PS. This Chapter contains sensitive content/issue. Trigger warning lang my lovelies. Hindi mawari ni Sarah kung paano'ng tila nasa limbo ang katinuan niya. Sa tuwing imumulat niya ang mga mata ay walang matinong imahe na mabuo ang dalaga. Ang lahat ay naglilikot at walang direksyon sa kanyang paningin. Maging ang kanyang katawan ay hindi kumikilos nang ayon sa nais niya. Pakiramdam niya ay wala siyang buto at animo siya papel na tinatangay na lang ng hangin. Gustuhin man niya'ng mag-isip o isipin ang kasalukuyang nangyayari ay parang hangin naman ang laman ng utak niya. Naramdaman niya ang brasong pumulupot sa kanyang katawan upang maitayo siya nang maayos. Tiningala niya kung sino iyon, pero wala siyang maaninag na maayos sa kanyang paningin. Naririnig niya ang usapan sa paligid, magi

