KABANATA 5

1889 Words
"Kamusta?" Tanong ni Sarah kay Lanie habang inaayos ang itsura niya. Bahagya itong lumayo at sinipat ang mukha niya bago tumango-tango. "Hindi na halata ang eyebags mo." Anito. "Saan daw kami magkikita?" Excited na tanong niya. Kung anu-ano pa ang idinahilan niya sa ate niya para lang maka-uwi. Mabuti na lang at may numero ni Jamila si Lanie kaya nagawa siya nitong tawagan. "Doon sa mini forest malapit sa school?" Ani Lanie. Napangiti siya. Ang mini forest ay sakop pa rin ng school nila pero open naman sa public. Madalang ang may tambay doon dahil kinatatakutan. May multo daw kase. Pero hindi para sa kanya lalo na at doon sila madalas tumambay dati ni Erick noong nag-aaral pa ito doon.  "Kamusta pala si tita Carmen?"  Nabura ang ngiti sa labi niya dahil doon. Napa-upo siya sa katre ni Lanie. Pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya dahil sa muling pag hapdi ng mga mata.  "Huwag kang iiyak. Hindi water proof iyong concealer ko luka-luka ka."  Banta nito sa kanya, kaya imbis na maiyak ay natawa siya.  "Comatose ang nanay, pinapapili pa kami ng doktor kung gusto naming ituloy ang operasyon niya."  Malungkot na hayag niya. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit umuwi siya. Napa-payag lang niya ang ate niya nang idahilan niyang kakausapin si Chino para sa pagbenta ng bahay at lupa nila. Wala silang ibang pagkukunan para sa gastusin. Wala silang malaking halaga para sa bayarin sa ospital. May ipon man siya, hindi iyon kalaki, kahit na ang ipon ng nanay nila ay hindi ganoon kalaki. Kulang na kulang. "Anong desisyon ninyo ng ate mo?"  "Syempre ang mapagaling si nanay. Kahit magkabaon-baon kami sa utang, ang mahalaga ay gumaling siya."  "Sorry friend..wala kase akong pera para makatulong man lang sa iyo."  Ani Lanie sabay yakap sa kanya, lalo tuloy niyang gustong maiyak.  "Sobra-sobra pa nga ang nagawa mo Lanie.." Aniyang gumanti ng yakap dito. Dali-dali niyang inayos ang sarili nang marinig ang pag-iingay ng cellphone ni Lanie. Kaagad iyong sinagot ng kaibigan at matapos batiin ang nasa kabilang linya ay ibinigay iyon sa kanya. Kaagad nanikip ang dibdib niya, hindi pa man ay gumuhit na ang luhang kanina pa nais kumawala sa kanyang mga mata.  "E-Erick?" Nasasabik na anas niya, pero gayun na lang ang pagkadismaya niya ng hindi man lang siya nito kamustahin, sa halip ay sinabi lang nito na naroon na ito sa lokasyon na pagkikitaan nila at maghihintay ito doon. Gayunpaman..sa isipin na naghihintay ito sa kanya ay malaking bagay na. Masaya na siya doon.  "Sasamahan na kita.."  Ani Lanie matapos niyang ibigay ang cellphone nito.  "Huwag na Lanie.."  "Sigurado ka?"  "Oo naman, ano ka ba? Si Erick naman iyon."  Nakangiting aniya.  "S-sige.."  Anang kaibigan niya. Halatang ayaw siyang iwanan pero napilitan lang sumangayon sa gusto niya.  Kahit malapit lang ang mini forestvat hindi naman aabutin ng labinlimang minuto o sampung minuto kung bibilisan niya ang paglakad ay mas pinili niya ang mag-trycicle. Ganoon niya ka-gustong makita kaagad ang binata.  Nang makarating sa destinasyon ay kaagad siyang pumara at ibinigay ang bayad sa driver. Hindi na nag-atubiling kunin ang sukli sa bente pesos niya. Tinakbo niya ang daan patungo sa kalooban ng mini forest kung saan may mga bench at concrete table. Para iyong maliit na parke.  Tumahip ang dibdib niya sa pinaghalong kaba ay kasabikan nang maaninag ng paningin ang pigura ni Erick. At dahil lumilikha ng ingay ang bawat hakbang niya dahil saga tuyong dahon sa lupa ay kaagad niyang naagaw ang atensyon ng binata. Lumingon ito sa gawi niya bagay na halos ikasikip ng kanyang paghinga. Kay tagal din nilang hindi nagkita at tuwing magkikita sila ay para sa ang iyon lagi ang una. Ganoon niya kamahal si Erick. Sa bawat araw na lumilipas hindiansila madalas magkasama ay hindi nababawasan ang pagtingin niya dito. Sa palagay nga niya ay nakatutulong iyon upang mas madagdagan pa.  "Erick!"  Hindi na nakatiis pa ay patakbo siyang lumapit at yumakap sa likuran nito. Ibinaon ang mukha sa malapad na likod na iyon ay hinigpitan ang mga kamay na nakapulupot sa katawan nito.  "Bakit ngayon ka lang umuwi? Ang tagal kitang hinihintay.."  Hindi sumagot ang binata, sa halip ay naramdaman lang niya ang pagbuntong-hininga nito kaya nag - angat siya ng mukha. Nagtatakang minasdan niya ang mukha nito para lang mas magtaka nang mag-iwas ito ng tingin at kalasin ang mga kamay niyang nakayakap dito.  "Upo ka..dito." Tapik ni Erick sa natitirang espasyo sa inuupuan nito. Alanganin man ay atubili siyang na-upo. Pinanood niya ang ilang ulit na pagbuga nito ng hangin sa bibig at saka pipisilin ang batok. Lilingon sa kanya pero hindi makatagal at muli din na iiwas na para bang ibang tao siya at napipilitan lang sa presensya siya. Naghuhumiyaw ang pagkailang nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit.  "May problema ka ba?"  Hindi na nakatiis na tanong niya. Animo nagulat pa ito nang marinig ang boses niya. Nalukot ang mukha niya nang tumango ito, pero sinundan naman nang pag-iling.  "You look tired. Kamusta ka na?"  Anito na para bang kay tagal na pinag-isipan ang sasabihin.  "A-ano kase.."  Umpisa niya, pero nabitin sa lalamunan ang nais niyang sabihin nang mapansin ang pasa sa gilid ng labi nito. Hindi niya iyon kaagad nakita dahil papalipas na. Bakas nalang ang naroroon.   "Anong nangyari sa labi mo? May pasa ka..napa-away ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. Sinubukan niyang abutin ang mukha nito pero mabilis siyang napigilan ng binata.  "It's okay. I'm okay.."  Mariing anito bagay na ikinagitla niya. Iyon ang unang beses na para bang nauubusan ito ng pasensya sa kanya.  "E-Erick.."  Hindi niya itinago ang hinanakit. Nang lingunin siya nito ay naroon ang pagsisisi, ang lungkot..pero bakit ito malulungkot gayung magkasama na sila?  "I'm sorry, Sarah."  "Okay lang.. Hindi mo naman sinasadya eh. Ano ba kase ang problema? Makikinig ako.."  Hinawakan niya ang kamay nito at marahan iyong pinisil ngunit tila napapaso nito iyong binawi. Doon na siya nagsimulang kabahan.  "Erick?"  Napapalunok na sinilip niya ang mukha nito.  "Pinapakaba mo na ako, alam mo ba iyon? Ano ba kase ang problema? Sa akin ba? Sa iyo? Kung sa akin at kung tungkol ito sa naka-"  "Hindi ito tungkol doon!"  Mariing putol nito sa kanya. Napalayo siya dito at naguguluhan itong tinitigan.  "Kung gayon ay ano!? Paano ko malalaman kung ayaw mong sabihin? Hindi ko naman pwedeng idaan sa hula kung nariyan ka naman..alam kong makasarili ako minsan, o madalas. Oo madalas, makasarili ako, at minsan naiinis ka na. Pero Erick.. Mahal lang kase talaga kita.." Naiiyak na niyang sabi. Nang tingnan siya ni Erick ay nakagat niya ang labi sa emosyong nakita niya sa mukha nito. Mukhang nabawasan ang kung ano mang nagpapabigat sa kalooban nito.  " I know that.. I already know that. " Mahinang bigkas nito. Napangiti siya nang kabigin siya nito at yakapin. Gaganti sana siya ng yakap dito nang bigla itong magsalita.  "I'm sorry.. I'm sorry Sarah."  "Okay lang nga, ano ka ba?" Natatawang aniya habang tinatapik-tapik ang likod nito nang humigpit ang mga braso nito sa kanya.  "Erick?"  Nagtatakang tawag pansin niya sa binata nang subukan niyang kumalas dito ay mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, iyong tipo na parang ayaw na siyang pawalan.  "Maghiwalay na tayo..Sarah."  Bulong nito sa kanya. Ilang minuto din siyang natigilan at hindi nakakilos sa sinabi nito. Subalit, nang makabawi ay nagkumawala siya pero nakayuko na ang binata, laylay ang balikat maging ang mga brasong kanina lang ay nakapalibot sa kanyang katawan.  "A-anong sinabi mo?"  Hindi makapaniwalang ulit niya. Dalawang kamay niyang hinawakan at hinila-hila ang braso nito upang tingnan siya at sabihin iyon sa kanya ng harapan.  "Anong biro ba ito Erick. Nagpa-prank ka na din ba? Saan iyong camera?"  Natatawang inilibot niya ang paningin sa paligid, pero tanging mga puno at mga ligaw na d**o lang ang kasama nila.  "I'm not joking, nor pranking you Sarah. I meant what I've said."  "Pero bakit?"  Naipikit niya nang mariin ang mga mata ng muli ay hindi na naman ito sumagot. Nilunok niya ang bara sa lalamunan at nilabanan ang malakas na kalabog na iyon sa kanyang dibdib. Lumipat siya sa harapan ni Erick, tumalungko at kumapit sa mga tuhod nito.  " Bakit nga kase? Dahil ba aalis na kayo? Lilipat na kayo sa Maynila?"  "Y-yeah, isa iyon sa rason."  "Okay naman tayo na hindi madalas nagkikita ah. Hindi na ako magde-demand ng sobra pa sa maibibigay mo lang Erick. Makukontento ako..hindi na ako maghahanap..kaya kong maghintay.. Huwag ka naman makipaghiwalay, huwag naman ngayon.. Please? Huwag ngayon? Kailangan kita..eh." Naisubsob niya ang mukha sa mga tuhod nito nang tuluyan ng mabasag ang boses niya at sunud-sunod na maluha.  " I'm really sorry Sarah.. " " Mahal mo naman ako 'di ba? " Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang mukha nitong nakayuko sa kanya. Lalo siyang napaiyak dahil hindi ganoon ang reaksyon nang gustong makipaghiwalay, dahil sa nakikita niya, parang napipilitan lang ito. Dahil sa nakikita niya, parang higit na mas nasasaktan ito sa nais nitong mangyari.  " Masaya ka naman sa akin' di ba?"  "Erick..they're done. We should go.."  Anang boses na iyon na kay tagal na hindi narinig ni Sarah.  Dumiin ang mga daliri niya sa tuhod ni Erick bago nilingon ang nagsalita. Ilang dipa sa kanila, nakatayo si Mercy. Wala pa din ipinagbago. Maganda, sopistikada..kaakit-akit pa din. Subalit hindi iyon ang nakatawag sa pansin niya. Ang umbok sa tiyan nito na halatang-halata dahil sa suot nitong stretchable shirt ang pumukaw sa mga mata niya.  Nanlalaki ang mga matang tiningala niya ang binata. Sa pagkakataong iyon ay sinalubong nito ang nag-aakusa niyang mga tingin. Sa pagkakataong iyon, kahit na hindi ito magsalita ay makikita ang katotohanan sa mga mata nito.  Nalaglag ang mga kamay niya sa kandungan nito hanggang sa mapa-upo sa masukal na lupa.  "Kailan pa?"  Hindi makapaniwalang tanong niya. Pakiramdam niya ay binibigti siya sa paninikip ng kanyang lalamunan. Halos hindi niya makita ang binata dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata dulot ng luha.  "I'm sorry.."  Ang muling sambit nito. Gigil na dumakot siya ng sukal sa kanyang tabi at saka iyon ibinato ito. Naghahalo sa galit, awa sa sarili at sakit ang nararamdaman niya.  "Puro ka I'm sorry! Wala ka na bang iba pang kayang sabihin kundi iyan? Iyon lang ba Erick!? Kailan pa? Bakit?"  "I didn't mean to hurt you Sarah. I swear..I-" "Tanginang yan,"  Mariing mura niya, maging siya ay nabigla sa lumabas sa sariling bibig.  "Sobrang gasgas na ang linyang iyan Erick. Gamit na gamit na. Wala na bang iba? Huhulaan ko? Hindi mo din ginusto ang nangyari sa inyo?"  Natatawa, naiinis, naiiyak niyang hayag. Halos masabunutan niya ang sarili nang mag-iwas lang ito ng tingin.  "Erick, we have to go. Nasabi mo na ang gusto mong sabihin sa kanya. "  Muling tawag ni Mercy. "Shut up! Ang sabi ko ay hintayin mo ako sa bahay. Bakit sumunod ka pa!?"  Singhal nito sa dalaga.  "Dahil alam kong magtatagal ka. You just have to say it's over. That's it. What's more there is to say?"  "Tama ka, wala na ngang kailangang pag-usapan. Kaya alis. "  Si Lanie.  Gulat na nilingon ni Sarah ang kaibigan na nagtatago lang sa isa sa mga puno hindi kalayuan sa kanila. Mabibilis ang hakbang na lumapit ito sa kanya at itayo siya sa kinasasadlakan.  "Lanie.."  "Iuuwi na kita, huh?"  Ani Lanie at saka siya hinila. Nang hindi siya kumilos ay masama ang tinging nilingon siya nito kaya napa-iwas siya.  "L-Lanie..si Erick..mag-uusap pa kami."  "Nahihibang ka na ba? Tingnan mo nga ang sarili mo? Ano pa ba ang pag-uusapan ninyo? Iisa lang naman ang kauuwian niyon. Wala na! Tapos na kayo. Itatak mo yan sa kukote mo. Hindi kay Erick lang matatapos ang buhay mo. May mas higit pa na naghihintay sa iyo Sarah! " Sa sinabi ni Lanie ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nang pumaling siya kay Eri ck ay nasa tabi na nito si Mercy. Sinubukang lumapit ng binata sa kanya pero pumagitna si Lanie at itinulak ito pabalik. Laylay ang balikat na nagpahila na lang ito kay Mercy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD