Kabanata 1

1194 Words
(Angel's POV) Umuwi ako sa bahay,gusto ko pa sana siyang bantayan pero mapilit sina Rica at Jenna.Sila na muna ang magbabantay sa kay Mama para makapagpahinga daw muna ako. Sa loob-loob ko ay nagpapasalamat ako kasi binigyan ako ng mga mababait na kaibigan. Pagpasok ko sa kwarto ay umupo ako sa kama,napatingin ako sa family picture namin.Kinuha ko ito,ang gaganda ng mga ngiti namin dito.May kumawala na namang luha sa mata ko. "Pa,andami kong gustong itanong sayo." At naghahabulan na naman sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin sa litrato. "Pa,bakit mo kami niloko?Paano nangyaring may iba kang asawa?Papa gustuhin ko mang magalit sayo,pero hindi ko magawa,hindi ko kaya." Humahagulhol kung usal. "Pa,kahit hindi kami ang legal mong pamilya,hindi ka nagkulang sa pagmamahal sa'min,mahal na mahal kita." Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko,patuloy parin itong kumakawala sa mata ko. "Annika,bunso miss na miss ko na kayo ni papa.Grabe parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. " Bunso,patawarin mo ako ha,kung sana naoperahan ka kaagad,siguro...si..guro buhay ka pa." Nung maaksidente sila mama ay died on arrival na si Papa,habang critical naman sila Mama at Annika.Ang bangkay ni Papa ay iniuwi sa legal niyang asawa,kinakailangan namang maoperahan sina mama kaagad.Naisipan kung ibinta ang mga ari-arian namin pero ipinahold nang asawa ni papa ang lahat ng naiwan niya,kailangan na kailangan na kailangan ko ng pera kaya no choice ako kundi kumapit sa patalim. Nakakapanghina lahat ng nangyayari sa buhay ko.Niyakap ko ang family picture namin at nahiga na ako sa kama.Patuloy akong umiiyak hanggang sa dinalaw na ako ng antok. Nagising ako kasi may yumoyugyog sa'kin. "Angel,gising.Angel anak gumising ka na."si Nanay Karen pala,kinusot kusot ko pa muna ang mata ko.Tiningnan ko ang orasan at 4:14 a.m palang.Inaantok pa ako. " Nay." "Anak,nagising na ang mama mo." Pagkasabi nun ni nanay Karen ay nagising ang diwa ko. "Talaga po?" Ngumiti siya "Oo,gumising na siya." At nagmadali na akong magbihis para pumunta sa hospital. *Hospital* Pagpasok namin ni Nanay Karen sa room ni mama ay naabutan namin siyang umiiyak.Napatingin si Mama sa'kin. "Angel." Iniusal niya.Tumulo ang luha ko sa tuwa. Lumapit ako sa kanya at nagyakapan kami.Nasa gilid sila Jenna,Rica at Nanay Karen.Kumalas ako at tiningnan sila.Nabigla ako kasi umiiyak rin sila. "Best,thank you." Tumango sila at ngumiti. Bumaling ako kay Mama ng tingin. "Ma,salamat at gumising kana." Thank God at nagising na si Mama. "Anak,totoo ba?" Umiiyak niyang sabi.Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tumango ako at humagulhol siya nang iyak. Matapos ang ilang linggo ay nakalabas na ng hospital si Mama.Nandito kami sa bahay,kasama parin namin si Nanay Karen.Nahihiya na na ako sa kanya kasi wala na kaming naibibigay na sahod sa kanya pero hindi parin niya kami iniwan.Si Nanay Karen ay ang yaya namin ni Annika,para narin namin siyang pangalawang ina kaya Nanay ang tawag namin sa kanya.Nasa kusina kaming dalawa,nagluluto ng hapunan. "Hmmm,ang bango!Sigurado akong hindi matatangihan ni Mama ito." Ang niluto kasi namin ay minudo,ito yung paborito namin. "Oh siya,sige na anak tawagin mo na ang mama mo."Tumango ako. " Opo nay,"Pinuntahan ko si Mama sa kwarto niya. Kumatok muna ako,hindi sumagot si Mama.Hindi naman nakalock ang pinto kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto. "Ma,kakain na po." Sabi ko,nakatalikod siya sa'kin pero alam kung umiiyak siya. "Kayo nalang,wala akong gana." Habang nagpupunas ng luha. "Ma,ilang araw na po kayong hindi kumakain ng maayos." Simula ng magising si Mama at nalaman niyang wala na sina Papa ay nag-iba na siya.Pag-uwi rin namin galing Hospital ay lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto niya,at hindi kumakain ng maayos. "Please,anak hayaan mo muna akong mapag-isa." Sabi niya,tumabi ako sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya. "Ma,kumain muna kayo kahit limang subo lang,please!" Pakiusap ko rin,alam kong hindi rin madali para sa kanya ang mga nangyayari pero dapat naming lumaban.Huminga muna siya ng malalim bago tumayo. Uupo na sana si mama ng tingnan niya ang pagkain.Bigla siyang napaluha. "Ano to?" Tanong niya habang itinuro ulam. "Ma,minudo yan." "OO NGA PERO,BAKIT YAN!?"Tumaas ang boses niya sa pagtanong. " Ma,diba paborito natin yan? "Sabi ko.Si Nanay Karen ay tahimik lang. " ALAM MO NAMAN ANGEL ANG SITWASYON KO DIBA!"This time ay sumigaw na siya. "ANO GUSTO MONG KUMAIN AKO?AT YAN!" Tinuro niya ang ulam. " YAN ANG GUSTO MONG KAININ KO!?" "Analyn,wag mo namang sigawan ang bata,ako naman talaga ang may idea na magluto niyan,pasensya na." Napatingin ako kay Nanay karen. "It's okay Nay,Mama sorry." Naluluha kong usal,first time akong sigawan ni mama,nakakaiyak pala pagsinigawan ka,pero naiintindihan ko rin naman,hindi ko kasi naisip ang magiging reaksyon niya. Pagkasabi ko nun ay umalis si mama at pumunta sa kwarto niya. "Anak,pagpasensyahan mo muna ang mama mo,hindi pa kasi niya matanggap ang nangyari. " Naiintindihan ko naman po." Nasa terrace ako ngayon,tinitingnan ko si mama,nasa labas siya,mabuti naman at lumabas siya sa kwarto niya.Alam kong hindi madali sa kanya ang lahat,kaya hanggang kaya ko magpapakatatag ako para sayo Mama.Naputol ang pag-iisip ko dahil may pumaradang kotse sa tapat ng bahay at may bumabang babae,nagdoorbell ito.Nakatingin lang ako sa baba.Tumayo si Mama at laking gulat ko sa pagbukas niya ng gate ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Dali-dali akong bumaba para alamin kung sino ang sumampal kay Mama.Agad akong lumapit sa kinaruruonan nila,hawak hawak ni Mama ang pisngi niya. "Masakit ba Analyn?" Tanong niya. "Ma,okay ka lang?"Hindi siya umimik.Napatingin sakin ang babaeng sumampal kay mama. Nagsmirk muna yung babae bago nagsalita. "WOW!Galing no?May anak pa kayo ng asawa ko?".. Sigaw niya kay Mama .At dun ko na realize na siya yung tunay na asawa ni Papa. " Sorry."Ang tanging naibigkas ni mama.At talagang si Mama pa ang nagsorry e,siya yung sinampal. "Ma,ba't kayo nagsosorry?Sinaktan ka niya kahit pa siya yung legal na asawa ni papa,wala siyang karapatan na saktan ka." "What?Ako?AKO!At AKO PA NGAYON ANG WALANG KARAPATAN,KUNG TUTUOSIN KULANG NA KULANG PA ANG SAMPAL NA YUN."Galit na saad ng babae. "Anak,pumasok ka muna sa loob." Sabi ni Mama. "NO!Bakit Analyn?Takot ka ba ha?". "Angel sabi ko pumasok ka muna sa loob." "Ma,hindi,baka saktan ka na naman n.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko. "I SAID GET INSIDE!" Sigaw ni mama sa'kin. "HAHAHAHAHA." Tawa ng malakas ang babae. "Ano Analyn don't tell me natatakot kang malaman ng anak mo kung gaano ka kasama at kakat...." "Jannice please,tayo nalang ang mag-usap.Angel sige na pumasok ka muna." Ayaw kung iwan si mama baka kung ano pa ang gawin ng babaeng yan. "NO!hayaan mo siyang marinig ang totoo."Anong totoo? " Please Jannice,tayo nalang ang mag-usap."Pakiusap ni mama. "Ma,a-anong totoo?" Tanong ko. "Tell her!Sabihin mong isa kang KABIT!!". Sa lakas ng boses ng babae ay nagsilabasan na pala ang mga kapitbahay namin.Nakatingin sila samin,na para bang nanunuod sila ng teleserye. "Oo,tama ang dinig niyo!KABIT TO!!" Habang dinuroduro niya si mama. "ANO BA!WAG MONG IPAHIYA SI MAMA!!" Sinigawan ko yung asawa ni papa,dahil pinapahiya na niya si mama sa mga kapitbahay namin. "BAKIT?NAHIHIYA KAYONG MALAMAN NG IBANG TAO NA KABIT ANG INA MO?" "AT,IKAW ANALYN,NAHIHIYA KA NA?SA TAGAL NG PANAHONG.." "Jannice please,tama na." "NO!ANONG TAMA NA?NUNG KINABIT MO YUNG ASAWA KO NAAWA KABA?NAISIP MO BA YUNG PWEDE KUNG MARAMDAMAN HA?ANALYN OR WHAT SHOULD I SAY??? ATE!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD