Kanata 8

1237 Words
Naghintay ako sa pagdating ni Nanay Karen ngunit hindi siya dumating. Pasado alas syete na ng gabi ay sinalubong na ako ng antok.Nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Ala una na ng madaling araw.Nagtaka ako sa kung sino man ang tatawag sa akin ng ganito ka agang oras.Kahit inaantok pa ay kinuha ko sa katabing side table ang aking cellphone. "Angel" Ang aking antok ay biglang naglaho dahil sa boses na narinig ko. "Aeron?" Nagtaka ako kung bakit ang aga niyang tumawag. "Angel sumama ka sa'kin please." Nalito ako sa kanyang sinabi. "Huh?Sumama saan?" Nalilito kong tanong sa kanya.Nanlaki ang aking mga mata sa naisip,hindi kaya.. "Magtanan nalang tayo," I knew it! "WHAT!?." I didn't know what to say.As in nabigla ako sa biglaan niyang sinabi. "Magtanan nalang tayo," "Magtanan nalang tayo," "Magtanan nalang tayo," "I'm sorry alam ko nabigla kita,but Angel I can't afford to lose you.Please," He's begging for me to go with him. "Pero Aeron ...I mean," Napabuntong hininga ako dahil parang nauubusan na ako ng sasabihin. "I love you." Pagkarinig ko sa sinabi niya ay parang nawala lahat ng takot ko.Lahat ng pangamba at pag-aalinlangan ay napalitan ng kakaibang saya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Isang 'I love you' niya lang parang lahat kaya kong isugal. Isang oras kaming nag-usap ni Aeron at napapayag niya ako sa gusto niyang mangyari,may plano na siya para sa pagtatanan naming dalawa. "Bukas ay aalis si Mommy,yun lang ang alam kong perfect timing sa pag-alis natin.Huwag ka nang magdala ng gamit para hindi halata,may pinabili na akong mga gamit mo sa titirahan natin." Ito ang plano niya,bukas sa pag-alis ni Tita Janice ay aalis din kami. Mabilis ang takbo ng oras, pasado alas nuebe na ng umaga nang magising ako.Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa maaring mangyari sa pagtatanang gagawin namin ni Aeron. Alam ko na nangako ako kina Mama at Lola na hihiwalayan ko na siya,pero hindi ko pala talaga kaya.Mahal ko si Aeron at ipaglalaban ko rin siya kahit alam kong mali.Ganun naman lagi diba,susugal ka para maging masaya kahit hindi na tama. Nakatulala lang ako sa aking kwarto,patawarin sana ako nila mama sa gagawin ko.Alam kung magagalit sila pati na din si Tita Janice. Nagising ako sa aking diwa nang tumunog ang aking cellphone. Tumawag si mama para kumustahin ako.Kung hindi niya siguro ako sinabihang huwag magpapagutom ay tuluyan ko nang makakalimutan na hindi pa pala ako nakakain ng agahan. "Anak huwag kang magpapagutom,alam mong makakasama yan sa bata." Nasapo ko nalang ang aking noo.Dahil sa kakaisip ko sa plano namin ni Aeron ay nakalimutan ko na ang kumain.My god! "Of course naman mama,kakain po ako ng maayos." Nagawa ko pang magsinungaling. "Good.Nga pala nandyan na ba ang nanay Karen mo?" And speaking of nanay Karen until now wala padin siya. "Wala pa nga po ma,kahapon ko pa siya hinihintay." "Ganun ba,baka parating na yun.Hintayin mo nalang diyan Angel.Okay I have to go na baby,take care,I love you bye." "I love you too Ma," Then she end up the call.Narinig kong may tumawag sa kaniya kaya nagmamadali na siya. I'm sorry mama,sana maintindihan mo ang gagawin ko.Sana mapatawad mo ako. Sabi ni Aeron hindi ko na kailangang magdala ng damit,at ipinapasalamat ko iyon dahil di na ako mahihirapan.Planado na ang lahat,pero bakit kinakabahan ako?Siguro dala lang ito ng pagod dahil sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Habang nag-aabang ako sa pag-alis ni Tita Janice dinalaw ko muna si Lolo sa kaniyang kwarto.Naabutan ko si Lola na pinapakain niya si Lolo. "Apo," Tawag ni Lola sa akin kaya lumapit ako. "Lola ako na po muna ang magpapakain kay Lolo." Tumango naman si Lola sa sinabi ko.Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang bowl at tumabi ng kaunti para mabigyan ako ng space.Lugaw lang ang pinapakain namin kay Lolo dahil mahihirapan siya kapag kanin yung kinain niya. "Hello po Lolo,kumain ka po ng marami." Sumilay ang ngiti sa labi ni Lolo.Sinubuan ko ng paulit-ulit si Lolo at laking tuwa ko ng inubos niyang kainin lahat ng laman ng bowl. "Very good po Lolo,naubos niyo po lahat." Masayang papuri ko sa kaniya. "Naku,dapat pala Angel ikaw ang magpakain sa Lolo mo araw-araw para araw-araw din nauubos ang mga pagkain niya." Parang may nagbara sa aking lalamunan sa sinabi ni Lola.Hindi agada ko nakasagot tanging ngiti na lamang ang aking itinugon. (Annalyn's POV) "Maam remind ko lang po kayo na mamayang alas tres po iyong meeting niyo ni Mrs.Rosales." sabi ni Ella,ang aking secretary. "Okay,thanks Ella." Yumuko ito at lumabas na sa aking office. Parang panaginip padin ang lahat ng nangyayyari sa buhay ko.Hindi ko akalain na babalik pa ako.Tinanaw ko ang magandang tanawin sa labas. "Annalyn,meet Janice." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Janice. "Janice ang Ate Annalyn mo." Pinakilala kami ni Papa sa isa't-isa ni Janice dahil ngayon lang kaming magkapatid nagkita sa personal. Anak ako ni Papa sa labas pero naunang makilala ni Papa ang aking ina kaysa sa ina ni Janice.Ayaw ng Ina ni Papa sa aking Ina kaya lumayo si Mama kay Papa.Hindi alam ni papa na buntis si Mama sa'kin noong nakipaghiwalay si Mama sa kaniya.After two years sinabi ni Mama kay Papa ang tungkol sa'kin,my father really loves my mother but that time na pinakilala ako ni Mama kay Papa kasal na siya at buntis pa si Tita kay Janice.Palihim na pinupuntahan kami ni Papa dahil ayaw niyang guluhin kami ng mga magulang niya lalo na si Mama.Four years bago nalaman ng pamilya ni Papa ang tungkol sa akin.Hindi nila matanggap kami ni Mama.Balak ulit ni Mama na lumayo kasama ako pero nagmakaawa si Papa kay Mama na huwag siyang umalis dahil mahal niya si Mama.Arrange marriage lang kasi ang sa kanila ni Tita,pero mabait si Mama.Nagparaya siya,binitiwan niya si Papa kasi ayaw niyang makasira ng pamilya. "Hi,I'm Annalyn." Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya pero iba ang tumanggap. "Ricky,I'm Ricky.Ric for short." Kasama ni Janice,isang matipunong lalaki.Ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko pabalik.Napansin ko ang tingin ni Janice sa kamay namin ni Ric kaya dali-dali akong bumitaw. "Ric,ako yung kapatid.Hindi ikaw." Tumingin sa'kin si Janice at inilahad ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman iyon."Hi Ate Annalyn." Magkababata sina Janice at Ricky kaya sobra ang closeness nilang dalawa.Laging pumupunta si Ricky sa bahay kaya napalapit ang loob namin sa isa't-isa. "Annalyn,I like you." Nagulat ako noong sinabi iyon ni Ricky.Akala ko gusto niya si Janice. "Paano si Janice?She likes you Ric." "Annalyn,we're just friends.Tsaka parang kapatid na ang turing ko kay Janice." Nangungusap ang kaniyang mga mata."Please allow me to court you."Pakiusap niya sa'kin. Sinagot ko si Ric at noong nalaman ni Janice ay sobra siyang nagalit kasi mahal niya si Ric.After a month sinabi ni Janice na may malala siyang sakit. "Annalyn,I have cancer." Umiyak siya sa harapan ko,pati ako ay hindi makapagsalita sa kaniyang sinabi."Ate please ipaubaya mo na si Ric sa'kin." Nalaman nila Papa at Tita ang ang tungkol sa sakit ni Janice kaya tinupad nila ang kaniyang hiling na ipakasal sila ni Ricky.Walang nagawa si Ricky dahil umalis ako.Pinapunta ako nina Tita sa Canada para makalimutan si Ricky pero hindi ako tumuloy.Naaksidente ang eroplano na papuntang Canada kaya inisip nila na patay na ako,at lumayo nalang din ako dahil sa palagay ko mas tahimik sila pag nawala ako. Five months nagkita kami ni Ricky sa tinatrabahuan kong hardware.He pursued me again and because I loved him pumayag akong maging kabit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD