Paul Francisco Point of View
Ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa taong yun. Ngayon ko lang kasi naranasan ang hindi makatulog tuwing gabi dahil lang sa kakaisip sa buset na yun! Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil sa kanya. Lintek na pakiramdam to oh! Pahirap!
Ano nga bang meron ka Den!
Gusto ko siyang isama sa lahat ng lakad ko. Ayokong kung saan saan siya pumupunta bukod sa kasama ako.
Ilang gabi ko siyang inaantay sa waiting shed na malapit sa school namin. Doon kasi siya madalas sumakay pauwe pero ilang gabi rin akong bigo hanggang sa mapagpasyahan kong pumunta nalang ako sa bahay nila. Mautak yata ako! Ewan ko lang kung hindi pa kami magtagpo.
Nalaman kong sasali pala sila sa competition para matuloy ang bakasyon nilang magkakaibigan. Ano ba yan! Kailangan pa ba talagang sumali sa ganoon para lang matuloy ang balak nila? Samantalang kami ang pinoproblema namin ay kung saan kami pupunta!
Nagkaroon kami ng deal ni Den. Kapag natalo sila sa competition - saken siya sasama.
Anong akala niya? Basta basta lang ako papayag na hindi siya makasama saken? Hindi magiging masaya ang bakasyon ko kung hindi lang din siya ang kasama ko.
"Pre ano? Saan tayo? Nextweek na yun ah!" Untag sakin ni Allen. Nandito kami ngayon sa miquels inuman. Walang magawa sa bahay eh.
Flashback
"Wala ka ng magagawa Allen. Nakapag-paregister na agad yang si Paul" sabi ni Kerby habang inaayos ang mga instrumentong gagamitin namin.
"Ano ba pumasok sa isip mo Paul? Ora mismo? Saka hindi naman natin kailangan sumali eh" -Allen.
"Gusto ko lang. Kung ayaw mo huwag ka sumali. Ganoon lang naman yun eh" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Pagbigyan na natin yang si Paul. Alam naman natin kung para kanino kaya gustong sumali niyan sa competition eh" sabi naman bi Brille.
"Join ako! Gusto ko rin makita si Den sumayaw eh" nakangiting singit ni Jerome.
Tiningnan ko siya ng di maganda. Hindi naman kasi ako tanga para hindi maramdaman na may pagtingin siya kay Den. Hindi ako papayag! Kahit kaibigan ko siya - di ko pwedeng basta nalang hayaan ang kalokohang naiisip niya!
Sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto kong mangyari. Wala rin naman silang nagawa kundi ang sundin ako. Aba! Subukan lang nilang kontrahin ako - alaman na!
"Teka - ano nga ba mapapala natin sa pagsali sa competition na yan?" Dagdag ni Allen.
"Kapag nanalo tayo - syempre matatalo natin sila Den" nakangiting kong sagot sa kanya.
End of flasback
"Eh di sa Mindoro!" Masayang sagot ko. Iyon kasi ang premyong nakuha namin sa pagkakapanalo sa contest at sigurado akong makakasama namin sila Den sa pagbabakasyon dun.
"Ha? Wala namang kwenta dun ah!" Reklamo ni Allen.
"Kung ayaw mo huwag ka nalang sumama. Masaya kaya dun" nakangiti ko paring sabi sa kanya.
Isipin ko palang na kasama si Den di na agad ako makapag-antay pa. Hahaha! Iba na tama sakin ni taong iyon. Naghihibang na ako. Adik na ako.
.
.
.
.
.
Last day na ng sem pagkatapos bakasyon na! Ayos na!
Nandito ngayon kami sa cafeteria. Ako nga lang ang nagyakag dito sa mga tropa ko. Ayaw kasi nila dito at mas gusto pa sa labas. Syempre nandito ang buhay ko kaya dito ko gusto tumigil.
Nakita ko na ang hinahanap ng mata ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya pero may isang bagay na kinainis ko. Yung lalaking kasama nila. Si Kenneth.
Buset na lalaking to ah! Kapag naging kami na ni Den ay hinding hindi ko hahayaang makalapit ka sa kanya. Gustuhin ko mang bugbugin ka pero hindi ko pwedeng gawin. Ayokong gumawa ng bagay na pwedeng ikagalit sakin ni Den.
---
"Uy Den! Musta?" Narinig kong bati ni Jerome nung mapadaan kami sa table nila.
"Okay lang. Kaw musta na? Mukhang may gala nanaman kayo ah!" Sagot naman niya.
"Okay lang din. Wala. Excited lang ako sa bakasyon" nakangiting sabi ulit ni Jerome.
"Saan ba kayo magbabakasyon?" Tanong naman ni Den.
Hindi ba niya alam? Hahaha! Hindi niya alam na magkakasama kami sa napanalunan naming venue?
"Sa Min-"
Mabilis kong pinigilan ang sasabihin ni Jerome at hinila ko na siya paalis.
"Teka! Uy Rome!" Narinig kong tawag ni Den.
Rome? Teka si Jerome ba tinutukoy niya? Ang alam ko yung girlfriend lang ni Jerome ang nakakatawag sa kanya ng ganon ah!
Nakita ko ring ang pagtataka sa mukha ni Jerome nung lumingon siya pabalik.
"Thanks nga pala dito. Matagal ko ng gustong isauli ito kaso lagi ko nakakalimutan" sabay abot ni Den ng isang puting panyo.
"Yung pants mo nga pala sa susunod ko nalang sauli. Nakalimutan ko dalin eh" nakangiting dugtong ni Den.
Di ko yata nagugustuhan ang naririnig ko ah! Kailangan ko na talagang kausapin tong si Jerome ah! Di ko na nagugustuhan ang mga nangyayari eh.
"Miss hindi ka pwede basta basta nalang pumasok dito"
"Hindi mo ba ako kilala? If you don't want to get kick out of here then you should let me in"
Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng pagtatalo na iyon.
Matangkad, mahabang buhok, maputi at makinis na balat.
"There you are! Pinuntahan pa kita sa hang-out place niyo ng mga kaibigan mo dito lang pala kita makikita Francisco!"
"Catalina?"
"Catalina!
"Cata...lina?"
Gulat na sabi ng mga kaibigan ko.
"How are you guys!? Miss me?" Nakangiti pa niyang bati sa mga gulat na mga kaibigan ko.
"Owwe Jerome! Di ka parin nagbabago. Plain emotions and suplado." Dugtong pa ni Catalina.
"Why are you here?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Because of you Francisco! So - let’s go! I don't want to waste my time here." Matapos nun ay hinila niya ang kamay ko papunta sa sasakyan ko.
"By the way Mr. Guard - you're fired" pahabol niya bago kami tuluyang umalis.
Ano naman kaya ang naisip ng babaeng ito at bigla-bigla nalang sumusulpot! Bwiset! Wrong timing!
Chriden Miguel Point of View
Takte naman! Alas dos na ng madaling araw di parin ako makatulog! 7am pa naman kami aalis papuntang Mindoro! Buset!
Bakit ba naman kasi ayaw ako patulugin ng Catalina na iyon! Sino ba yun? Bakit bigla bigla nalang niyang hihilahin si Francisco? Girlfriend ba siya ni Francisco? Potek ka Francisco! Akala ko ba ako kunwari ang syota mo para hindi ka ireto sa iba! Iba ka rin eh! Nakakita ka lang ng maganda bumigay ka agad! Bwiset ka!
Teka!? Bakit ko nga ba pinapakialaman yung taong yun? Hindi ko naman siya boyfriend ah! Kaya wala dapat akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay!
Waaaaaaah! Naloloko na ako! Gusto ko na matuloooooooog!
.
.
.
"Oh bakit ganyan ang mata mo? Bakit ang itim ng paligid ng mata mo!?" Punang bati sakin ni Ian.
"Nag-aadik ka Den noh!?" -Lexter
"May alam akong dealer - mura lang" -John.
"Pakyu kayo! Hindi ako nakatulog! Gantong puyat ako eh wag kayong paloko-loko!" Pasinghal kong banta sa kanila.
Sumakay na agad ako ng sasakyan at naupo na ako. Mabilis ng pinaandar ni Kenneth ang sasakyan at ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
Dapat i-enjoy ko ang bakasyon. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano para masaya kaming lahat!
Nakasakay na kami sa barko. Barko talaga! Haha! Mas pinili namin yung mabagal para ma-enjoy namin yung biyahe. Wala naman may motion sickness samin kaya ayos lang.
Ang gagaling nung mga batang sumisisid sa dagat para kunin yung mga baryang hinahagis ng mga nakasakay sa barko. Inubos ko talaga yung barya sa bulsa ko kasi natutuwa akong nakikitang sumisisid yung mga bata. Badjao ang tawag ni Kenneth sa mga yun.
"Uy! Penge barya" naka-pout kong sabi kay Kenneth.
Binigyan niya ako ng 10 pesos na puro tigpipiso. Inubos ko ulit iyon sa kahahagis sa mga bata.
"Tara na sa taas Den" yaya sakin ni Ian.
Umakyat na kami sa taas. Ang gaaaaaanda! Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng dagat kahit na medyo malansa ang amoy ay presko parin.
Nandito ngayon ako sa taas ng barko. Dito ko uubusin ang tatlong oras na biyahe hanggang sa makarating kami ng Mindoro.
Sino nga kaya yung Catalina na iyon? Bakit parang gulat na gulat yung mga kaibigan ni Francisco nung makita nila yung babaeng iyon? Saka bakit wala man lang nakapagreact sa kanya?
Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka girlfriend siya ni Francisco o baka may namamagitan sa kanilang dalawa. Kapag naiisip ko iyon parang nawawalan ako ng gana. Waaaaaah! Mali! Mali! Hindi dapat ako nagseselos kasi hindi ko naman siya boyfriend!
"Pwede ba akong tumabi?"
Mabilis kong nilingon yung pinanggalingan ng boses na iyon.
"Jerome? Bakit nandito ka?" Takang tanong ko nung makilala ko kung sino yung tumawag mula sa likuran ko.
Nginitian niya lang ako at tumabi sakin. Pareho na kami ngayon nakatayo sa gilid ng barko at nakatingin sa dagat habang patuloy sa pag-usad ang sinasakyan namin.
Hindi nagsasalita si Jerome. Tahimik lang siya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko babasagin ang katahimikang lumulukob sa paligid namin.
Hindi nalang din ako nagsasalita. Ayoko rin naman sirain ang pagmomoment ng taong ito. Baka may malalim na iniisip kaya ganito ang peg niya ngayon.
"Musta na kayo ni Paul?"
"Ayos lang. Ganoon parin" maikling sagot ko sa kanya.
Napakarami naman pwedeng itanong bakit tungkol pa kay Francisco. Iniiwasan ko na nga isipin yun dahil kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko.
"Ikaw musta ka na?" Tanong ulit niya.
"Ako? Okay na okay! Saya nga eh kasi natuloy itong ni-plano naming bakasyon" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ikaw naman musta ka?" Tanong ko naman sa kanya.
Takte naman oh! Sumakay ba ako ng barko para makipag-kamustahan lang? Puro musta naririnig ko! Word of the PoV MUSTA! "musta" ang ilalagay kong title dito.
"Ngayon okay ako - kasama kita eh" matipid niyang sagot.
Natigilan ako sa narinig ko. Hindi pa yata ma-process ng limbic system ko yung sinagot niya.
Teka Den easy. Huwag agad bigyan ng ibang meaning ang sinabi niya!
"May problema ka ba Jerome? Hindi masama magkwento. Pampagaan lang ng feelings" sabi ko sa kanya.
Nilipat niya ang tingin niya sakin. Tinitigan niya ako. Matagal. Napakatagal.
Nginitan niya ako.
"Okay na ako. Gumaan na ang pakiramdam ko" ngayon ay bumalik na yung kilala kong Jerome.
"Napakaweirdo mo talaga Rome" sabi ko sa kanya.
Matapos kong sabihin iyon ay natulala nanaman siya sakin. Ano ba ang problema ng taong ito?
"Uyy!" Sabi ko sa kanya.
"Ayy sorry. Space out nanaman ako. Ikaw kasi eh!" Sabay kamot sa ulo niya.
"Naranasan mo ba na magmahal Den? Yung tipong hindi mo inaasahan na bigla mo nalang mamahalin ang isang tao?" Tanong niya sakin habang nakatingin kami pareho sa dagat.
"Lahat naman siguro ng tao naranasan na yan. Naranasan ko na magmahal dati - pero ayoko na maulit yun. Nasaktan ako ng sobra nun"
"Ako kasi hindi ko alam yung biglang naramdaman ko eh. Kahit ako naguguluhan at hindi ko maipaliwanag kung bakit ako biglang nagkagusto sa kanya - mahal ko na nga siya eh" -Jerome
"Love is unexplainable thing. Hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin ang isang tao. Hindi yung mahal ko siya kasi ganto siya, mahal ko siya kasi ganyan siya. Mali yun! Love is love. The only thing you need is to feel it"
Yan napa-english tuloy ako! Ooooops! Wag mag-nosebleed, remember takot ako sa dugo. I mean, may phobia ako sa dugo.
"Den, I have something to tell you. Promise me na kapag sinabi ko sayo ay wala paring magbabago..."
Nakaharap na ako sa kanya.
Tumango ako senyales na oo ang sagot ko. Jusko! Kinakabahan ako. Killer ba siya? r****t? Murderer? Aswang? Huwag niyang sabihin na alien siya! Waaaaah!
"I'm fall-"
"Den! Tara na! Ayusin mo na yung gamit mo - padaong na ang barko" sigaw ni Kenneth mula sa hagdanan sa gawing kaliwa namin.
"Oo! Sunod na ako!" Sagot ko naman sa kanya.
Muli kong nilingon si Jerome.
"Ano nga ba ulit yung sasabihin mo?" Tanong kong muli kay Jerome.
Lumapit siya sakin. Malapit na malapit. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa kaliwang tainga ko. OMG! Bakit nagtatayuan ang mga balahibo ko!
"Ako si Superman...."
Ang gaaaaaandaaaaa!
Nasa isang resort kami. Napakagandang kulay ng dagat, pinong buhangin, preskong simoy ng hangin, mga kubong nagkukubli sa mga puno at naghayang mga stall na mga pwedeng bilihan para sa pasalubong.
Sigurado akong magiging masaya ang pagtigil namin ng ilang araw dito.
Dumiretso muna kami sa hotel na titigilan namin. Kasama kasi yun sa napanalunan namin sa contest.
Room 11
Sino naman kaya makakasama ko sa room ko? Ang patakaran kasi ay dalawa sa isang room. Haayyy gusto ko pa naman sana makapagsolo. Ito na rin kasi ang pagkakataon ko para matapos ko ang ginagawa kong nobela. Mas panatag kasi ang isipan ko kapag mag-isa lang ako sa kwarto.
Naagaw ang atensyon ko ng isang grupong sobrang gugulo at mukhang hindi magkasundo. Hindi ko na sana sila iintindihin nung biglang may nagsalita sa kanila.
"Uy Jerome! Buti nakasunod ka agad!"
Kasunod ko nga pala si Jerome. Nawala na kasi siya sa isipan ko. Teka! Kung nandito si Jerome ibig sabihin...
"Akala namin hindi ka na makakasunod eh. Buti naman at nakatakas ka kay Catalina!" Sabi ni Brille.
Akala ko pa naman kami lang ng mga kaibigan ko ang nandito. Kasama rin pala sila. Bakit ba hindi ko agad naisip na nandito rin sila kasi nanalo rin sila sa contest? Ang slow ko talaga! Grrrr...
Tiningnan ko si Francisco. Aba! Hindi ako pinapansin! Porket ba nandiyan na yung Catalina niya eh hindi na niya ako papansinin? Anong akala niya maapektuhan ako? Utut niya blue!
"Den nakita mo na room mo?" Sabi ni Kenneth.
"Di pa nga eh." Matipid kong sagot.
"Teka anong room number ka ba?"-Kenneth.
"11" -ako
"Ayos! Magkasama pala tayong dalawa sa room. Tara na!" Sabay hila niya sa kamay ko.
Si Kenneth? Kasama ko sa room? Teka! Teka! Ano ba dapat kong maramdaman? Matuwa? Mainis? Magalak? Mainip? Ayy! Erase! Erase! Bakit ako maiinip? s**t naman!
Binuksan na ni Kenneth ang magiging room namin.
Ang ganda ng room.
Nilapag ko ang gamit ko sa mini-sofa at inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng room.
May table at dalawang upuan, mini refrigerator, flat screen tv at sa ilalim nun ay may dvd player, speakers at telepono sa tabi ng isang kama.
Oooops! Teka! Tama ba nakita ko? Isang kama lang? Diba pangdalawahan daw ang room? Eh bakit iisa lang ang kama? Ibig sabihin...
"Oh bakit parang pinagpapawisan ka diyan? Malamig naman ah!" Sabay turo ni Kenneth sa aircon.
Napatingin ako sa kanya at tumingin ulit ako sa kama.
"Don't worry Den. Nakakapagtimpi pa ako. Huwag ka mag-alala, hindi ko gagawin iyon ng labag sa kalooban mo"
Takte! Mind reader ata to ah!
Nakakapagtimpi? Labag sa kalooban? Ano ibig niyang sabihin? Takte naman! Slow ba talaga ako?
Hindi na ako nakasagot pa dahil nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Totoo naman kasi! May ibang pumapasok sa isipan ko.
Kayo kaya lumagay sa sitwasyon ko? Nasa isang kwarto kayo ng hunks at gwapong lalaki? Sige nga!
.
.
.
"Shot!" Sigaw ni Ian habang nakataas ang kanyang kamay na may hawak na alak.
Nasa tabing dagat ngayon kami at pinapagitnaan ng bonfire. Dahil sa bonfire ay nawala yung lamig na nararamdaman ko dahil sa hampas ng hangin. Sarap sa pakiramdam yung naririnig yung lagaslas ng alon sa dagat.
"May naisip akong game" -Lexter.
Napunta lahat ang atensyon namin kay Lexter. Base kasi kay Kenneth ay laging may pabaon na laro itong taong ito.
"Parang truth or dare lang ito pero ang pinagkaiba ay iipapasa-pasa natin itong hawak kong maliit na bola habang may nakanta. Kapag tumigil yung kanta - ibig sabihin niya yung tatanungin" mahabang paliwanag ni Lexter.
Mukhang masaya nga yun ah! Kaya umayos na kami ng pagkakaupo sa buhangin. Habang umiikot ang bola ay patuloy rin naman ang pag-ikot ng tagay. Si Ian ang nakanta. Your guardian angel ang kinakanta niya. Tumigil siya sa pagkanta at tumigil din ang bola.
"Adriane!"
"Truth!" Sabi agad ni Adriane.
"Sino ang natitipuhan mo sa section natin?" Diretsong tanong ni Ian sa kanya.
"Si Shiela" matapang na sagot ni Adriane.
Ganon ba talaga kabilis sumagot tong taong ito? Ang alam ko kasi sa larong ito ay nakakakaba.
Nagpatuloy ang lato namin. Panay na ang kantyawan ng mga kaibigan ko. May tama narin kasi ng alak. Kahit ako nakakaramdam na ako ng sanib ng emperador sa sarili ko.
"Truth!" Sabi ni Kenneth.
"Isa lang naman ang pwede kong itanong sayo Kenneth" panimula ni Lexter.
"Wala pa kasi kaming nababalitaan na girlfriend mo. Tanong ko lang sino ba ang binubulong ng puso mo?" Diretsong tanong ni Lexter.
Lahat kami ay nakatuon kay Kenneth. Excited na kaming marinig ang susunod niyang sasabihin.
Halata ngang may tama narin ng alak ang mga kasama ko. May sound epek pa na parang iaanounce ang nanalo sa pageant.
"Si Den" mahina niyang sagot.
"Ha?" -Lexter.
"Laseng ka Kenneth?" -Ian
"Ayos ang trip mo ah!" -Adriane
Wala akong masabi. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nung narinig ko iyon sa kanya. Gusto kong marinig ang susunod niyang sasabihin. Yung sasabihin niyang nagbibiro lang siya.
"Totoo. Gusto ko si Den" malumanay niyang sabi.
Sakin nabaling ang mga mata ng mga kasama namin.
"Oh nasagot ko na. Tuloy na natin to" basag ni Kenneth sa katahimikan. Nginitian niya ako.
"Den!" -Adriane
"Dare" sagot ko. Medyo nabubulol na nga ako. Laseng na nga ako.
"Sure ka?" Nakangising tanong uli ni Adriane.
"Nakikita mo yun?" Sabay turo niya sa kumpol na magkakasamang sila Francisco.
"Kiss-an mo si Bully boy sa lips" sabi niya sa mapang-asar na tono.
"Ha!? Te...teka! Truth nalang!" Nawala bigla ang pagkalaseng ko nung narinig ko yun.
"Adriane!" Suway ni Kenneth.
"It’s just a game. Wala naman masama diba?"
Wala na akong nagawa. Sinang-ayunan ng iba naming kasama si Adriane sa kalokohang naisip niya.
"Kapag hindi mo ginawa ang dare - dito ka sa labas matutulog at wala kang share sa napanalunan natin" sabi ng walang modong si Adriane.
Tumayo ako.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa pwesto nila Francisco.
Bakit ganito? Ang bilis ng t***k ng puso ko? Bakit parang nangangatog ang tuhod ko? Tangna naman oh! Bakit pa kasi sumali pa ako sa kalokohan ng Lexter na iyon!
Habang palapit ako ng palapit lalong lumalakas ang tambol sa dibdib ko. Feeling ko nga ay mahihimatay ako eh.
Nakikita ko na siya. Nagkakatuwaan din sila at nasa gitna nila ang bote na nakatapat kay Francisco.
"Francisco...." Mahinang tawag ko sa kanya.
Itutuloy ko ba? Gagawin ko ba?
Baka kasi kung ano ang isipin ng mayabang na ito.
Eh ano naman kung matulog ako dito sa labas? Eh ano naman kung mawalan ako ng share sa napanalunan namin? Ayos lang naman iyon diba?
"Oh bakit?" Diretsong tanong niya.
"Ayan na pala eh! Ayos!" Sabi ni Brille.
Paul Francisco Gabriel Point of View
"Oh sayo tumapat Paul!" Sabi ni Brille pagkatapos paikutin ang bote.
Napagtripan naming maglaro ng spin the bottle dito sa tabing dagat habang nag-iinom. Pampaubos oras lang. Bukas pa kasi kami magsisimulang gumala dito sa Mindoro.
"Kiss mo si Den sa pisngi" nakangising sabi ni Brille.
Ha? Ako? Kikisan ko si Den? Hindi ba alam ni Brille kung ano ang sinasabi niya!?
"Brille hindi pwede yung mga ganyan baka kung ano nalang isipin ng ibang tao. Marami pa namang taong nandito" niglang singit ni Jerome.
Kanina napakatahimik netong taong to tapos ngayon bigla biglang nagsasalita! Saka ano nga bang pakialam ng ibang tao kung halikan ko si Den? Masama ba yun?
"It’s just a game guys! Wag kayong KJ!" Sabi ulit ni Brille.
"Francisco..." Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Shit! Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Oh ayan na pala si Den.. Ayos na.."
Ano ba gagawin ko? Hindi ako mapakali.
"Oh bakit?" Sagot ko sa kanya.
Naglalakad siya papalapit sakin. Namumula ang mukha niya at parang nanginginig ang mga paa.
Tumayo ako. Hinarap ko siya. Baka kasi kung ano ang nangyayari sa kanya.
Tumunghay siya. Tumitig sa mata ko.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang niyang kinuyabit ang dalawang kamay niya sa leeg ko at pinaglapat ang mga labi namin.
Ramdam na ramdam ko ang pino at napakalambot na labi ni Den. Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil sa sensasyong nararamdaman ko.
Naramdaman ko na lamang na tumutugon ako sa bawat halik na binibigay niya sakin.
Aktong tatanggalin na ni Den ang pagkakalapat ng mga labi namin pero pinigilan ko iyon. Ako naman ngayon ang humawak sa magkabila niyang pisngi at pinagpatuloy ko naman ang halik na ibinibigay niya kanina.
My God! Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang may libo libong paru-paro ang nagliliparan sa sikmura ko.
Ayoko na matapos itong gabing ito.
Ayoko na magwalay pa ang mga labi namin.
Dahan-dahan naghiwalay ang labi namin. Nakatitig parin ako sa mukha niya na kitang-kita ang pagkahiya dahil sa kanyang ginawa.
"Si...si..ge ba..lik na a..ko" nauutal niyang sabi nung nagkahiwalay na ang labi namin.
"Woooooooh!"
"Ayiiiiiiiiie!"
Narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.
"Wala ka bang balak umupo Kisser boy?" Kasunod nun ay pagtawa ni Brille.
"Tinamaan ng magaling..." Banat naman ni Allen.
Tiningnan ko lang sila at bumalik na ako sa pwesto ko.
"Oh namumula ka Paul? Laseng ka na agad?" Puna naman ni Allen.
Takte! Kaya ayoko ng kinikilig ako eh! Namumula ang mukha ko.
Ito ang pangalawang beses na naghalikan kami ni Den.
Pinaikot ko ang bote. Ganun kasi ang patakaran namin kung sino ang huling natapatan at siya ang magpapaikot ng bote.
"Oh ikaw naman ngayon Jerome!" Sabi ni Allen.
Katulad ng dati, plain emotion lang si Jerome at parang wala lang sa kanya ang ginagawa namin.
"Nabalitaan kong naghiwalay daw kayo ng girlfriend mo. Ano dahilan?"
Ha? Naghiwalay sila? Bakit? Matagal na sila ni Jerome ah! Ang alam ko nga ay tatapusin lang itong graduation tapos magpapakasal na silang dalawa.
Kinuha muna ni Jerome ang basong hawak ni Brille na may lamang alak. Ininom niya iyon. Hindi niya ininda ang lasa ng alak.
"I'm in love with someone else"
Napatahimik kaming lahat sa narinig namin mula sa kanya.
May ibang pumapasok sa isipan ko. Kung magkakataon kaming dalawa ni Jerome ang magtatalo sa iisang tao. Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin ang kinikilos ni Jerome.
"Sino?" Halos sabay-sabay na tanong ng mga kasama ko.
"Ang rule natin ay sumagot lamang ng isang tanong. Pangalawa na iyan kaya pwede na akong hindi sumagot" malumanay niyang sabi samin.
Kahit kailan talaga matalino itong taong ito.
Ramdam ko naman ang mga nasa paligid ko. Alam kong may pagtingin rin si Kenneth kay Den, pati narin itong si Jerome. Pero hindi ko isusuko ang nararamdaman ko. Hindi ko hahayaang may umagaw pa sa taong pinili ko ng makasama habang buhay ako.
.
.
Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog kahit na nakainom ako. Bakit? Una, hindi mawala sa isipan ko ang nangyari samin ni Den kanina - nung naghalikan kami. Pangalawa, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko dahil alam kong magkasama sa iisang kwarto si Kenneth at Den.
Kahit naman siguro sino ay hindi mapapanatag ang isipan sa ganitong sitwasyon.
Alam ko na!!!
(Time: 2:10am)
Lumabas ako ng room ko. Wala naman akong ibang kasama kaya wala akong mayayakag sa naisip kong gawin.
Takte! Bakit hindi ko mahanap yung bagay na iyon! Ang alam ko hindi pwedeng mawalan dito nun.
Nagikot ikot pa ako. Wala naman kaming ibang kasama dito sa hotel kasi sadyang binayaran ko ito para samin. Grupo nila Den at grupo ko.
Bullseye! Nakita rin kita!
Chriden Miguel Point of View
Hindi ako laseng kasi hindi naman ako masyadong nag-iinom pero ramdam ko parin yung pag-iinit ng mukha ko dahil sa nangyari samin ni Francisco kanina.
Hindi kami magkatabi ni Kenneth sa higaan. Dun siya sa mini-sofa nakahiga. Sabi kasi niya ay baka daw hindi siya makapagtimpi at makagawa siya ng hindi maganda. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya ay hinayaan ko na siya. Nakakailang din naman kasi na magkatabi kami. Alam mo na. Basta. Diko maexplain.
Paikot-ikot ako sa higaan, pabaling baling ako pero hindi parin ako makatulog. Nakailang daang tupa na ako sa pagbibilang pero balewala parin.
Hindi mawala sa isip ko yung malambot na labi ni Francisco. Pati yung tingin niya - takte! Parang matutunaw ako! Gustong kumawala ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito.
"TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!"
"TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIG!"
Mabilis akong napabangon dahil sa sobrang lakas ng alarm na narinig ko. Ano ba yon? Fire drill? Earthquake drill? Tsunami drill? Takte! Kahit na anong drill pa iyan kailangan lumabas kami ng kwarto!
Inuga ko si Kenneth at mabilis ko siyang hinila palabas ng kwarto. Hindi ko na inintindi mga tanong niya dahil sa tarantang nararamdaman ko.
Paglabas namin ng room ay nasa labas narin ang iba naming kasama at halatang kagagaling lang sa himbing na tulog.
"Ano yun?" -Ian
"Sunog? Wala naman usok ah!" -Lexter
"Sino ba naman ang nangtitrip na iyan!? Di ba niya alam na alas dos lang ng madaling araw!" -Brille
"I-check niyo paligid baka may sunog. Check ko naman sa net ang pwedeng dahilan" matalinong sabi ni Allen.
Bago kami tuluyang pumunta sa mga napag-usapang area ay may biglang nagsalita.
"Guys, tara! Early breakfast tayo sa cottage. Nagluto ako ng breakfast" nakangiting sabi ni Francisco.
"Mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan nito ah!" Mahinang sabi ni Allen.
Takte! Mukhang si Francisco nga ang may kagagawan nito ah! Ano naman kaya ang pumasok sa isip nito at nagawa niyang ibaba ang fire alarm ng hotel na ito. Naku! Gusto ko siyang tuktukan!
"Pre alas dos lang! Wala ka bang balak matulog?" - Brille
"Masamang tinatanggihan ang grasya at isa pa i-enjoy natin ang bakasyon. Time is gold!" Masayang sagot niya.
Wala na kaming nagawa at sama-sama kaming nagpunta sa sinasabi niyang cottage.
Mukhang masarap nga ang mga nakahain sa cottage ah! Talaga bang si Francisco ang nagluto nito?
"Wooooow! Nawala antok ko ah!" -Ian
"Really?" -Brille
"Huwag na magsalita ng kung anu-ano - tara kainan na!" -Francisco.
Hindi na namin tinanggihan ang alok ni Francisco. Lahat kami ngayon ay nasa hapagkainan at kumakain. Hindi na namin inalintana yung oras at nagsimula nanaman kami sa walang kwentang kwentuhan.
"Sumpungin talaga yang taong yan" narinig kong komento ni Allen habang may hawak hawak na tempura.
"Pagbigyan mo na. Ganyan talaga kapag inlove" sagot naman ni Brille.
Eh bakit naman ako inlove pero hindi ako ganyan? Sadya lang may sakit sa tuktok ang lalaking yan!
Praning!
.
.
.
"Mukhang enjoy na enjoy ka ah!" Puna sakin ni Kenneth habang panay ang selfie ko habang sinusukat ang mga sumbrero na nakasabit sa bawat gilid ng tiange.
Lumapit ako sa kanya at nagpicture ako.
"Upload mo ah! Tag mo saken" nakangiti niyang sabi sakin.
Nagpatuloy kami sa paglilibot. Ang dami ngang magagandang gamit eh. Halos lahat gusto kong bilihin.
"Sige Kenneth. Una ka na. May titingnan lang ako" masayang sabi ko kay Kenneth.
Binalikan ko agad yung bagay na nakita ko kanina.
Napakaganda! Gustong-gusto ko ito. Sana dumating yung pagkakataong makakapagsuot ako nito. Isa kasi ito sa mga bagay na gusto kong maranasan.
"Good Evening Sir. Maganda po yan at may size pa po kami" magalang na sabi nung babaeng nag-aasist sa shop na pinasukan ko.
Tiningnan ko ang presyo. Potek! 18,800php. Parea na daw yun. Takte! Hindi na! Napakamahal!
Pinasukat ng babae yun at kasyang-kasya sakin.
"Sige po. Thank you po" magalang na sabi ko bago ako tuluyang umalis ng shop.
Matapos yun ay naglakad-lakad ako sa tabing dagat. Nakakamoment naman ang ganitong pakiramdam. Simoy ng hangin, tunog ng alon at malambot na nilalakaran ko.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong taong nakahiga sa buhanginan. Nung una nga natatakot ako kasi madilim na tapos biglang may gagalaw sa buhangin.
Nilapitan ko iyon.
Mabilis ako napaktakbo papalapit nung maaninag ko ang itsura niya. Nahihirapan siyang huminga at parang pakiramdam ko ay may masakit siyang nararamdaman.
"Kuya! Kuya okay ka lang?"
Teka tama bang tanungin ko siya kung okay lang na ganito ang itsura niya?
Napakatanga mo Den!
Kahit mabigat siya ay nagawa ko siyang akayin. Halos magpagewang-gewang na nga kami sa paglalakad para lang makarating sa pinakamalapit na cottage.
Inihiga ko siya ay pinagpag ko ang katawan niyang puro buhangin. Ano nga kaya nangyari sa taong ito? Isa ba siya sa mga adik dito at sa buhangin nagpapakalunod imbis na sa dagat? Oh pwede ding isa siyang alien na nag-animong tao!
Takte! Ano ba tong mga pumapasok sa isipan ko. Epekto ito ng presyo ng nagustuhan ko kanina eh!
"Maraming salamat. Medyo okay na ako" biglang sabi nung lalaking inakay ko. Nakatingin siya sakin. Nakatitig. Malamlam ang kanyang mga mata, may matangos na ilong, mapulang labi at biloy sa magkabilang pisngi.
Anu ba yan! Bakit ba yun ang napansin ko sa kanya.
"Gusto mo ihatid kita sa bahay mo?" Sinseridad kong sabi.
"Okay na ako. Maraming salamat" sabi niya habang hindi parin inaalis ang pagkakatitig sakin.
"Sa susunod, kung may balak kang magpakatiwakal dun ka sa dagat at hindi sa buhangin!" Hindi ko alam pero iyon ang biglang nasabi sa kanya. Taray ko nu!
Wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanya. Mabilis na akong tumayo at kaagad kong nilisan ang lugar na iyon.
.
.
.
Bukas susulitin ko na talaga ang gala ko. Matutulog na ako. Kanina pa kasi ako nakakaramdam ng antok. Halos wala kasi akong tulog gawa ni Francisco. Ewan ko ba dun kung anong utak ang meron. Dapat siguro kumunsulta na siya sa mental. May mental disorder yata kasi siya!
Last day na namin ngayon. Kaya dapat sulitin ko na ang gala. Mamayang gabi kasi ay bibiyahe na muli kami pabalik samin. Kailangan na kasi mag-enroll para sa second sem. Takte! Pasok nanaman!
Sama-sama ngayon kaming gumagala ng mga kaibigan ko. May kanya-kanya nga kaming dalang monopad. Hahaha! Yung saken hiniram ko lang sa pinsan.
"Groupie tayo!"
Naggitgitan kami marapos namin marinig kay Ian yun.
Siguradong marami akong ma-i-upload sa sss. Sana marami mag-likes.
Napatigil ako nung may napansin akong isang tao na nakasando. Parang ang tumi ng katawan niya pero halatang makinis at maganda ang hubog. Nakasuot ng fitted shorts at may bag sa kanyang tabi.
At blindfold siya. Teka? Blindfold? Bakit nakablindfold siya?
"Huwag ka basta-basta lalapit sa mga ganyan, baka kung anong sakit ang makuha mo" mahinang bulong kasin ni Lexter.
Takteng to! Napakayabang! Porket ganoon ang itsura may saket na agad?
Nakita ko ang grupo nila Francisco sa di kalayuan. Mukhang may pinagtitripan sila. Tawa sila ng tawa bukod kay Jerome na nakatayo lang sa likuran nila.
Nakita kong lumapit si Brille sa taong nakatayo sa gitna. Naglagay siya ng pera sa bulsa ng taong iyon. Wala akong nakitang naging reaksyon nung lalaking nakatayo bagkus nakadipa parin ang kanyang dalawang kamay.
Nung malapit na kami dun sa lalaki ay nabasa ko ang nakasulat dun sa board na nasa harapan niya.
"Do you trust me? I need love - Hug is free"
Natigilan ako panandali nung nabasa ko iyon.
"Tara na Den!" Sabay hila sakin ni Kenneth.
Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kenneth. Nilapitan ko yung taong nakadipa.
Niyapos ko siya. Niyapos din niya ako.
"Sana makatulong ito" mahinang bulong ko sa kanya habang nakayapos ako sa kanya.
Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakakuyabit ng kamay sa kanyang katawan at mabilis na akong tumalikod.
Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay nakita ko silang nakatingin lang sakin. Para bang gulat na gulat sila sa nakita nila. Ganoon rin ang grupo nila Francisco.
Nakita ko ring naningkit ang mga mata ni Francisco pero hindi ko na iyon pinansin. Mga wala silang modo! Hindi pera ang kailangan ng tao - kailangan niya ng karamay. Yun ang intindi ko sa nakasulat sa board na nakalagay sa harapan niya.
"Den tara na! Baka hindi natin abutan yung parade" sigaw ni Lexter sakin.
.
.
.
"Oh bakit ayaw mu lumapit? Ayaw mo ba makita ang mga murion?" Sabi ni Kenneth.
"Ayoko! Ayoko sa higante! Dito nalang muna ako" sagot ko naman sa kanya.
Ewan ko ba. Kapag nakakakita ako ng higante ay parang nakakaramdam ako ng kaba. Yiiiiie! Ayoko talaga! Ang weird ko noh? Pero totoo. Takot talaga ako. Pati nga sa mga clowns at mascot takot ako eh.
Mabilis lumipas ang maghapon. Kaya eto na kami ngayon nakasakay sa barko pabalik samin. Dapat nga kanina pa kaming after lunch nandito kaso mas maganda daw bumiyahe ng gabi para mas feel daw yung ambiance ng barko. Ganon? May pa-ambiance ambiance pang nalalaman ang mga abnormal na ito!
Katulad nung papunta kami ay dito ulit ako nakapwesto sa taas ng barko. Nakatingin lang ako sa dagat kahit puro dilim lang ang nakikita ko.
"Ayy shii-"
Muntik na ako mapasigaw dahil sa gulat. Bigla bigla kasing may pumatong na kamay sa balikat ko.
"Hindi ka ba nilalamig?" Diretsong tanong sakin ni Francisco habang nakaakbay sakin ang kanyang kamay.
Ano ba tong taong ito! Hindi pa nga ako nakakaget-over sa nangyari saming halikan moment tapos eto nanaman siya.
"Den may gusto kasi ako itanong sayo eh" -Francisco.
"Oh ano yun?" Mahinang sabi ko sa kanya.
"Ito yung tanong na hindi mo kailangan marinig pero kailangan mong sumagot" seryosong sabi niya.
Ha? Siraulo yata tong taong to ah! Hindi ko maririnig ang tanong pero kailangan ko sumagot? Potek na yan! Naglolokohan lang ata kaming dalawa dito eh.
"May sayad ka no?" Asar kong sabi sa kanya.
"Paano ko sasagu-"
Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Parang bigla akong pumasok sa isang lugar kung saan puro dilim ang nakikita ko bukod kay Francisco na parang may kung anong liwanag na nakatapat.
Ramdam na ramdam ko ang napakalambot niyang labi. Nararamdaman ko rin yung bagay sa loob ng bibig ko na parang may hinahanap.
Wala na ako sa sarili ko kaya tumugon ako sa bawat halik na binibigay niya sakin. Napayapos ako sa kanya at siya naman ay ikinuyabit rin ang kanyang dalawang kamay sa baywang ko.
Dahan-dahan naghihiwalay ang labi namin.
"Francisco..." Mahinang bulong ko sa kanya.
Naramdaman ko nalang muli ang paglapat ng mga labi namin. Nilalamon na akong ng sensasyong nararamdaman ko. Hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko. Naaadik na ako.
"So were official..." Diretsong sabi niya sakin matapos maghiwalay ang labi namin.
Ha? Anong official ang sinasabi nito?
"Sinagot mo ang tanong ko kaya simula ngayon - tayo na. Boyfriend mo na ako, boyfriend na rin kita" seryosong sabi niya sakin.
Bakit ganito? Hindi ako makapagsalita? Bakit wala akong masabi?
"Simula rin ngayon ay ayokong kung sinu-sino ang lumalapit sayong lalake." Dugtong niya sa kanyang sinasabi.
"Osya tara na. Magpahinga na muna tayo" sabi niya sabay akbay uli sakin at naglakad na kami papasok sa loob..
.
.
.
Nakakapagod! Pero ang saya. Ang dami naming pictures ng mga kaibigan ko.
Ilang araw nalang pasukan nanaman. Haayy! Gigising nanaman ng napakaaga at recitation nanaman! Taktenang yan!
"Uyy Den kanina pa nakatingin sayo yung boylet na yun oh" sabi sakin ni Sheryl sabay turo sa lalaking nakaupo sa kabilang raw ng mga tables.
Nandito kasi kami ngayon sa sm para bumili ng isang notebook at isang ballpen. Hahaha! Astig nu!
"Tanga! Hindi sakin nakatingin yan. Ayan diyan sa katabi nating table!" Untag ko kay Sheryl at pinagpatuloy ko na ang pagkain sa kinakain kong steak.
"Hindi neng. Kanina ko pa napapansin yan o baka naman nalilibugan sakin kaya dito nakatingin" sabay lilis ni Sheryl ng suot niyang off shoulder.
"Ayan na neng. Lalapitan na tayo" hindi naiwasan hindi lumingon sa tinutukoy ni Sheryl.
OMG! Ang gwapooooo! Ang laki ng katawan! PangRedtube! Hahaha! (Bastos ng isipan ko)
Malapit na siya.
Ilang hakbang nalang ay makakarating na siya dito kay Sheryl kumh si Sheryl nga ang pakay niya.
"Nagpunta ako sa bahay niyo. Hindi kita naabutan." Biglang singit ni Francisco.
Para naman tong kabute! Bigla bigla nalang sumusulpot!
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko.
"GPS"-Francisco.
Hayy! Susme! Mga mayayaman nga naman!
Teka asan na yung lalaking pang-Redtube?
"Ayan Den wala na si Papa Macho" sabi ni Sheryl.
"Sinong papa macho?" -Francisco