Nasa labas ako ng bahay ni Tita Janice,kanina pa ako sigaw ng sigaw dito.
"Hoy Janice lumabas ka diyan!" Sabihin na nating wala akong respeto,pero sa mga ginagawa niya samin wala na talaga akong mahagilap na respeto.
"Janice,lumabas ka na diyan!"sigaw ko ulit namamaos na talaga yung boses ko,pero isinawalang bahala ko iyon dahil sa galit ko.
" Ma'am,umalis na lang po kayo wala po si Madame dito."mahinahong pakiusap ng guard,kanina pa niya ako pinagsasabihan na umalis pero gusto kung komprontahin si Tita Janice.
"Pasensya na po Kuya pero gusto ko lang pong kausapin si Tita Janice."
"Janice lumabas ka sani diyan,walanghiya ka!" Sumisigaw pa rin ako.
"Maam, nagsasayang lang po kayo ng laway,wala po talaga sila Madame dito." Manong guard.
*Beep*beep*beep*
Napalingon ako sa likod dahil may bumusinang sasakyan.
Matandang babae ang bumaba,kahit may edad na ay alam kung siya ang ina ni Tita Janice.Kasunod niyang bumaba ay si Tita Janice at bumaba rin ang nagmaneho sa sasakyang sinakyan nila.
Isang matangkad,matangos ang ilong,sakto lang ang kulay ng kanyang balat,medyo makapal na kilay,labing manipis at mapula,ang gwapo niya pero nawala sa lalaki ang atensiyon ko ng magsalita si Tita Janice.
"What are you doing here?" Tanong nito
Nangibabaw na naman ang galit ko.
"Na kick out na ako,ano masaya kana?" Malamig kong sinabi.
"Janice,who is she?" Tanong ng matandang babae.
"Ma,nevermind her.Pumasok na tayo." Si tita Janice.
Tumitig sakin ang matanda,nakikita ko naman sa sulok ng aking mga mata ang titig ng lalaki kanina.
"Your familiar, who's your parents ija?" Tanong nito sakin.
"Ma,pabayaan mo na yan."
"Anak po ako ng asawa ng anak niyo." Lumaki ang mga mata ng matanda sa gulat,nakita ko rin ang pagkabigla ng lalaki sa gilid ko.
"You mean ikaw ang anak ni Annalyn?" Bago pa ako makasagot ay lumapit na sakin ang matanda at niyakap ako.
"Apo." Ang kanyang binigkas.At ako naman ang pinanlakihan ng mga mata.
It's been a week since lumipat kami ni Mama kina Lola Salvation,na meet ko na rin si Lolo Gener, he's in his room nagpapahinga kasi may sakit at lumalala na ito.Galing silang ibang bansa para doon gamutin si lolo pero nung nalaman nilang buhay si mama lolo decided to go back here in the Philippines. Wala rin namang nagawa si Lola Salvation kasi ayaw paawat ni lolo.Si tita Janice naman nandito rin,hindi sila nagkikibuan ni mama at tumigil na rin siya sa mga ginagawa niya samin ni mama,kung nagkakasalubong sila ni mama wala lang parang hangin lang si mama sa kanya at pabor rin naman samin yun walang gulo.
"Manang saan ko po ba to ilalagay?" First time kung tumulong maghugas kaya hindi ko pa alam kung saan ilalagay ang mga hinugasan ko.
"Naku maam, ako na lang po ang maglalagay ng mga yan.Dun na lang po kayo baka magalit si Madame pag nalaman niyang tumulong kayo."
"Asus hindi po yun magagalit manang,hayaan niyo na lang po akong tumulong." Ako
"Excuse me." May biglang nagsalita sa likod at kahit hindi ko siya lingunin alam ko na kung sino iyon,ang anak ni Tita Janice, si Kuya Aeron.
Pinasunod ako ni Kuya Aeron sa Mini Office ng bahay nila Lola.Oo may mini office sila sa bahay.
Pinagbuksan niya ako ng pinto,he's a gentleman.
"Thanks Kuya." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Nag-iwas agad siya ng tingin.Wala man lang akong natanggap na 'you're welcome'.
"So I think you know how to use computer." I like he's accent,Angel pati ba naman pagsasalita!
I don't know pero gusto ko lahat sa kanya,he's my ideal guy.
"Yes po Kuya." Sagot ko.
"Stop calling me Kuya,hindi tayo magkapatid." Diretsahan niyang sinabi,Hindi agad na proseso sa utak ko ang sinabi niya,ano daw 'Hindi tayo magkapatid'..
Stop calling me Kuya,hindi tayo magkapatid."
"Kuy-" he cut my word.
"Are you deaf?Kakasabi ko lang wag mo akong tawaging Kuya." Matigas na pagkakabigkas niya.May bumigat sa puso ko,pero naiintindihan ko naman siya.Hindi niya talaga ako matatanggap na kapatid niya.
"Okay,I understand.Alam ko naman na hindi mo ako matatangap bilang kapatid." Yumuko ako pagkasabi ko nun,ayaw kung labanan kung titig niya.
"Just call me Aeron." Napaangat ako sa sinabi niya.He want me to call he's name,ayaw niya bang galangin ko siya?May bahid ng pagtataka ang aking mukha,maybe he noticed it kaya siya naman ang nag-iwas ng tingin.
May kinuha siyang mga folder.
"Itong mga 'to,ie-encode mo lang lahat to." Sabay lapag niya sa mga folder sa lamesa.
Tinuruan ako ni Aeron kung paano ba ang mga gagawin ko,inutusan kasi siya nila Lola at lolo na turuan ako para matuto ako sa companya nila.
"Dito I click mo lang ang marketing,tas ilalagay mo diyan sa mga box ang mga sales." Sobrang lapit niya sakin,amoy na amoy ko ang mabango niya perfume,ang sarap singhutin.
Angel tumigil ka!Ano bang iniisip ko?
Inilayo ko ng kaunti ang sarili ko sa kanya.
Nung akmang hahawakan ko na ang mouse,sakto ding hinawakan niya iyon,napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko.
*dug*dug*dug*
Bat ang bilis ng t***k ng puso ko?Siguro kaba lang toh.
Angel kinakabahan kalang.
Kinuha niya ang kamay niya.
"Sorry."siya
"O-ok lang." May pag-aalinlangan kung sabi.
"No,hindi ako nagsosorry kasi nahawakan ko ang kamay mo." 0_0
"Huh?" Takang tanong ko.
"What I mean is sorry for my mom.Alam ko yung mga ginagawa niya sa inyu kaya ako na ang humihingi ng sorry para sa kanya."
"Hindi ikaw ang dapat na magsorry." Ako
"Yeah,I know."
Sandaling katahimikan bago siya magsalita.
"Si mommy,malabong magsorry sa inyu yun,kaya ako na ang humihingi ng paumanhin." Masarap pala marinig yung Tagalog niyang dirediretso.
Angel yan ka na naman!Pangaral ko ulit sa sarili ko.
"She's a good wife,nakita ko kung gaano niya kamahal si Daddy.I always heard her sobs,actually almost every night." Biglang lumungkot ang kanyang mukha.Nakaramdam ako ng awa.
"Yung mga time na todo effort siya para kay daddy pero palagi ring binabaliwala ni daddy,yung halos tatlong araw lang siya umuuwi sa isang buwan habang si mommy laging umaasa.It really broke my heart.Seeing my mother crying and hurting makes me hurt a thousand times." Bumaling siya sakin.Napalunok ako.Yung time na palaging kasama namin si Papa,habang yung legal niyang pamilya nangungulila sa kanya.Gosh,feeling ko tutulo ang luha ko nakakakonsensya.Habang kami nuon nagsasaya,sila miserable.
"I'm sorry rin,hindi ko naman alam na may pamilya na si Papa." Then a tear fell.
Pinahid niya yung luhang kumawala sa mata ko.
"No,don't cry.I don't really know behind their real love story kaya wala akong karapatang manghusga,nagsorry ako kasi kahit na may kasalanan si Tita Annalyn kay mommy mali parin yung ginawa niya sa inyo.At hindi ko intensyong paiyakin ka."
Napangiti ako sa sinabi niya kahit na hindi naman si Tita Janice ang nagsorry I feel relieve.
Napagtanto ko rin na hindi naman pala siya ganun ka sungit.Tita Janice is so lucky to have a son like him.
"Bluh,bluhh,bluh"
Alas tres pa lamang ay nagising na ako,bigla kasi akong nakaramdam ng gutom,hinalughug ko ang ref,nakita ko yung mango float,isang subo ko palang ay nagsusuka na ako dito sa lababo sa kusina.
"Bluhhhhhhhh" gusto kung sumuka ng sumuka.
"Hey, angel are you okay?" Narinig ko ang boses ni Ku--ay este Aeron lumapit siya at hinagod ang likod ko.
Parang nakatulong ang ginawa niya,biglang umayos ang pakiramdam ko but still may hinahanap ang sikmura.
"Angel are you alright?"
"Yeah,I'm fine." Not really.
"Are you sure?"
"Yes do...bluhhhh" bumaling ulit ako sa lababo para magsuka,halos maiyak na ako sa pagsusuka,si Aeron naman hinahagod ang likuran ko.
"Angel ano ba kasing kinain mo?Bat ka nagsusuka?" Tanong niya,well I guess he didn't know.
Nagmumog ako at naghilamos sa mukha nung naramdaman kung kamalma na ang sikmura ko.
"Normal lang to sa mga buntis." Pinagmasdan ko ang reaksyon niya,walang mababahid na gulat puro pag-aalala lang.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"You should rest now."
"Hindi pa ako makatulog."
"Kahit na you need to rest,its to early baka mapaano si baby." Is he concern?
"Gusto ko ng manga." Yun nalang ang isinagot ko.Nakita ko sa bintana ang puno ng manga sa labas,nakakatakam.
Kumuha siya ng manga sa ref,puro hinog ang mga ito.
"Ayaw ko niyan gusto ko ng hilaw."Itinuro ko ang manga sa labas.
" What?"
"Please." Nagpuppy eyes pa ako.Ewan ko natatakam ako sa hilaw na manga.
"OK fine,dito ka lang madilim pa sa labas tsaka maginaw baka mapano si Baby." No doubt he's concern.
Lumabas siya,habang ako tiningnan lang siya sa bintana.
Nagulat ako ng nakita ko siyang umakyat sa puno.Cellphone niya ang ginamit na pang flashlight,inipit niya ito sa kanyang bibig.
Ilang mimuto lang at bumaba na siyang may napitas nang hilaw na manga.
Binalatan muna niya ang manga bago ibigay sakin.He's so gentleman.
"Yey,thanks Aeron." Para akong batang binigyan ng lollipop sa reaction ko.Nginitian ko siya ng malapad.And for the first time he smiled back.And then my heart beat so fast.