Chriden Miguel Point of View
Malapit na ang foundation day ng school namin kaya bisi-bisihan ang peg ng bawat department. Dahil sa mga weirdo ang mga kaklase ko (kasama narin ako) naisipan namin ang fortune teller booth. Alam kasi namin na manghuhula ang tingin samin ng ibang mga tao. Psychology major kasi.
Yung mga nursing student naman ay wedding booth ang peg. Siguradong patok sa mga talande ang booth na iyon. Tao nga naman kung anu-ano na naiisip na paraan para lang magkapera. Hahaha! May magtangka kayang magpasok sakin sa wedding booth? Hahaha Asaness!
Ang booth naman nila Francisco ay jail booth. Talagang pinanindigan ang kurso nila. Dapat nga sila ang ikulong dahil sa mga angking kayabangan ng mga yun eh! Lalo na si Francisco! Ikulong siya! Patawan siya ng kasong habangbuhay na pagkakulong sa puso ko. Ayieeeee! Landeee! Hahaha day dreaming.
Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko at inaayos na namin ang booth. May mga paepek pang nalalaman. Dapat daw ay nakakaakit tingnan sabi ni Sheryl at Ellen.
"Bakit hindi nalang kaya picture ko ilagay niyo diyan" singit ni Gladys. Ang Jonalyn Viray ng section namin. Hahaha
"Ha? Bakit?" Takang tanong ni Ghanding buwaya.
"Para mas maakit ang mga magpapahula!" Nakangiti nitong sabi.
"Pagnagkataon ang iisipin nila horror booth to! Tumigil ka na nga diyan Gladys. Hindi ka maganda!" Inis na sabi ni Norman na halatang pagod na pagod na. Siya lang kasi ang kumikilos samin eh. Hahaha.
"Den may naghahanap sayo" ani ni Ate Jaja.
"Pinapabigay ni Paul" diretsong sabi ng isang hindi ko kilalang estudyante.
"Ah okay pakisabi salamat" sabi ko nalang sa kanya.
Ano nanaman kaya ang naisipan ng lalaking iyon at may pabigay-bigay pang nalalaman!
Pag-angat ko ng mukha ko ay nakita ko ang mga tingin ng mga kaklase ko. Yung tingin na para bang nagtatanong o nagtataka.
"Kung nakamamatay ang mga tingin niyo - malamang nilalangaw na ako!" Sabi ko nalang sa kanila dahilan para ituon muli namin ang ginagawa namin.
"Paano yan? Wala tayong speaker para sa background ng booth natin. Halos lahat dito sa section natin wala eh" namomoblemang sabi ni Norman.
"Ipapadala ko ngayon dito yung speaker kaya wag na kayong mag-alala. Pwede ko ba munang hiramin si Den" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Francisco.
"Ayieeee! Ang gwapo talaga niyaaaa!" Kinikilig na puri ni Gladys.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya dahilan para mapatingin samin ang mga kaklase ko.
"Den wag ka ganyan makipag-usap kay Paul. Hala ka! Hindi mo ba siya kilala?" Sabi naman ni Warren. Ang bulldog ng section namin.
"Paktay ka Den! Masama na tingin sayo" bulong ni Norman sakin.
"Kanina pa ako nag-aantay sa cafeteria! Hindi ba sinabi sayo nung inutusan ko na pumunta ka dun?" Pabalang na sabi ni Francisco.
Napansin ko na natatakot ang mga kaklase ko dahil sa tono ng pananalita ni Francisco.
"Bakit ba kasi ang hilig hilig mo mag-utos? Wala ka bang paa? Lumpo ka ba?" Pabalang ko ring sabi sa kanya.
Nagpabalik-balik ang tingin samin ng mga kasama ko. Wala nagtatangka na magsalita sa kanila at pakiramdam ko ay gusto na nilang ipagtulakan palabas si Francisco.
"Kung marami ka pang sasabihin dun mo na ituloy sa ibaba" sabay lapit niya sakin at mabilis na ipinatong ang kaliwang kamay sa balikat ko. Akbay-akbay niya ako.
"Hey mga fortune teller antayin niyo nalang yung speaker. On the way na" pahabol niyang sabi sa mga kaibigan kong naiwanang nakanganga sa nasaksihan samin ni Francisco.
"Dami mong sinabi sasama ka rin pala" bulong niya.
"May sinasabi ka?" Untag ko sa kanya.
"Bakit may narinig ka?"
"Wala"
"Wala naman pala eh"
Halos mapatigil ang lahat ng mga nadadaanan namin at napapansin kong natutuon ang atensyon saming dalawa ni Francisco. Ano bang problema ng mga to? Ngayon lang sila nakakita ng magkasabay lumakad at nag-uusap?
"Huwag mo na sila intindihin. Inggit lang sila" ani ng katabi ko at umupo na kami.
Nagdatingan narin ang mga kaibigan ng impakto.
"Pre napagdisisyunan mo na ba kung saan tayo magbabakasyon ngayong sembreak?" Tanong ni Allen.
"Pinagpipilian ko pa kung sa Palawan, Bicol o sa Hongkong" walang pakundangan na sagot ni Francisco.
Parang wala lang sa kanya ang pagpipilian ah! Parang dalawang piso lang ang pamasahe papunta sa mga lugar na binanggit niya.
Ako kasi wala ng problema. Niyakag ako ni Kenneth at ibang kaibigan ko na magbakasyon sa probinsya nila. Ayos na sakin yung may ilog, preskong simoy ng hangin, tapos mountain hiking! Ang saya nun!
"Ikaw Den saan kayo ngayong bakasyon?" Tanong sakin ni Allen.
"Ah.. Pag-uusapan pa naming magkakaibigan." Maikling sagot ko sa kanya. Ayoko kaya malaman nila kung saan kami. Baka maliitin lang kami ng mga ito kung sakaling malaman nila.
"Oh wala ka yatang imik diyan Jerome?" Puna ni Kerby kay Jerome. Nakatingin kasi sa taas ng building si Jerome at halatang may malalim na iniisip.
"Hayaan niyo na yang si Jerome. Bumalik na kasi yung long lost gf niya galing ibang bansa kaya sigurado ako masaya yan at nag-iisip ng sasabihin niya" mahabang sabi ni Francisco.
May girlfriend na pala si Jerome. Akala ko pa naman available siya. Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko. Bakit ba napunta kay Jerome ang takbo ng utak ko.
"One-week ang foundation day natin. Ang balita ko ay may singing and dancing competition. Grupo ang dapat na kalahok" singit naman ni Kerby sa usapan.
Mukhang maganda yung narinig ko ah!
"Ano daw premyo?" Interesado kong tanong.
"10K daw at vacation for 10person" sagot naman ni Kerby.
Ayos! Sasali ako. Kailangan masabihan ko agad ang mga kaibigan ko para makapagpraktis na agad kami. Hindi na namin poproblemahin ang pera at lugar na babakasyunan namin kung sakaling kami ang mananalo.
Kailangan ko ng bumuo ng grupo! Hahaha!
Kumpleto na ang grupong pinag-isipan kong buuin. Kasali si Kenneth at ibang kaibigan niya at ako. Napagdisisyunan namin na pagkatapos ng activity tuwing hapon kami magpapraktis.
Nakapagparegister na agad kami sa registration area kaninang umaga. Maaga kasi kaming pumasok para maayos na agad ang booth namin.
Maraming naloloko sa booth namin. Dami nagpapahula. Natatawa nga ako kasi si Sheryl ang nanghuhula sa kanila.
Ang dami naring naghayang mga eatudyante at ang saya-saya. Naririnig ko ang message booth na naisip nila Kenneth at dedication ng kanta.
May mga lalaking nanghuhuli ng kapwa estudyante at nilalagyan ng posas. Sigurado ako wedding booth yun ng mga nursing student.
Meron namang hinuhuli ang mga nakacolor red na damit at ikinukulong sa ginawang kulungan. Kina Francisco yun.
Ang saya ng araw na ito. One-week kaming ganito at wala rin klase.
"Den ikaw naman dito" tawag sakin ni Gladys. Siya kasi yung pumalit kay Sheryl sa panghuhula sa booth namin. Naupo ako sa loob ng booth. May harang naman ang booth namin kaya hindi namin nakikita kung sino yung nagpapahula at hindi rin nila kami nakikita.
Naramdaman kong biglang may pumasok. Base sa nakita kong repleksyon nun sa anino ay nakaupo na ito pero wala akong naririnig na salita mula sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumasok dito...alam ko naman na hindi totoo ang hula dito" narinig kong sabi ng taong nasa kabilang pwesto. Lalaki siya. Hindi ako pamilyar sa boses niya kasi medyo parang malat iyon. Nagkukumanta siguro tong taong ito.
"Tutal nandito na naman ako...hihingi nalang ako ng payo. Balita ko kasi nakakagaan ng loob kausap ang mga psychologist"
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa maliit na butas na namamagitan sa aming dalawa. Wala sa loob kong hinawakan iyon. Ang lambot. Ang init.
"May nagugustuhan kasi akong tao. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko siya nagustuhan. Ang saya ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya" saglit siyang tumigil sa pagsasalita.
Nakikinig lamang ako sa kanya. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Sinusubukan kong iparamdam sa kanya na gusto ko siya pero parang hindi niya iyon napapansin. May pagkaisip bata kasi siya. Hindi siya katulad ng normal na tao."
Takteng lalaking ito. Pupurihin niya yung tao tapos lalaitin din? Adik lang ah!
"Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko dahil sa kanya. Siya kasi lagi ang tumatakbo sa isipan ko. Lalo na nung nagkiss kami, hindi ako makatulog nun. Paikot-ikot ako sa higaan dahil puro imahe niya ang nakikita ko. Ewan ko nahihibang na yata ako sa kanya"
Kiss? Ayieee! May naalala tuloy ako.
"Kaso may isa pa akong problema... Gusto rin siya ng kaibigan ko. Palagi nga silang magkasama. Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko sila. Kung may pagkakataon nga lang ay ilalayo ko na siya dito para magkasama na kami palagi"
Lakas ng tama ng lalaking ito.
Nakakainggit naman kapag ganito ugali ng nagkakagusto sakin. Kung ikukumpara si Francisco? Tangna! Walang sinabe! War freak na bully ang walanghiyang iyon!
"Salamat sa pakikinig. Sige na aalis na ako" dugtong niya sa kanyang sinabi.
Hindi ko alam pero hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay para manatili siyang nakaupo.
Kinuha ko ang isang papel na nakapatong sa gilid ko at may isinulat ako dun pagkatapos ay inilagay ko sa kanyang kamay.
Umalis narin siya matapos kong ibigay ang papel. Sana makatulong sa kanya ang isinulat ko sa papel.
Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan naming magkaroon ng pahinga. Nakakapagod na kasi eh.
Umupo kami sa table na inilagay ni Norman malapit sa booth namin. Naikwento ko sa kanila na lalahok kami ng mga kaibigan ko sa dance competition at sinabi naman nilang susuportahan daw nila kami. Ayos na ayos to! Dapat manalo kami.
Biglang may dalawang lalaki ang humawak sa magkabila kong braso.
"You are under arrest because of wearing a skinny pants" sabi nung lalaking mukhang s**o!
"Bitawan nyo ako! Mga mukha kayong hitoooo! Bitiwan nyo akoooo!" Sigaw ko sa kanila. Todo palag ako nun.
"r**e! r**e! Harassment!" Sigaw ko dahilan para tumawa ng tumawa ang mga kaklase ko.
Wala na akong nagawa. Ipinasok na nila ako sa jail booth. Kelan ba naging krimen ang pagsusuot ng skinny jeans!?
Biglang lumabas si Kerby at nilagyan ako ng presyo. 1k.
Bakit 1k ang presyo ko? Walang tutubos sakin kung ganyan kalaki ang presyo!
"Oy! May importante pa akong lakad Kerby... Pls..let me out" pagmamakaawa ko sa kanya. May praktis kasi kami ng sayaw kaya kailangan kong makalabas dito.
Saka ang alam ko hanggang 50php lang ang presyo ng bawat kinukulong dito ah!
"Nope. Sumusunod lang ako sa rules chicky" nakangiting sagot sakin ni Kerby.
Magtae ka sanang hayup ka!
Malas naman oh! Naiwanan ko pa cp ko sa bag. Kahit naman dala ko iyon ay walang tutubos sakin.
Magdadalawang oras na yata akong nasa loob netong kulungan na ito. Bagot na bagot na ako dito. Tinatawanan lang ako ng mga estudyante na dumadaan sa harap ko. Kapag ako nakalabas dito humanda sakin yang Kerby na yan! Kahit anak mayaman pa yan tutuktukan ko yan!
"Oh ayan may nagpiyansa na sayo! Makakalaya ka na" nakangiting sabi ng bubuyog na si Kerby.
Inirapan ko nalang siya at mabilis lumabas ng kulungan. Ganito pala ang pakiramdam ng nakalaya - ang sarap sa pakiramdam.
Pagkalabas na paglabas ko ay may naglagay naman ng posas sa kamay ko.
"Teka ano nanaman to?"
"Pasensya na. Napag-utusan lang" pagkatapos nun ay kinaladkad na nila ako.
Kapag minamalas ka nga naman! Una nakulong ako sa salang pagsusuot ng akinny jeans ngayon naman eto nakaposas ako at hindi ko alam kung ano naman ang nagawa ko.
Magtatanong pa sana ako pero walang nailabas na salita ang bibig ko nung nabasa ko kung saan nila ako ipapasok.
Wedding booth!
Jerome Kier Point of View
Gabi-gabi nalang ganito ako. Hindi ako nakakatulog. Lagi nalang mukha ni Den ang napipicture ng utak ko. Ano ba nangyayari sakin! Ayoko ng ganito!
Kapag naman uminom ako ng alak mas lalo lang siyang pumapasok sa isipan ko - tagos nga hanggang puso ko eh. Lakas na talaga ng tama ko sa kanya.
Nagbabago nga mood ko sa tuwing kasama niya si Paul. Kaibigan ko si Paul pero diba ang sabi niya gagamitin lang niya si Den para magpanggap na syota niya para tigilan na siya ng ate niya? Pero bakit parang sobra na yata ang ginagawa niya!?
Lalo na nung nag-beach kami. Nung nakita namin na naka-couple shirts silang dalawa, pakiramdam ko nun ay dinudurog ang laman loob ko. Naiinis ako. Naiinggit ako kasi gusto ko ako yung may suot ng kapartner ng damit ni Den. Ako dapat ang couple niya.
Hibang na nga yata ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron siya kung bakit naging ganito ako sa kanya.
Naisipan kong pumasok sa loob ng isang booth. Fortune teller booth. Alam ko naman na puro kalokohan iyon eh. Pero subukan ko narin. Gusto ko lang mailabas ang nararamdaman ko.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Medyo malat ang boses ko dahil ilang araw na akong puyat dahil sa kakaisip sa kanya. Sinisipon pa nga ako eh dahilan para maging medyo husky ang boses ko. Astig nu!
Pagpasok ko sa loob ng booth ay ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng maliit na butas. Hindi ko nakikita ang taong nasa kabilang side ng booth. Nagsimula na akong magkwento sa kanya. Iyon lang naman ang gusto ko mangyari - ang may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko. Nasabi ko lahat.
Habang hawak niya ang kamay ko ay pakiramdam ko ay may dumadaloy na kuryente mula roon. Ganun ba talaga pakiramdam ng taong nagsasabi ng nararamdaman sa ibang tao? Siguro ganun nga.
Nung aktong aalis na ako ay medyo napahigpit ang pagkakakapit sa kamay ko ng taong sinasabihan ko ng saloobin ko. Umayos ulit ako ng pagkakaupo at naramdaman ko nalang na may kung ano siyang inilagay sa kamay ko.
Lumabas na agad ako. Bumalik na ako sa booth namin at ginawa ko na ulit ang trabaho ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nailabas ko na eh.
"Jerome ako na muna dito" sabi ni Kerby sakin.
Kaya ang ginawa ko ay naupo na muna ako sa cafeteria at dun pinalipas ang oras ko.
Bigla kong naalala yung papel na inipit sakin nung manghuhula kaya agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ko at binasa ko iyon.
Don't give up.
Paano malalaman ang sagot sa isang tanong kundi ka gagawa ng paraan para malaman ito? Follow your heart - follow your mind. Kung wala kang chance - gumawa ka ng chance. Goodluck!
Wow! Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Tama nga ang sabi nila - masarap silang kausap at magaling silang magbigay ng suggestion.
Teka ano ba ang dapat kong gawin ngayon? Kanina ko pa siya hindi nakikita. Kaiba kasi iyon eh. Isip bata!
Tama! Alam ko na ang gagawin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Jerome 1k ang piyansa sa hinahanap mo. Ba't ganun kalaki ang pera sa booth niyo?" Sabi nung lalaki na napag-utusan ko.
Napailing nalang ako at napangiti sa narinig ko. Kaiba talaga mga kaibigan ko kay Den. Talagang ayaw nilang mapunta sa iba. Sigurado akong si Kerby ang nakaisip nito.
Inabot ko sa kanya yung pampiyansa at sinabi kong palayain si Den. Matapos yun ay nagpunta naman ako sa booth ng nursing students.
"First time kong nakita si Jerome sa ganitong activity ah" narinig kong bulong nung isang nursing student sa katabi niya.
Oo nga. Ngayon ko lang naisipan umattend sa mga activities dito sa school. Wala kasi akong interes dati sa mga ganitong kalokohan.
"Napakaswerte naman ng dadalahin mo dito Jerome...naiinggit ako" sabi naman sakin nung isang babaeng nakatayo sa harap ng booth.
"Pakihuli itong nasa picture. Huli siyang nakita sa jail booth. Pakiliksihan kasi mabilis itong taong ito" sabay pakita ko sa kanila ng picture ni Den.
Sabay-sabay silang napatingin sakin na nagtataka.
"Sigurado ka ba Jerome?" Takang tanong niya.
"Yap. Pakibilisan." Kasunod nun ay binigyan ko sila ng isang pamatay na ngiti.
Mabilis na silang umalis sa harapan ko at sinimulan na nilang hanapin si Den. Pinapasok naman ako ng isang babae sa loob at pinaupo.
Ang ganda dito sa loob. Feel na feel ko yung presence ng booth. Amoy na amoy ko yung mga scented candles na nakasindi sa bawat gilid ng maliit na table. May background music na kanta ni David Pomeranz na On This Day.
Kinikilig na ako sa naiisip kong mangyayari. Ganito pala ang epekto ng love. Unexplainable feelings. Cloud 9.
"Bitawan niyo ako! Kapag ako nakawala sisiguraduhin kong giba itong booth niyong mga bloodsucker kayo!" Narinig kong sigaw ng taong pinahanap ko.
Nakakatakot naman ito kapag nagalit. Nahawa na yata ito ng ka-bully-han kay Paul. Napangiti ako sa mga naririnig ko pa kay Den.
Hanggang sa biglang tumahimik ang buong paligid. Wala na akong naririnig na reklamo mula kay Den.
"Je...Je..Jeromeee?" Narinig kong tawag niya sakin. Nginitian ko siya at dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Are you ready?" -ako
"Ready? Sa...sa..an"
"To be my infinity...." Hindi ko alam pero iyon ang lumabas sa bibig ko.
Naramdaman ko na parang bumagal ang lahat. Ang tanging normal lang sa paningin ko ay si Den na nasa harapan ko at nakatitig lang sakin.
"Den.. I'm inlov-"
"Den! Den!" Naputol ang sasabihin ko nung nabosesan ko ang lalaking tumatawag sa pangalan ni Den.
"Kapag hindi ka lumabas diyan gigibain ko itong booth na ito!" Narinig ko pang sabi ni Paul.
Hindi yata ngayon ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya.
"Lakad na..Kanina ka pa niya hinahanap" mahinang sabi ko sa kanya.
"Sa...salamat" matipid niyang sagot sakin.
Bumalik nalang ako sa pagkakaupo nung lumabas na si Den sa loob ng booth.
"Bakit ba kung makasigaw ka ay parang walang bukas!? Hindi ka na nahiya sa mga tao!" Narinig kong bulyaw ni Den kay Paul.
"Kanina pa kita hinahanap! Nagugutom na ako!"
"Eh di sana kumain ka mag-isa mo!"
Napapatawa nalang ako sa mga narinig ko sa kanilang dalawa. Hindi talaga natatakot kahit na kanino samin si Den. Kakaiba ka talaga Den.
Chriden Miguel Point of View
Ano kaya nakain ng Jerome na iyon at biglang nagkaganoon? Balak niya yata akong pagtripan sa wedding booth. Pero infairness ah medyo kinikilig ako nun. Hahaha! Talande ang peg ko.
Nandito na kami sa venue ng practice namin ng mga kaibigan ko. NakapagMash-up na kasi ng kanta si Kenneth kaya steps nalang ang kulang.
"Dance evolution tayo" sabi ni Kenneth samin habang isa-isa kaming inilalagay sa pwesto.
"Pagpapasok na tayo galing sa backstage ay diyan tayo pupunta" dugtong niya sa kanya sinasabi.
Pinakinig niya samin ang pinaka-unang tugtog ng sasayawin namin. Beautiful life.
Tinuro niya samin ang steps at nakuha naman agad namin iyon kasi madali lang. Pangalawa niyang itinuro ay ang Dying inside pagkatapos ay ang sayaw ng larusso.
Pinaraktis muna namin iyong tatlong sayaw na iyon hanggang sa ma-memorize namin ang mga steps. Akala ko madali lang, mahirap pala kapag iba-iba ang sinasayaw. Nakakapagod.
"Water break. 10mins" sigaw ni Kenneth samin.
Dapat pag-igihan kong mabuti ito kasi ako ang nakaisip neto.
"Den oh!" Sabay abot sakin ng tubig ni Kenneth.
"Salamat" tipid kong sabi sa kanya.
"Naisip kong ikaw ang gawing highlights ng dance group natin kasi ikaw ang nakaisip" sabi niya sakin habang magkatapat kaming naka-indian seat na upo. Indian talaga! Hahaha!
"Ayy! Baka matalo tayo kapag ako nilagay mo dun"
"Basta. Magtiwala ka lang. Gagawin natin ang best natin para manalo tayo" nakangiti niyang sabi sakin.
Inabot kami ng 10pm sa praktis. Grabe nakakapagod. Pero ayos na yung tatlong kanta na sasayawin namin. Almost perfect na. Hahaha! Ang saya! Mananalo kami! Kapit lang!
Naghiwa-hiwalay na kami. Magkakaiba kasi kami ng daan pauwe. Bago ako tuluyang maglakad ay tiningnan ko muna ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng bag ko.
49missed calls.
34text messages
Wow ha! Dami!
Mabilis kong tiningnan yung missed calls ko. Baka kasi emergency at galing sa bahay ang tawag. Malay ko ba kung nasusunog na ang bahay namin tapos wala akong kaalam-alam.
Potek! Si Francisco lahat ng laman ng call register. 49 talaga at siya talaga. Pati yung mga messages ko sa kanya nanggaling. Takteng lalaking ito!
Sumakay na ako ng baby bus pauwe. Pagod na pagod na kasi ako at gusto ko na ihiga ang katawan ko sa kama. Nakakapagod kasi yung praktis namin.
"Eto pong bayad" sabi ko sa nasakyan kong tricycle driver nung bumaba na ako sa umboy.
Hayy salamat! Eto na ako sa tapat ng bahay namin. Tinatawag na ako ng espiritu ng higaan ko. Sleeping beauty ang peg ko sigurado.
"Ma! Diretso na ako sa kwarto pagod na pagod ho ka-"
Halos manlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino ang taong nasa loob ng pamamahay NAMIN! Capslak pa yan para dama!
"Akala ko wala ka ng balak umuwe? Saan ka galing?" Sabi niya sakin pero hindi tumitingin sa kinalalagyan ko. Nakatuon ang mata niya sa video game na nilalaro nila ng kapatid ko.
Teka? Kelan pa kami nagkaroon ng video game? Naririnig ko ngang tuwang-tuwa ang kapatid ko. Naruto shippuden pa ang nilalaro nila.
"Bakit nandito ka? Gabing gabi na ah!" Tanging nasabi ko lang sa kanya.
"Parang ako dapat magtanong sayo niyan - bakit ngayon ka lang umuwe? Gabing-gabi na ah!" Sagot naman niya sakin.
"Galing ako sa prak- ah nag-ayos pa kasi kami ng gamit at nagkayakagan tumambay sa tapat ng school" pagpapalusot ko sa kanya. Ayoko kasi malaman niya na sasali kami sa dance competition.
Ay teka! Bakit kailangan ko sumagot sa tanong niya? Tatay ko ba siya!
"Magpalit ka na ng damit. Kakain tayo sa labas. Huwag mo ng subukan kumontra nakapagpaalam na kami ni Chrien kay mama" mahabang sabi niya.
"Kuya bilisan mo magbihis ah!" Sigaw ni Chrien habang nakatuon ang atensyon sa paglalaro ng video game.
.
.
.
.
.
.
Kumain kami sa Mcdo. Puro laruan nga ang dala ni Chrien. Hindi na inintindi ang pagkain. Batang to talaga! At ang impakto nakikibata at nakikipaglaro pa sa loob ng Mcdo.
"Salamat. Sige na umuwe ka na" paalam ko kay Francisco nung nasa tapat na kami ng bahay namin. Karga ko ang kapatid ko dahil nakatulog sa sobrang excite sa paglalaro.
"Isasama nga pala kita sa bakasyon namin. Nakapag-paalam na ako kay mama mo at pumayag na siya" seryosong sabi niya.
"Ha?" Reaksyon ko sa sinabi niya.
"Ayoko ng ulitin ang sinabi ko" -Francisco.
"Teka teka! Excuse me nga Ginoong Francisco! May sarili kaming planong magbakasyon, kaya hindi ako sasama sanyo" sarkastikong sabi ko.
Potek na lalaki to! Nagpapagod nga kami para matuloy ang pagbabakasyon namin ng mga kaibigan ko tapos sa kanya wala lang kung magyaya! Iba talaga ang mayaman!
"E di hindi ka sasama sa kanila. Sakin ka sasama! No choice ka na!" Pabalang niyang sabi.
"Hindi ako pwede sumama sayo Francisco. Ang totoo niyan sumali kami sa competition para matuloy ang bakasyon namin. Ayoko naman masayang yung effort ng mga kaibigan ko. Kapag nanalo kami - tuloy kami. At dahil 100% kaming sure na mananalo kami - tuloy na tuloy kami" mahabang sabi ko sa kanya.
"Saang competition?" Suplado niyang tanong.
"Sa school. Dance and singing competition"
"Deal tayo!" - Francisco.
"Kapag nanalo kayo - papayagan kitang hindi sumama saken. Kapag natalo kayo - sasama ka saken! Wag mo ng subukan kumontra - ipapagiba ko yung venue kapag hindi ka pumayag!" Nakangising sabi niya.
Aba! Anong akala netong taong ito? Wala akong talent? Nakita ko na ang mga group na makakalaban namin. Di hamak na mas magaling kaming sumayaw dun!
"Deal!" Matapang na sabi ko sa kanya.
.
.
.
.
Apat na araw na sunod sunod ang praktis namin ng mga kaibigan ko. Nakakapagod na masaya. Nadagdagan ang sayaw namin ng mga bagong kanta.
Teach me how to dougie
Twerk it like miley
Nae nae dance
At yung ibang dance evo pa since 80's 90's at present.
Nagkaroon narin kami ng entrance at mga position. Parang ako pa nga yata ang pinakamahirap ang steps. Pero ok lang! Kailangan manalo!
Tingnan nalang natin Francisco! Magbakasyon kang impakto ka na wala ako! Hahahahaha!
This is it pancit! Its time! Hahaha! Ito na ang araw para makuha namin ang premyo. Pero, KINAKABAHAN AKOOOOOO!
Pang-apat kami sa magpe-perform. Nandito ngayon kami sa backstage at nagrerelax. Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga nanunuod na mga estudyante.
Hindi kami pare-pareho ng suot dahil evolution ang tema ng sayaw namin. Nakakainggit nga yung iba, magkakatulad sila ng suot. May 10% na agad sila.
"Guys, relax lang. I-enjoy lang natin ang gabing ito" sabi ni Kenneth na nakaupo sa tabi ko.
Tama! Relax lang. Enjoy lang. Isipin lang namin na kami ang pinakamagaling para mawala yung kaba na nararamdaman namin.
"Group # 1" pagkarinig ko ng salitang iyon mula sa labas ay kasunod na nun ang mga palakapakan ng mga tao.
Anong klaseng tunog ba iyon? Parang pang kulto! Wala akong ibang naririnig kundi ungol o parang sinasanibang tao!
Hindi na namin pinansin pa ang mga sumunod na grupo. Sinabi kasi ni Kenneth na magrelax lang kami para pagtungtong namin sa stage ay ayos na o wala na yung kabang nararamdaman namin.
May grupo ring kumanta. Ang ganda nga ng boses nung mga lalaking iyon. Pang-boyband talaga! Halata naman sa mga irit ng mga babaeng malalande. Aw! Ang hinhin ko! Hahaha! Wapakels!
"Group #4 The Dance Evolution!!!"
Takte! Akala ko ba kapag nagrelax ay mawawala yung kaba? Pero bakit ngayon parang triple pa ata yung kabang nararamdaman ko! Potek na iyan! Nanginginig ang tuhod ko!
Nagsimula na ang intro ng unang kanta na sasayawin namin. (This time)
"Go Den!" Hudyat sakin ni Kenneth para sa pagpasok kong mag-isa sa stage.
Dahan dahan akong pumasok sa stage habang ginagawa ko yung steps na tinuro sakin ni Kenneth.
Napakaraming tao! Naririnig ko ang mga palakpakan nila kahit mag-isa palang ako dito sa stage.
Single single double double, taas ang dalawang kamay then sa kaliwa tapos sa kanan
Ang galing koooo! Hahaha! Nawala na yung kabang nararamdaman ko. Lalo akong ginanahan nung isa-isa nang nagpasukan ang mga kaibigan ko sa stage. Sabay-sabay na kaming sumasabay sa pagsayaw sa kanta.
Biglang nag-end ang tugtog namin at biglang tumugtog na ang susunod naming sasayawin. Single Ladies!
Nagtabihan ang mga kaibigan ko at natira akong mag-isa sa gitna ng stage.
Todo bigay ako sa pagsayaw. Lalo pa nung naririnig ko ang mga hiyawan ng mga ibang nanunuod.
Now put your hands up!!!!!
Pagkatapos kong itaas ang dalawa kong kamay ay sumabay na sa pagsayaw muli ang mga kaibigan ko sakin dahilan para magpalakpakan ang mga nanunuod.
Ang galing namin! Hahaha! Lahat kami pawisan na pero halata sa mga mukha ng mga kaibigan ko na nag-eenjoy sila sa ginagawa namin.
They can imitate you but they can't duplicate you coz you got something special that makes me wanna taste you...
Aw! Ang hot ni Kenneth sa pagsisimula niya ng steps ng dessert! Ayan naaaa! Hahaha!
Sunod kong ginawa yung ginagawang steps ni Kenneth. Nasa gitna kaming dalawa ngayon ng stage at sabay na sabay naming nagagawa ang steps.
"Ang galiiiiiiiiiing!" Narinig kong sigaw mula sa likuran.
Tiningnan ako ni Kenneth. Napatingin agad sa kanya. Ewan ko ba ramdam na ramdam ko ang presensya niya habang nasa stage kami. Kinindatan niya ako. Takte ka Kenneth! Kapag nagkamali ako sa steps papatayin kita!
Twerk it like miley
Biglang pasok sa chorus ng twerk it kaya si Kenneth kasama ang mga lalaki niyang kaibigan ay nag-sexy dance paikot. Ang hooooot! May pataas taas pa ng suot na damit! Kahit ako ay napapanganga sa napapanuod ko. Hindi ko kasi alam na napakagaling pala nilang sumayaw. Nasa likuran lang nila ako kasi pagtapos nito ay last part na at ako ang mag-uumpisa. Kumbaga, ako ang bida! Hahaha!
"Wagiiiiii! Yum yum!" Narinig kong sigaw muli galing sa likuran.
Iritan naman ang kasunod nun. Mga malalande!
Nae nae
You are ready now... What it is... Asdfghjkl
You watch me whip! You watch me nae nae
Solo kong sayaw sa pinakaunahan at pinakagitna. Bigay todo na! Last part na!
"Den! Iuuwe na kitaaaaaa!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa unahan. Hindi ko maaninag ang mukha niya, nakatapat kasi sakin ang spot light.
"Ang galiiiiiing!"
"Labyuuuuuuu!"
Sunod na sunod na sigaw na narinig ko.
Break your legs break your legs
Sumabay na sakin ang mga kaibigan ko. Sabay sabay na kami ngayon sa pagsayaw dahilan para sa patuloy na pagsigaw at hiyaw ng mga nanunuod.
Now want me... Boooooooom!
Pagtatapos ng performance namin. Sabay sabay kaming pumagitna at nagbigay ng vow sa lahat ng nanunuod.
Matapos yun ay nagpalakpakan na muli ang mga nanunuod. Thank God! Nagawa namin ng maayos. Premyo nalang!
Bumalik na kami sa backstage para makapagpahinga. Almost 10mins din yung sayaw namin. Results nalang ang kulang. Excited na akong marinig ang pangalan namin para makuha ang premyo.
"And the last performers... Group #5 AWESOME BOYS"
Ha!? Diba kami na ang huli? Apat lang ang entry ah!
You're my piece of mind
In this crazy world
You're everything I try to find
Your love was a pearl....
Natigilan ako sa naririnig ko. Tama ba? Hindi ba nagpe-play lang ng kanta ang sound system?
You're my monalisa
You're my rainbow sky
And my only prayer
Is that you realize
You're always be beautiful in my eyes...
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako paikot mula sa backstage para makumpirma ko nga kung tama ang hinala ko.
"Den!" Hindi ko na nagawang lingunin pa si Kenneth dahil gusto ko talaga malaman kung tama ako.
Bigla akong natigilan sa nakita ko.
Nakatingin siya sakin.
"Francisco...."
Hindi ko magawang magsalita habang pinapanuod kong magperform ang grupo ni Francisco. Ang ganda ng boses niya.
Iyang kanta narin yan ang gustong-gusto kong naririnig mula sa isang lalake. (beautiful in my eyes).
Nagpalakpakan ang mga taong nanunuod. Ang daming babaeng sigaw ng sigaw ng bawat pangalan na kasali sa grupo nila. Ako? Nakatulala lang at hindi ako makaget-over sa nasaksihan ko.
"Den, balik na tayo sa backstage. Maya-maya ay i-aanounce na ang winner" sabi ni Kenneth sakin mula sa likuran ko.
.
.
"Hi Den! Ang galing mo sumayaw kanina" puri sakin ni Jerome habang nasa backstage kami. Kasali rin kasi siya sa grupo ni Francisco.
"Salamat..kayo rin, ang gagaling niyo" puri ko rin sa kanila.
Tinawag na ang lahat ng grupo sa stage para sa announcement ng winners. Kinakabahan na ako. Mas over ang kabang nararamdaman ko ngayon kesa kanina.
Please. Sana manalo kami. Gusto ko matuloy ang bakasyon namin ng mga kaibigan ko.
"To receive 10,000php cash and vacation trip for 10....." Malakas na sabi ng announcer sa hawak niyang mikropono. Kasunod nun ay ang malakas na tunog na nanggagaling sa mga nakapalibot na speakers dito sa gymnasium namin. Pabitin epek pa to!
"Group number!!!!!!!!?" Patanong niyang sigaw sa mga nanunuod.
"Fiveeeeeeeee!
"Fooooooooour!
"Fiveeeee! Fiveeeeee!"
"Foour!!!!"
"Oneeeee!"
Sigaw ng mga nanunuod. Be positive. Dapat maging positibo. Naramdaman ko nalang ang mahigpit na hawak ni Kenneth sa kamay ko. Napansin yata niyang kinakabahan ako sa nangyayari.
"It’s okay." Mahinang sabi niya sakin.
"GROUP NUMBEEEEEEER! FOOOOOOOOUR!"
Naghiyawan at sigawan ang mga taong nasa loob. Napatalon ako sa sobrang saya nung narinig ko na kami ang nanalo.
Napayapos ako kay Kenneth dahil sa sobrang kagalakan.
Thank you Lord! Thank you! Labyu!
"Hmmm...sorry. To make it clear..." Malakas na sabi ng announcer.
Biglang tumahimik ang buong paligid. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ng announcer. Subukan mo lang na gayahin ang announcer ng Miss U na nagkamali kundi papatayin kitang kuhol ka!
Napakatagal pang magsalita netong kuhol na ito! Tense na tense na ako! Pinagpapawisan na nga ako ng malamig sa kaiintay sa sasabihin niya.
"We have two winners! The other one is none other than group number five!!!!!"
Matapos sabihin yun ay nabalot ng hiyawan at sigawan ang buong gymnasium. Naririnig ko rin ang mga cheer ng mga malalanding babae at kapederasyon ko.
Ha? Pede ba yun? Dalawa kaming panalo? Madayaaaaaa! Kami lang dapat! Mas nahirapan kami eh! Potek na iyan!
Tiningnan ako ni Francisco ng nakakalokong tingin. Inirapan ko lang siya. Buset tong lalakeng ito! Kasali pala sila tapos hindi sinasabi saken!
.
.
.
.
Natapos ang gabi na sobrang saya namin ng mga kaibigan ko. Tuloy na tuloy na ang bakasyon namin at pag-uusapan nalang kung anu-ano ang dapat bilihin at dalahin sa venue.
"San nga ba tayo magbabakasyon?" Tanong ko habang nakain kami dito sa paboritong kainan ng tropa - MCDO!
"Mindoro" nakangiting sagot ni Ian. Kaibigan ni Kenneth.
Napagkwentuhan namin ang mga pwedeng gawin sa lugar na iyon. Three days and two nights kami dun kaya siguradong masaya.
Ang tanging poproblemahin nalang namin ngayon ay ang Finals. Mahirap kasi ang exam kapag finals. Pahirap yang mga prof na yan eh!
"Oh sige. Thanks!" Sabi ko kay Kenneth nung hinatid niya ako sa tapat ng bahay namin. Medyo gabi na kasi kaya hindi siya pumayag na hindi ako ihatid. Marami daw kasing adik sa kanto namin kaya baka daw kung ano mangyari sakin. (lakad maka-babae neto ah) hahaha!
.
.
.
.
.
Waaaaaaah! Baket wala sa mga nireview ko ang mga tanong na ito!? Badtreeeeeeeeep! Pigang-piga na ang utak ko! Hindi naman ako makakopya kay Mia kasi ang layo niya sa upuan ko. Si Ellen naman ayaw magpakopya! Kung aasa naman ako kay Sheryl tangna! Walang mangyayari! Beh eto tawa lang ng tawa at pinagtitripan si San Sebastian. Susundutin daw niya ang pwet para daw gumalaw! Tangnamo Sheryl! Hahaha!
Si Rica naman ay nasa loob ng office ni Maam Barron at nagrereview sa exam niya. Iba kasi course niya - S.A siya dito sa PsycheLab namin. Nahingi kasi ako sa kanya minsan ng sagot. Siya kasi tagacheck ni Maam.
"Den hulaan mo ano laman ng bag ko?" Bulong sakin ni Sheryl.
Langya! Nag-eexam kami tapos papahulaan niya kung ano laman ng bag niya! Hahaha! Sigurado ako kalokohan nanaman to!
"Keyboard ng pc ni Maam!" Sagot ko sa kanya. Muntik na kaming mapatawa ng malakas pagkasabi ko nun.
"Muntik ka ng tumama. Hula pa!"
Lalo akong napatawa nung narinig ko yun sa kanya. Hahaha! May balak pala siyang kunin yung keyboard!
"Stapler!" Hula ko ulit sa kanya.
"Tangnamo! Tanga! Mali!" Tapos iniihit siya ng tawa buti walang tunog.
"Sirit na! Pahirap to eh!" Sabi ko sa kanya.
Dahan-dahan niyang binuksan yung zipper ng bag niya at napatawa talaga ako nung nakita ko yung hawak niya.
SHARPENER! YUNG MALAKI! HAHAHAHAHA!
Tangnamo Sheryl! Magnanakaw ka talaga! Hahaha!
"Cayarian! Juco! What's the problem!?" Sita samin ni Maam Barron.
Tumahimik nalang kami pareho. Hindi ako natingin kay Sheryl dahil kapag tumingin ako ay siguradong hindi ko mapipigilan ang pagtawa ko.
Lumipas ang ilang minuto ay napansin kong panay ang bulong ni Sheryl. Magkatabi kasi kami. May kung ano siyang sinasabi habang nakayuko at sa tingin ko ay nakapikit siya.
Lakas talaga sapak ng babaeng ito!
Inuga ko ng bahagya ang upuan niya para makuha ko ang atensyon niya.
"She... Ano ginagawa mo? Bakit panay ang bulong mo?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng seryoso. Inayos ng kaunti ang pagkakaupo niya.
"Nagdadasal ako! Tangnamo wag kang magulo!" Seryosong sagot niya sakin. Totoo promise! Ganyan talaga siya magmura!
"Eto oh! Kinuha ko talaga to para sating dalawa!"
Gustuhin ko mang pigilan yung tawa ko ay hindi ko na nagawa. Takte ka Sheryl! Hahaha! Pati yung nakapaskil na prayer sa bulletin board ng PsycheLab ninakaw niya! Hahahaha! Tinanggal talaga niya at eto binibigay sakin yung isang kopya.
Dahil sa sobrang lakas ng tawa ko ay pinapasa ni Maam Barron ang Exam ko at ni Sheryl at pinalabas na kami ng room.
"Kaingay-ingay mo kasi! Yan tuloy!" Sisi niya sakin.
"Puro ka kasi kalokohan! Pati ba naman prayer ninakaw mo!" Tawa parin ako ng tawa.
"Ay putangina!" Sigaw niya sabay tingin sakin ng seryoso.
"Oh bakit?" Takang tanong ko.
"Naipasa ko yung essay ko!" Sabi niya.
"Eh ano naman? Talaga naman dapat ipasa yun eh. Dun na nga lang ako aasa para pumasa ako" mahabang sagot ko sa kanya.
"Tangnamo! Lyrics ng kanta sinulat ko dun! Ang masama pa yung lyrics pa ng tagalog version ng Ignition!"
Mas lumakas pa ang tawa ko nung marinig ko sa kanya yun. Iyak na ako ng iyak sa katatawa dahil sa ginawa niya. Hahaha! Magkaroon ka ba naman ng ganitong kaibigan!