dito" sabi ko sa kanya. "Ahmm.. Alam ko Den, pagdating sa love walang sinisino yan. Minsan nga magigising ka nalang na mahal mo na pala ang isang tao. May mga pagkakataon nga na unang kita mo palang ay parang gusto mo na siyang mas makilala pa ng lubusan." Panandalian siyang huminto sa pagsasalita at lumagok ng alak mula sa hawak niyang bote. "Hindi naman kasi mukha ang minamahal - kundi yung pagkatao. Ang mukha lilipas din yan, kukulubot yan, darating ang araw na magmumukha ng isda na yan pero yung pagkatao hindi yan nagbabago. Inborn yan. Ikaw yan. At higit sa lahat - maselan yan kaya dapat pinagpapahalagahan yan" mahabang komento niya. Makata rin pala itong taong ito. Wala sa mukha niya na makakapagsalita siya ng ganoong klaseng linya. (Lloyd - Namiss kita bigla) Natahimik ako sa sinabi niya. Inangat ko muli yung hawak kong bote at ini-straight ko yun. "Mukhang may pinaghuhugutan ka yata ah" pang-aasar niya. Ramdam ko na sinabi niya iyon para mabasag muli ang katahimikang bumabalot samin. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Muli ay sumeryoso nanaman ang kanyang mukha. "Alam mo halos magulo na limbic system ko hindi parin kita matandaan. Baka nagkakamali ka lang" seryoso kong sagot sa kanya. Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako. "Den, sa totoo lang may gusto akong sabihin sayo eh. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit. Simula kasi nung araw na -" "Den, lets go. Almost midnight na" narinig ko mula sa likuran ko na dahilan sa pagkakaputol sa sinasabi ni Lloyd. Ewan ko ba pero parang may kakaiba sa pagkakasabi ni Jerome. Malumanay naman siya. Lagi naman siyang ganoon pero yung sa tono niya ngayon? Di ako mapakali. "Oy Rome! Tara join ka samin" tanging nasabi ko nalang sa kanya. Nagulat din kasi ako sa kanya. Hindi ko ineexpect na pupunta siya dito. "Uuwe na tayo - ihahatid na kita" malumanay paring sabi niya. "Sige na Den. Pauwe narin ako. In-expect ko rin may dadating para sunduin ka" nakangiti niyang sabi sakin. "Pero pa-" "Okay lang ako. Kita nalang tayo bukas" nakangiti paring sabi niya. Ayoko pa sana talagang umalis pero ramdam ko ang kakaiba sa paligid ko. . . . . . . . . . Kapwa kami tahimik ni Jerome sa loob ng kanyang sasakyan. Ano bang mali? Bakit ganito ang nangyayari? Mamamatay na ba ako? Tangna naman! "Jer-" "Bakit magkasama kayong dalawa?" Putol ni Jerome sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang kasi narinig ang ganoong salita sa kanya. "Ah..Nagkataon kasing pauwe na ako tapos pauwe narin siya" palusot ko sa kanya. "Nagkataon rin ba ang pagdaan niyo sa likod ng E-Place?" Seryoso niyang tanong sakin. Aba! Bakit ba issue yun? Masama ba? Gusto ko lang naman umalis dun dahil hindi nagiging maganda epekto nun sa damdamin ko. Binalot muli kami ng katahimikan. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang isasagot ko sa kanya. Saka bakit ba kailangan ko magpaliwanag sa kanya? Ano ko ba siya! Nakakaramdam tuloy ako ng inis ngayon sa kanya. . . . . . . "Maraming salamat" tipid kong sabi sa kanya nung nasa tapat na kami ng bahay namin. Wala akong narinig na kahit na ano mula kay Jerome. Pagkabukas ko ng doorknob ng pintuan namin saka lang siya umalis. Dumiretso ako sa kwarto ko. Hindi ko na ginising si Mama. Alam din naman niyang gagabihin ako ng uwe. Humiga na ako sa kama matapos kong magpalit ng damit. Ewan ko ba pero bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi nung Catalinang yun. Nilingon ko ang tumutunog kong cellphone. Paul Francisco calling... Tinitigan ko ang cellphone ko. Hindi ako nagdadalawang isip na sagutin kasi wala talaga akong sagutin yung tawag niya. Natapos iyon. Pero hindi rin nagtagal ay tumunog muli ang cellphone ko. Jerome Kier calling... Katulad kanina tinitigan ko lang iyon. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko. Kakaiba. Hindi normal. Hindi tama. Nakailang tawag si Jerome pero hindi ko iyon sinasagot. Tumunog ang notification tune ng cellphone ko. Text message. Sender: +63916xxxxxxx Hi! Kita nalang tayo bukas. Gudnyt! Lloyd to. Save my digits. Muah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD