May mali. Iyon kaagad ang napuna ni Sarah matapos nilang makabalik ni Erick mula sa puntod ng mga magulang niya. Noong una ay wala naman siyang napansin na kakaiba sa ikinikilos ni Erick. Subalit nang makarating sila sa bahay nila, naabutan na nila doon sila Archie at Lanie, kasama na ang anak ng mga ito na si Nancy, maging si Monica. Hindi niya alam kung sadyang sensitibo lang ba siya, dahil ramdam niya na may kakaiba sa mga ito. Higit sa dalagitang anak ni Erick. Madalas ang paglingon nito sa ama, tila ba may nais itanong, o sabihin na hindi nito magawang isa-tinig. Ang pagpapalitan ng mga sulyap ni Archie at Lanie ay hindi rin nakaligtas sa kanyang pansin. Higit sa lahat, ang katahimikan. Katahimikan na may kahalong pagka-ilang. Marahil ay hindi na nakayanan pa, tila nabubugnot

