Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.
Tita Janice slap me.
Her eyes are full of anger. Nakakatakot.She tried to slap me again.I just closed my eyes waiting for her hand.
Napadilat ako,this time hindi ako ang nasampal.Pumagitna si Aeron sa aming dalawa kaya siya ang nasampal ni Tita.
"Mom,please don't hurt her."
"Aeron,umalis ka diyan!" She tried to reached me,I can saw the fire in her eyes.She's so damn angry.
Pinipigilan ni Aeron si Tita.
"Mom,please stop!She's pregnant!" Pag-aawat niya sa kanyang ina.
Biglang napatigil si tita at hinarap si Aeron.
"That's my point here!She's already pregnant but she's flirting you!" Sigaw niya sa anak.
"She's not!" Malakas na pagsagot ni Aeron.
Kaming tatlo lang ang tao rito sa mini office.Wala si mama at lola, maaga silang umalis dahil may meeting daw sila.Akala ko kasali si Tita Janice kasi sabay naman silang umalis.Kung akala niyo in good terms na sila mama dahil nagkakasama sila sa trabaho,nope there's a wall between them and I think magiging permanente na ito lalo pa ngayon.
Nakayuko lang ako habang lumalandas sa pisngi ko ang mga luha.
"SHE IS!"sabay baling sa akin.
" You!kay Annalyn mo talaga nakuha ang pagiging malandi mo!Kating kati ka na bang animal ka!Pati kapatid mo nilalandi mo!Gosh!"
"Mom,stop! I LOVE HER!" Diniinan pa ni Aeron ang sinabi niya.
Ito yung dahilan kung bakit galit na galit si Tita.She caught us kissing,actually its just a smack kiss pero hindi yun nakaligtas sa paningin ni Tita.She saw it.Saktong pagbukas niya sa pinto na nagkiss kami.
"Your insane Aeron!magkapatid kayo!"
"Mom we're not.Hindi mo naman talaga ako anak!" Yeah you heard it right. Inampon lang ni Tita si Aeron kasi wala silang anak ni papa.
Nanatili lang akong nakayuko.
"I treat you like my real son!How dare you!" I know nasaktan si Tita sa sinabi ni Aeron.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"I'm sorry mo.."hindi niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang sinampal ni tita.
For the second time,tita slapped Aeron.
"Tita please tama na."Ito yung ikinatatakot ko.Una palang alam ko nang mali pero pinili kung pumasok sa sitwasyong to.
" SHUT UP!"she shouted me,matatakot sana ako kung walang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi.
"I'm really sorry mom."sinserong paumanhin ni Aeron kay tita.
Titig na titig ako kay tita ngayon,kumakawala ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa bawat hikbi niya mararamdaman mo yung sakit.
"Aeron I treat you like my own son.Kahit hindi ka sakin nanggaling,minahal kita dahil para sakin anak kita,kaya sana wag mong ipamukha sakin na hindi ka nanggaling sakin kasi nasasaktan ako.Kasi sa tuwing naririnig kong hindi kita totoong anak,nararamdaman kung wala akong silbi." Then she left while crying.
I don't know what to do.I'm afraid.Ang bilis ng mga pangyayari,kahit ako hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat.Tutol silang lahat sa relasyon namin ni Aeron kahit pa hindi naman talaga kami tunay na magkapatid.
Nang dahil sa nangyari ay mas lalong lumaki ang alitan nina mama at Tita Janice.
"Angel hiwalayan mo si Aeron."
"Pero ma,mahal ko siya." Yumuko ako nung sinabi ko ang katagang iyon.
Hindi ko kayang titigan si mama lalo na't nandiyan din si Lola.
"Anak magkapatid kayo." Parang nauubusan na ng pasensyang bigkas ni mama.
Pinipilit nilang maghiwalay na kami ni Aeron pero parang hindi ko kaya.
Kay Aeron ko lang naramdaman ang kakaibang saya simula nang mamatay sila Papa.Pinaparamdam niya sakin na mahalaga at importante ako tulad ni Papa noong nabubuhay pa siya.
"Apo makinig ka sa amin ng mama mo.Aeron is still Paller,sabihin na nating ampon lang siya pero apo ko parin siya.He's still Paller."
I can't help my tears from falling.I love Aeron so much, pero siguro nga tama sila.Magkakaanak na ako sa ibang lalaki at si Aeron he deserve someone better than me.
"Fine but I need time."
"Time?Jusko Angel!"reklamo ni mama.
"Please just a week .Isang linggo lang kahit isang linggo lang po." Ayaw ko man ay wala rin akong magagawa.Mahirap at masakit pero kailangan.
Iniyak ko lang ulit lahat ng sakit.Buong gabi akong nagkulong sa kwarto para pag-isipang mabuti ang lahat.
I'm pregnant masama sakin ang naeestress,pero nasasaktan ako.Ganito pala ang pakiramdam na kahit gaano mo kamahal ang isang tao kung hindi talaga siya para sayo,kailangan mong mag let go.Dahil kung talagang mahal mo siya,gagawin mo yung makakabuti sa kanya.Kahit mahirap at masakit kakayanin mo dahil mahal mo.
Maaga akong nagising kinabukasan,kahit namumugto ang mga mata.Lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso nalang sa kusina dahil nakaramdam agad ako ng gutom.Ang hirap pala kapag buntis laging gutom.
Parang gusto kung bumalik sa kwarto ng nikita ko si Tita Janice na umiinom ng tubig.Bigla akong kinabahan ng dumapo sakin ang kanyang paningin.
"Oh,the slut is awake!" Gutom ako at ayaw kong patulan si Tita. Kahit masakit ang sinabi niya.
"Tita ayaw ko po ng gulo,excuse me po." Kahit papaano may natitira parin akong respeto sa kanya.
"Ah!Ayaw mo ng gulo?Pwes ako,gusto ko!"
I was stunned in front of her,shocked at what she did to me.Itinapon niya sa mukha ko ang tubig na laman ng kanyang hinahawakang baso.
"Mom!What are you doing?" Biglang dumating si Aeron para awatin si Tita.
"Aeron stay out of here,nag-usap na tayo diba?"
"Yun na nga ma,nag-usap na tayo pero bakit mo sinaktan si Angel?"
"Aeron ,ok lang." Yun lang sinabi ko tas tumakbo na ako pabalik sa kwarto ko.Kakaiyak ko lang kagabi,ano ba?iiyak na naman ba ako?
Nilock ko ang kwarto ko.Nagbihis ako dahil nabasa ang damit ko dahil sa tubig na itinapon ni Tita Janice sakin.
What if hindi ako pumatol kay Aeron,hindi sila mag-aaway ni Tita Janice.At sila ni Mama baka nagkaayos sila,pero nang dahil sa ginawa ko mas lalong lumala ang lahat.Mas lalong tumindi ang galit ni Tita sakin pati na kay Mama.
Nang dahil sa nangyari ay nawala ang gutom ko.Siguro magpapahatid nalang ako ng pagkain dito.Uupo na sana ako ng kumatok si mama sa kwarto ko.
"Anak."
Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad si mama na bagong ligo at bihis na bihis.
"Anak,aalis ako.Apat na araw akong mawawala dito.May meeting kami about sa project namin na ipapatayo sa Cebu."
"Apat na araw ma?Ang tagal naman ata nun."
"Para sa kompaya ito anak,para nadin sa lolo mo."
"Sino po ang kasama niyo papuntang cebu ma?"
"Kami ni Ella lang anak,kasama sana ang Lola mo pero alam mo na,ayaw niyang iwan ang lolo mo ng ganun ka tagal."
Ella ang pangalan ng sekretarya ni mama.Akala ko kasama din si Lola lalo na't malaki ang proyekto nila sa Cebu.
"Okay po ma mag-ingat po kayo dun."
"No,ikaw ang mag-ingat Angel,baka may gawin na naman si Janice."
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina,pero siguro mas mabuti kung hindi nalang malaman ni mama para hindi na lumala ang gulo.
"Don't worry ma,kaya ko po sarili ko." Siguro hindi ako lalabas ng kwarto sa apat na araw na yun.
"Ok anak,nga pala dadating si Nanay karen mo mamaya.Sige bye baka maiwanan pa ako." Niyakap ko si mama ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
Mabuti na lang at babalik si Nanay Karen,kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.
Buong araw akong nagkulong lang sa kwarto ko.Sa totoo lang natatakot ako kay Tita Janice,ayaw kong makita siya baka may gawin na naman siyang hindi maganda.
Napahawak ako sa tiyan ko ng naramdaman ko na parang may sumipa.
"Baby,excited kana sigurong lumabas no?" Napangiti nalang ako sa sinabi ko.
"Alam mo excited na rin si mommy na makita ka." Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko,kahit na ganito ang nangyari sa'kin wala akong pinagsisihan.Nagkamali man ako sa desisyon ko noon,marami parin akong natutunan.
Isa sa natutunan ko sa buhay,kahit na nagkamali ka sa desisyong pinili mo,huwag mong pagsisihan yun kasi may mapupulot tayong mga aral.Mga aral na tatatak sa atin,mga aral na makakatulong sa atin na magdesisyon ng tama.