Chapter XII - I'm all out of love

2747 Words
Chriden Miguel Point of View Ang bilis naman. Pasukan na uli. Haaayyyy. "Oh Den! Pwede maki-share?"  "Oo naman. Vacant ka rin?" Sagot ko kay Kenneth. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Dami nga niya kinukwento pero labas pasok lang sa dalawang tainga ko. Haha! Pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya. "Kenneth sino siya?" Sabay turo ko sa isang lalaking nag-iisang nakaupo sa dulo ng cafeteria. Nakacivilian kasi siya. Nakasuot ng polo shirt na kulay green na stripes, semi fitted na pantalon. Malaking pangangatawan at makinis na balat. Itsura palang halatang high class na. Yung pormahang simple pero halatang mayaman. "Bago lang siguro yan. Nakacivilian pa eh. Type mo?" Sagot ni Kenneth. Type ko? Langyang to! Nagtatanong lang naman ako. "Di noh! May boy- may boy bawang ka bang dala?" Takte! Bakit muntik ko ng masabi na may boyfriend na ako? Naalala ko kasi yung sinabi sakin ni Francisco eh! "Boy bawang? Kelan ba ako nagdala nun?" Takang tanong niya sakin. "Wala. Nagjojoke lang ako" sabi ko sabay tawa. Wala na kasi akong maisip na sasabihin sa kanya. Ang weird ko naman. Haha! Napag-usapan namin ang darating na Christmas. Ano ba yan, kakasimula palang ng pasukan christmas na agad ang pinaguusapan namin. Masyadong excited tong taong ito. "Den! Pagkatapos mong maglumande diyan sumunod ka na sa room. Konting kerengkeng pa - 10mins ka ng late" ani ni Sheryl habang hawak-hawak ang isang pad ng yellow paper. "Oh wag mo ng itanong kung saan ko ninakaw to. Tara na! Nasa room na ang hukluban!" -Sheryl "Kenneth diyan ka na muna. Pasok na muna kami" paalam ko kay Kenneth. Kinuha ko na ang bag ko at sumama na ako kay Sheryl. Puro kalokohan pa nga si Sheryl eh. "Kapag nakita mo prof natin Den naku! Mawawalan ka ng gana pumasok sa eskwelahang ito" "Ha? Bakit? Terror ba?" Takang tanong ko sa kanya. "Tingnan mo nalang mamaya" seryosong sagot niya. Aktong palabas na kami ng cafeteria nung medyo bumagal ang paglalakad ni Sheryl. "Parang nakita ko na tong lalaking ito. Teka...isip..isip...." Mahinang sabi ni Sheryl habang nakahawak sa kanyang sintido. "Ay! Baka nagkakamali lang ako. Halika na nga Den!" Sabay hila niya sa kamay ko at tumakbo na kami paakyat sa hagdan.. . . . . . . . . . . . "Anong masasabi mo sa itsura ni Sir?" Bulong saken ni Sheryl. Magkatabi kasi ulit kami sa upuan. "Bakit ganyan itsura niya She?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Tangnamo! Hindi mo ba alam ang kwento? Nahulog daw yan sa pusalian tapos kumapit na yung kulay ng pusali kaya ganyang kaitim!" Seryosong kwento ni Sheryl. "Mukhang pagong si Sir noh?" Matapos nun ay bigla nalang siyang tumawa. "Tumigil ka nga sa kalokohan mo She! Baka mamaya biglang tawagin pangalan ko niyang pagong na yan!" Bulong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang tawa ko. "Okay. Going back to the topic." Pagsisimula ulit ni Sir Pusit. Pinapaliwanag niya yung tungkol kay Philein. Ewan ko ba kung ano ang tamang spell nun. Di naman kasi talaga ako interesado sa sinasabi niya eh. "Tok tok" Natuon ang atensyon namin sa pintuan. Sino ba naman ang taong bigla bigla nalang kakatok? Kumpleto nanaman ang mga kaklase ko. Walang absent at ako lang din palagi ang late. Hahaha! "Yes?" Matipid na tanong ni Sir Philein matapos pagbuksab ng pinto. Sir Philein na tawag namin sa kanya ni Sheryl dahil paulit ulit siya sa pagbanggit ng pangalan ni Philein samin. Ginagawa na nga yata kaming tulig ng Pagong na ito eh. "I belong to this class" Wow! Inglisero! Lakas makaEnglish ah! "Your name?"-sir "Markie Lloyd Cruz" Wow part two! PangMayaman ang pangalan ah! Bakit nga ba nauso ang dalawang pangalan? "Come in" Pumasok na sa loob yung bagong dating. Irregular siguro siya. Aba! Teka. Nakatingin ba siya saken? Wala naman kasi pwedeng tingnan sa likuran ko bukod sa mga bakanteng upuan. Baka naman may nakikitang iba tong lalaking ito? Teka. Parang pamilyar siya ah! Tama! Siya yung lalaking mag-isang nakaupo kanina sa cafeteria. Yung lalaking loner. Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sakin. Nakatingin din ako sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko rin maialis ang pagkakatingin ko sa kanya. Nung aktong nasa gilid ko na siya ay pakiramdam ko ay medyo bumagal ang paligid ko. May naamoy akong pamilyar na amoy na parang naamoy ko na dati pa. Hindi niya parin inaalis ang pagkakatingin niya sakin. Hindi rin siya nangiti. Ano bang meron sa mukha ko at bakit karamihan nalang ay masama ang tingin saken? Mukha ba akong kriminal? Snatcher? Murderer? Pakshet naman oh! Naupo na siya sa likuran namin ni Sheryl at nagpatuloy na si Sir Philein sa kanyang discussion. Pero parang may kakaiba. Pakiramdam ko kasi ay parang may mga matang nagmamasid sakin. Totoo! Parang lahat nalang ng gawin ko ay may nakamasid. DISCUSSION. LESSON. DISCUSSION. LESSON. Takte! Ganun parin. Di parin ako mapakali. Pinagpapawisan na nga ako ng malamig eh. Daig ko pa yung natatae sa sobrang tensyon na nararamdaman. "Okay. See you on Wednesday." Huling sinabi ni Sir Philein at mabilis na siyang lumabas ng room namin. "Den, sama ka? Kain tayo sa E-place. Birthday ni Ate Jaja. Treat daw niya!" Sabi ni Ellen. "Talaga? Libre? Join ako diyan!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pinipilit ko talaga ang sarili ko na maging normal. Natetense pa kasi talaga ako eh. Yung pakiramdam na may namamanman sa mga ginagawa ko - yun! Ganon ang pakiramdam ko. "Tara na! Mag-iinom din daw tayo. Pagbigyan na natin. Minsan lang manlibre yung babaeng yun eh" sabi naman ni Kuya Norman. "Oo nga! Baka magbago pa isip ng loka! Hahaha!" Dugtong naman ni Gladys. Ang nagmamagandang manananggal ng section namin. "Hmm.. Can I excuse Chriden for a while? Promise susunod kami sa E-place. I just wanna talk to him." Narinig ko mula sa likuran ko. Mabilis kong nilingon ang likuran ko. Gusto kong makasigurado kung ako nga ba ang tinutukoy ng taong ito. "Ayy.. Magkakilala pala kayo. Sige. Join ka narin." Sabi ni Ellen. "Alam mo Papabol, pamilyar ka sakin! Sama ka sa E-place ha. Irarampa kita. Ang pogi mo! Hahaha! Kain lahat! Walang tapon!" Mapanuring sabi ni Sheryl. Langyang babaeng ito! Nuknukan talaga ng libog! "Teka teka! Hin-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinila na niya ang kamay ko palabas ng classroom. "Teka! Sino ka ba? Saan mo ako dadalahin? Kilala ba kita? San tayo nagkakilala? Papatayin mo ba ako? Waaaaaaah! Ayokooooooo! Bitawan mo ako!" Walang tigil na ratsada ng bunganga ko. Hindi siya nagsasalita pero nakikita ko ang mukha niya na natawa siya. Langyang to ah! Pinagtatawanan ako! "Ano ba!? Bitawan mo nga ako nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya na naging dahilan ng pagtigil namin sa gitna ng basketball court ng school namin. Nasa pinakagitna kami ng court. Napapaligiran kami ng maraming estudyanteng nakaupo sa bleacher. Marami pa naman may vacant time ngayon. May mga tao rin sa chapel at nasa kaliwa namin ang cafeteria na puno ng napakaraming tao. "Sorry...nasasaktan na pala kita" sinserong sabi niya sakin. Naramdaman ko ang sinseridad sa tono ng kanyang pananalita. Binitawan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Gustuhin ko man tumakbo at umalis ay hindi ko magawa. Napako yata ang dalawang paa ko sa pagkakarinig ko sa sinabi niya. "Magkakilala ba tayo?" Sabi ko sa kanya. Gusto ko kasi talagang malaman kung sino siya at kung bakit kilala niya ako. Nakatingin lang siya sakin. Nakatitig lang siya sakin. May sakit ba tong lalaking to? "Hindi mo ba ako natatandaan?" Mahinang tanong niya sakin. Napaisip ako. Pilit kong inaalala ang mukha niya. Saan ko nga ba nakilala ang taong ito? Gwapo at ang katawan shet!!!! Perfect! "Sorry kuya hindi talaga kita matandaan" -ako. Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Malapit na malapit na siya. Bigla nalang niya akong niyapos. Gustuhin ko man na tanggalin ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sakin ay hindi ko magawa. Na-estatwa yata ako. Nagulat ako sa ginawa niya. "Naalala mo na ba?" Bulong niya. Ha? Anong ibig niyang sabihin? Ano ba tong ginagawa niya? Pinagtitinginan na kami ng maraming estudyante. Yung iba naman panay ang kuha ng litrato samin. Naglakas loob akong kumalas mula sa pagkakayapos niya sakin. Matapos yun ay mabilis na akong umalis sa kinalalagyan namin. Ramdam na ramadam ko nanaman kasi ang mga matang nakamasid sakin. Naiilang ako. Nahihiya ako. "Den!" Narinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon. Talaga bang lumalaganap na ang mga wirdong tao ngayon? Mga taong bigla nalang mangyayapos? Mga lalaking bigla bigla nalang manghihila ng kamay at kung saan saan ka dadalahin? Harassment! Habang naglalakad ako ay pilit kong inaalala ang mukha ng lalaking yun. Pigain ko man ang utak ko sa kaiisip ay balewala parin. Sumasakit na nga ang ulo ko eh. "Araaaaay!" Sigaw ko nung naramdaman kong bumangga ako. Tinunghay ko ang mukha ko. "Francisco?" Mahinang sabi ko. "Oh bakit parang tense na tense ka?" Narinig kong tanong niya sakin. Dapat ko bang sabihin sa kanya yung nangyari? Ayy wag nalang. Saka bakit ko pa ipapaalam sa kanya? "Ah wala. Iniisip ko lang kasi yung bagong prof namin. Mukhang terror. Sige. Una na ako. May gagawin pa ako" medyo natataranta kong sabi sa kanya. "Saan ka pupunta? Wala ka ng klase diba?" -Francisco. Huh? Paano naman nalaman ng impaktong ito na wala na akong klase? DEAN ba siya? Sorna to ah! "May usapan kasi kami ng mga classmates ko. Ingat. Babay!" Matapos kong sabihin yun ay tumakbo na ako. Ewan ko ba kung bakit ako natatarantang kausap yung lalaking yun! Diretso na nga lang ako sa E-Place. Lalo lang tuloy ako nagutom. Ayoko na muna isipin ang nangyari. Saka baka nagkakamali lang yung lalaking yun. Hindi ko naman talaga siya kilala at wala naman dahilan para makilala ko pa siya. . . . "Oh nasaan na si Papabol? Akala ko ba susunod kayong dalawa? Bakit ikaw lang?" Mataray na tanong sakin ni Sheryl. Naku! Kung hindi ko lang kaibigan tong hayop na to baka kanina ko pa isinalang sa ihawan ang nguso nito. Saksakan ng lande! Pagkapanget-panget naman! Habang nakain ako ay nagpapaikot na ng tagay si Kuya Norman. Mga adik talaga sa alak tong mga to. Naturingang Psyche Major pa naman! "Oh Den! Shot!" Sabay abot sakin ng basong puno ng Redhorse. Wow ha! Hindi naman ako masyadong uhaw! "Akina bote! Sa bote nalang ako iinom. Nakakahiya sanyo kung papadaanin pa sa baso!" Bulyaw ko sa kanila. Kasora ah! Tawanan lang ang narinig ko mula sa kanila. Nagsimula na ang kwentuhan namin. Hanggang dito ba naman sa E-Place puro personalitu disorder parin ang pinag-uusapan namin. Anti-social. Borderline. Dependent. Independent. Waaaaah! Utang uta na ako! I'm lying alone with my head in the phone Thinking of you till it hurts. I know you hurt too but what else can we do Tormented and torn apart Bigla akong natahimik nung narinig ko yung nakanta. Feel na feel ko ang kanta. Ang sarap pakinggan ng boses niya. I'm all out of love I'm so lost without I know you were right Believing for so long Hinanap ko ang taong nakanta. Ang taong napapahanga ako sa mga oras na ito. Nakita ko ang mukha ni Sheryl na halos tumulo na ang laway at titig na titig lamang sa iisang direksyon. Inikot ko ang upuan ko. Humarap ako sa pinanggagalingan ng boses. Wala ng lumabas pang salita sa bibig ko nung makita ko yung lalaking nakanta. Nakatingin siya sakin. Nakatitig siya sakin. Kitang-kita ko ang malamlam niyang na sakin lamang nakatuon. May ilang bote na ng alak sa table niya halatang mas nauna pa siya sakin sa pagdating dito. Sino ka bang talaga? Bakit parang nararamdaman kong kailangan pa kitang makilala... Markie Lloyd Cruz Point of View Ilang gabi ng hindi maayos ang tulog ko. Paulit-ulit yung scenario sa utak ko. Senyales na ba ito ng pagiging alien? Nababaliw na ba ako? Wala naman akong makausap dito sa bahay. Wala na akong tatay. Sumakabilang bahay. Si Mama naman wala rin - busy sa kanyang mga apo sa Hongkong. Kapatid? Meron. Si Ate Trisha. May asawa na siya kaya wala siya dito sa Pilipinas. Ano nga ba ang pangalan nung taong yun? Sigurado akong narinig ko yun at nawala lang sa isipan ko. Mukha lang niya talaga ang hindi ko makalimutan. Nagpasya akong bumalik sa bahay namin dito sa Mulawin Tanza Cavite. Nakakaboring din pala magbakasyon mag-isa. Naisipan ko kasing magbakasyon sa mindoro. Akala ko nandun pa yung ibang mga barkada ko, nauna na palang nakauwe. Napaaway pa nga ako dun eh. Buti nalang may nagmagandang loob na tumulong sakin - at yun ang taong dahilan rin kung bakit balisa palagi ang bawat gabi ko. . . . Nandito ngayon ako sa mall. SMB (SM Bacoor) Gala lang. Naglaro ako sa tomsworld at nung inabot na ako ng gutom ay nagtungo agad ako dito sa foodcourt. Ayoko kasing pumila ng pagkahaba-haba sa mga fastfood. Nung aktong magsisimula na akong kumain ay may nahagip ang dalawang mata ko na naging dahilan ng pagkakatigil ko. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Tinitigan ko siyang maigi. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Tama. Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya na nga yung hinahanap ko. Siya ang may kasalanan kung bakit ang laki ng eyebags ko. Lalapitan ko siya. Gusto ko siyang kausapin. Tumayo ako. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa table nila. Hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa kanya. Baka kasi bigla nanaman siyang mawala sa harapan ko. Totoo pala yung mga napapanuod ko da movies na kapag papalapit ka na sa isang taong nakakuha ng atensyon mo ay parang babagal ang buong paligid mo. Slow motion yung parang walang gravity. Malapit na ako sa kanya. Malapit na malapit na. Pero...takte naman! Biglang may sumulpot at tumabi sa taong lalapitan ko. Nakasimangot ito at mukhang pinapagalitan yung taong pupuntahan ko. Boyfriend niya ba yun? Di hamak naman na mas gwapo ako sa lalaking yun! Kung katawan naman ang pag-uusapan, aba! Di magpapatalo itong magandang hubog ng pangangatawan ko! Mabilis akong umalis sa foodcourt. Sa ibang pagkakataon nalang ako lalapit sa kanya. Ang magalaga nakita ko na siya at alam ko na kung saan ko siya mahahanap ulit. Nabasa ko kasi yung lace ng id na suot niya. San sebastian College Recoletos - De Cavite. Mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko sila. Nandito kasi ako sa may circle sa gitna ng sm tapos sila nasa ibaba lang. Nakita kong nakaakbay ang kanang kamay nung lalaki dun sa taong hinahanap ko. Feelingero to! Mas maganda kung ako ang nakapwesto dun! Mas bagay kaya kami! . . . Wala na akong ibang maisip na paraan. Nag-enroll ako sa school na pinapasukan niya at kaparehong kurso niya ang kinuha ko. Nagayuma yata ako ng taong yun. Yung tipong gusto ko siyang makasama at makita. Yung pakiramdam na gusto kong maramdaman muli ang pagkakayakap niya sakin nung nasa mindoro kami. Ipinakilala ako ni Prof sa harapan ng section nila. Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong paalisin ang babaeng nasa tabi niya at ako ang uupo dun. Pagkatapos ng klase ay naglakas loob akong hilahin ang kanyang kamay hanggang sa mapatigil kami sa gitna na court. Ang daming tao pero hindi ako nakakaramdam ng hiya - bagkus kaba ang nararamdaman ko. Kaba at saya dahil nasa harapan ko ang taong hinahanap ko. Niyapos ko siya. Mahigpit. Ayoko na siyang bitawan. Gusto kong maalala niya yung scenario namin dati. Sabi ko dati - Lord I need love. Hug is free. Kung sino man ang taong yayapos sakin sa madungis kong pangangatawan at nakakadiri kong itsura ay yun yung taong tinadhanang makasama ko panghabangbuhay. Tumakbo siya. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako nilingon. Isa lang naisip kong paraan. . . . Habang kinakanta ko ang kantang gusto kong iaalay sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Buong damdamin ko ngang kinakanta ang bawat lyrics ng kantang I'm all out of love. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nung nakita kong nakatingin din siya sakin. Hindi ko magawang ngumiti. Wala akong maipakitang ibang reaksyon ng mukha ko. Pagkatapos kong kumanta ay pinagpatuloy ko ang pag-iinom ko. Tutal nandito narin naman ako kaya uminom narin ako. "Papabol join ka na samin! Tara na!" Hindi na ako hinayaang makasagot ni Sheryl at hinila na ang kamay ko papuntang table nila. "Diba sabi mo sabay kayo ni Den babalik dito?" -Yung lalaking mataba. (Norman) "Ah..eh.. Nagmada-"  "May dadaanan pa daw kasi si Den kaya pinauna na niya ako" putol ko sa kanyang sinasabi. Ramdam ko kasi ang tensyon sa kanyang inaasta. Tamihik lang ako habang nakikinig sa kanilang kwentuhan. Tahimik lang rin akong nakatingin sa iisang direksyon. Kay Den. "Den mukhang di umaaligid ang boyfriend mong bully ah!" Narinig kong sabi nung babaeng buhaghag ang buhok. Gladys ata pangalan niya. Teka? Si Den? May Boyfriend? Hindi yata maganda sa pandinig ko yun ah. "Anong boyfriend ka diyan! Utut mo blue!" Tanggi niya. "Kunwari pa. Halata naman na gusto ka nung tao - pero ingat ka Den baka mamaya jombagin ka nun." - Ellen. "Tumigil nga kayo. Kahit naman ganoon si Francisco ay may kabutihan namang taglay yun! Saka huwag na nga siya ang pag-usapan natin" mahabang pagtatanggol ni Den sa taong tinutukoy nila. "Oh kita mo na? Pinagtatanggol mo! Guilty! Boyfriend mo na nga ang bully!" Sigaw ni Sheryl. "Look who's coming!" -Ate Jaja "Speaking of the bully" -Ellen. Mabilis kong nilingon ang gate ng E-Place. May isang grupo ang paparating at nakatingin lamang sa iisang direksyon ang dalawang lalaki. Nakatingin kay Den.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD