"Where are you going?" Tanong ni Erick kay Sarah nang ma abutan niya itong inililipat ang iilang mga damit na mayroon ito sa isang maliit na maleta. "Babalik na ako sa apartment." Kaswal na tugon ng dalaga. "You can't." Aniya sabay iling. Dinig niya ang palatak nito bago siya nilingon na tila hindi malaman kung tatawa o magagalit o marahil ay pareho na nitong ginagawa iyon sa kabila ng pilit na pagiging kaswal sa kanyang harapan. At hindi niya ito masisi. "Bakit kailangan ko pa'ng manatili dito sa bahay ninyo, Erick? May sarili naman akong tinutuluyan?" "Hindi ka pa pwedeng umalis -" "Bakit nga? !" May halong gigil na anito. Ang boses ay sinusubukang kontrolin upang hindi iyon mauwi sa pabulyaw na tugon. "Oh, 'di ba? Hindi ka maka-sagot." Anito nang hindi siya makatugon.

