KABANATA 36

1445 Words

"Ngayon mo sabihin na mahal mo ako." Ani Sarah habang walang patid ang luhang namamaybay sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal na magkaharap, kung ilang oras na ba ang lumipas. Pakiramdam niya ay huminto ang takbo ng orasan sa maliit na espasyo ng sala na iyon. Hindi niya makita kung ano ang reaksyon ni Erick dahil nakayuko ito. Ang mga siko ay nakapatong sa hita at magkasalikop ang mga kamay. Tahimik ito sa buong durasyon ng paglalahad niya sa bahaging iyon ng kanyang nakaraan. Gumalaw man lang nga yata ay hindi nito nagawa. Kung siya ang tatanungin, mas mabuti nang hindi niya makita ang itinatago nitong emosyon sa nakakubli nitong mukha. Dahil hindi niya batid kung kaya niyang tanggapin ang magiging reaksyon nito. Pagka-habag? Pandidiri? O, marahil ay par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD