Kabanata 4

954 Words
(Analyn's POV) *Ding Dong* *Ding Dong* "Teka lang sandali." Sino kaya tong nagdodorbell,parang wala nang bukas. Pagbukas ko ng pinto,nabigla ako. "J-janice?" Nautal ako sa pagbigkas sa pangalan niya. "Hey,sister."malamig niyang bigkas. " Anong ginagawa mo dito?"malumanay kung tanong. Ngumiti ito.Hindi ko gusto ang ngiti niya,parang may binabalak na masama. "I'm here para ipaalala sayo na kabit ka lang."tapos sinampal niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko,she did it again.She slap me again.Tumingin ako sa kanya,yung mga mata niya nag-aapoy nasa galit. " I'm here get my property." "What do you mean?" Nagugulahan kung tanong. "Wow,seriously?I said I'm here to get my property,hindi ka naman ganun ka bobo para hindi maintindihan ang punto ko." "Janine,sabihin mo nalang,as far as I know wala kang pag-aari dito."diretsang sagot ko. "Wow,kapal!" "Nandito ako para ipaalam sayo na makakaalis na kayo ng anak mo sa bahay ko." "A-ano?teka,hindi mo pwedeng gawin to." "Of course I can.Ako ang legal na asawa.May karapatan akong paalisin kayo sa bahay ng asawa ko.Kung tutuosin ang kapal-kapal ng mga pagmumukha niyo,pwede bang magtago ka naman ng konting balat mo para mabawasan yang kakapalan ng mukha mo!" "No,hindi kami aalis dito." Hindi ako aalis sa bahay nato.Maraming magagandang ala-ala ang meron dito. "Hahaha." Tumawa lang siya. "Sige magmatigas ka pa,so sad wala ka ng magagawa.!" "Hali na kayo!" Biglang may lumapit na mga lalaki.Doon ko lang napansin na may mga kasama siya. "Kung hindi ka madadala sa pakiusap,pasensyahan na lang.Sige na kunin niyo na ang mga gamit nila." Utos niya sa mga tauhan niya. "No,Janice please." Pagmamakaawa ko. "Wala ka nang magagawa,hahahahaha." Tumawa ito na para bang nasasapian. "Janice wala kaming ibang mapupuntahan,please kahit...." "Owh," umarte ito na parang naaawa.Tas biglang tumawa ulit. "So?paki ko?your so pathetic.Alam mo Analyn,kahit lumuhod kapa sa harapan ko o kahit lumuha kapa ng dugo,WALA KA NANG MAGAGAWA!." Bigla na lang nagbago ang awra nito,sobrang galit ang nakikita ko. "NAGSISIMULA PA LANG AKO ANALYN,SO BE CAREFULL!HAHAHAHAHA." (Angel's POV) Nakokonsensya na talaga ako.Naaawa ako kay daniel, nagagalit ako sa sarili ko kasi ang duwag-duwag ko.Natatakot akong aminin na buntis ako,natatakot akong malaman nila,hindi pa ako handa. Natigil ang pag-iisip ko ng makita ko si mama sa labas ng bahay.Nakalock ang gate,tsaka bakit nasa labas lahat ng gamit namin? Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Ma." Tawag ko kay mama,sa lalim ng iniisip niya di niya 'ko napansin. "Anak." Malungkot ang tuno niya. "Ma,bakit nasa labas lahat ng gamit natin?" "Anak,pinaalis na tayo." "A-ano?" Naguguluhan kung tanong. "Pinaalis?ma,bakit bahay natin to?" "Pumunta si Janice dito kanina." "Jan-nice?ang asawa ni papa?" Tumango lang si mama. Saan na kami pupunta nito?wala kaming pera para mangupahan.Wala din kaming mahiraman ng pera,ayaw magpa-utang ng mga kaibigan ni mama. Kinuha ko yung cellphone ko.Tatawagan ko si Jena,makikiusap nalang ako na dun muna pansamantala sa kanila. Dalawang ring lang ng sagutin ni Jena ang tawag ko. "Hello Angel napatawag ka." Jena "Jena,hmmm,pwedeng humingi ng pabor?" Tanong ko. "Sure,what is it?" "Jena kasi wala kaming matuluyan ngayon." "Ha?bakit?" "Tsaka ko nalang ipapaliwanag sayo." "OK,angel no problem.Welcome kayo sa bahay namin." "Talaga?" "Oo naman,were friends,hihintayin ko nalang kayo." "Sige,papunta na kami." At iniend ko na ang tawag. Nandito na kami sa labas ng bahay nila Jena,nag door bell muna ako ilang sandali lang ay pinapasok na kami sa kanila. "Besh." Si Jena ng makapasok kami sa kanila. "Jena." "Yaya,pakidala ng gamit nila sa guest room." Utos niya sa katulong nila. "Naku,okay lang ija kami nalang ni ang magdadala." Si mama "Naku tita,wag kayong mahiya para ko narin kayong pamilya." "Amin na po yung dala ninyo ma'am." Paalam ng katulong nila Jena bago kinuha ang mga dala naming gamit. "Tita,sila na po bahala sa gamit niyo.Umupo muna kayo't alam kung napagod kayo." Uupo na sana kami ni mama ng,dumating ang mga magulang ni Jena. "Ma." Si Jena sabay halik sa pisngi ng mama niya. "Yaya,pakibalik po ng gamit nila." Nabigla ako sa sinabi ng mama ni Jena. "Ma?why?."tanong ni Jena. "Tumingin ito samin ni mama,Analyn mare,sorry pero hindi kayo pwede dito.Gustuhin ko mang tulungan kayo kaya lang nagbanta si Mrs.Paller." Mrs.Paller?Si Tita Janice?? Nanlumo ako sa narinig ko.Bakit kailangang gawin ni Tita Janice to? "Ano?Pinagbantaan kayo ni Janice?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama. "Oo,nagbanta siya samin na kapag nalaman niya kung sinong tutulong sa inyu madadamay."sabi ni tita Celine. "Analyn sorry we can't help you." Malungkot na sabi ni tita. "Actually hindi naman kami takot na ipasara niya ang business namin,kaya lang nagbanta siyang hindi niya kayo titigilin at ang taong tutulong sa inyo.The way she act and talk,nakikita namin na kaya niyang pumatay.Alam natin na makapangyarihan siyang tao,kaya niyang gawin lahat at natatakot kami hindi lang sa sarili namin,natatakot kami sa kaligtasan ng anak namin." Mahabang paliwanag ni Tito Luis. Naawa ako kila tita Celine ganun ba talaga kalaki ang galit ni tita Janice samin para pagbantaan niya sila tita? "Analyn we're so sorry." "No,wag kang magsorry Celine,ako dapat ang magsosorry kasi nadamay pa kayo." Umalis na kami sa bahay nila jena. San na kami pupunta sigurado ako na pati mga magulang ni Rica pinagbantaan din ni tita Janice. Tumunog ang cp ko,kinuha ko saking bulsa.Si Rica ang tumatawag,sinagot ko ito. "Hello best,nabalitaan ko ang nangyari."Nag-aalala niyang sabi. " Asan na kayo?" " Nandito kami sa unahan ng bahay nila Jena." "San na kayo pupunta?" "I don't know best." "Sige,wag muna kayong umalis dyan hintayin niyo ako." "Sige,best"at nag-end na ang tawag. Sa paghihintay namin may tumigil na sasakyan. " f**k!!"sinipa sipa niya pa ang sasakyan niya. "BWESIT!T*NGIN*!!!"grabi naman si kuya puro pagmumura ang lumalabas sa bibig.Parang hindi niya kami napansin. Sinipa-sipa niya pa ang kotse niya habang nagmumura. Pero.... Laking gulat ko ng napatingin siya samin.... Teka..... Siya. ... Kilala ko siya.......... Siya.... Hindi ako pwedeng magkamali si... LIAM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD