"Sorry.."
Iyon kaagad ang sinabi ni Erick oras na makalapit sa kanya si Sarah.
"G-gabi na ah.."
Sagot nito kahit na ba halos alas otso pa lang. Napakamot siya sa pagitan ng mga kilay bago ngumiti nang alanganin kay Sarah.
"It's okay, nagpaalam naman ako kay mommy. And besides, gusto ko talagang ibigay sa iyo ito."
Itinaas niya ang box ng donuts at garapon ng peanut butter cookies na paborito nito.
"Bakit hindi ka pumunta sa canteen?"
Sa halip ay tanong sa kanya. Napabuntong-hininga muna si Erick, nag-iisip kung paano sasabihin kay Sarah na maaga silang umuwi at dahil maaga silang umuwi..ay nag-aya si Mercy na maglibot hanggang sa inabot sila ng takip-silim sa pag-iikot lang sa mall.
"Umuwi kase kami ng maaga eh."
Well, atleast sa bagay na iyon ay hindi siya nagsisinungaling.
"Iyon lang?"
Nananantya pang anito.
"Y-yeah..peace?"
Tanong niya sabay abot sa dala-dala. Atubiling kinuha iyon ni Sarah.
"Tara muna sa loob.."
Pag-aaya sa kanya nito sa loob ng bahay pero tumanggi siya. Most parents are overly protective with their child, especially daughters. Aside from the fact that he's not yet ready to introduced himself as Sarah's boyfriend, he thought that it isn't the right time to announce it. They're young and their relationship isn't as deep and as intimate as any other couples that he knew. He never crossed boundaries, never even tried to. Maybe the closest thing that he did was kissing her on the head, and that's that. And he wants to keep it that way.
So meeting her family..is not yet on the plan.
***
Erick took another stolen shot of Sarah while licking her frozen yogurt and he can't help but smile whenever her face contorted due to pangingilo. She has a really sensitive tooth when it comes to cold food. Second-year anniversary nila. Yup, it's been two years but Sarah didn't change, not even a bit. Shes still the sweet, understanding, short, bubbly little muffin of his.
She jealous a lot, especially when it comes to Mercy, anything about her makes her face sour, lalo na ng malaman nito pareho sila ng kurso at university na pinasukan. Sarah is really fuming and it almost ignites a fight between them.
She's insecure, always uncertain, how much more when she gets to know that he is changing university?
"Erick.."
"What?"
Bahagya pa siyang nagulat nang sundutin nito ang tagiliran niya.
"Anong what? Kanina ka pa tahimik. Sabi ko nood tayong movie sa inyo tapos gagawa nalang ulit ako ng popcorn."
Ungot nito sa kanya. They always do that. Watching movies on their house, instead of going to the movie theater every weekend. It became a habit.
" Sure. Tamang tama, I uploaded a new series. "
Ibinulsa ang cellphone at saka isinuksok ang susi sa ignition ng sasakyan.
"Sigurado ka na wala kang bibilhin?"
Tanong niya bago buhayin ang makina. Saglit na nag-isip si Sarah at saka umiling. Nasa mini stop lang sila, matapos mag-ikot-ikot o road trip Gaya ng gusto nito.
"Okay, doon na tayo sa amin."
Aniya at saka in-start ang sasakyan.
Pagdating sa bahay bumaba lang si Erick upang buksan ang gate at nang mai-garahe na din niya ang ginamit na sasakyan. Sa ganoong paraan din ay na-i-iwasan nila ang ma-tsismis lalo na at minsan wala ang mommy niya sa bahay kahit na ba kilala na nito si Sarah. Model ang mommy niya kaya minsan o madalas ay wala ito sa bahay nila, mas nagtatagal ito sa apartment nito sa Manila kaya tuwing weekends ay lumuluwas siya kapag hindi nakakauwi ang ina.
"Erick, wala na kayong popcorn!"
Dinig niyang sigaw ni Sarah mula sa kusina.
"Dala ka na lang ng chips o kahit anong snacks!"
Aniya habang ikino-connect ang laptop niya sa TV sa silid niya.
Pagdating ni Sarah ay may bitbit na iyong mix ng potato chips sa food bowl at saka sumampa sa kama niya.
"Anong ipe-play mo?"
"The Witcher."
Sagot niya sabay abot sa bowl ng chips nito. Nang magsimula ang palabas panaka-naka niyang silisilip sa sulok ng kanyang mata ang dalaga na mas tutok pa yata sa pagnguya ang atensyon kaysa sa pinapanood. Pero nang ang sumunod na eksena ay love scene na ni Geralt at Renfri ay natigil sa pagnguya si Sarah. Nanlaki ang mga mata nito at hindi malaman kung iba-baba ba ang tingin o itu-tutok sa screen.
Natatawang ibinato niya dito ang unan dahilan upang kumalat ang chips sa kama niya. Naiinis na nilingon siya nito, dinakot ang nagkalat na chips at saka iyon ibinato sa kanya.
"You are wasting food."
Tumatawang ilag niya.
"Kainin mo, wala pang five minutes."
Ismid nito sa kanya.
Nakangising pinulot nga niya iyon isa-isa at isinubo. Inirapan siya nito bago muling ibinalik ang tingin sa TV. Ginaya niya ang pwesto nito at dumapa din pero hindi man lang ay nangangalay na ang leeg niya kaya ipinaling niya ang ulo paharap sa dalaga.
"Galit ka ba. ."
Tudyo niya habang sinusundot ang tagiliran nito.
"Ewan ko sa'yo."
"Bakit ang sungit mo bigla. Nabitin ka?"
Nabura ang ngiti niya nang seryoso siyang harapin ni Sarah. At hindi niya gusto ang dating niyon sa kanya.
"Bakit hanggang ngayon hindi mo pa ako hinahalikan Erick?"
Muntik nang mapa-mura si Erick sa narinig. Nanuyo ang lalamunan niyang bigla at tila nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan.
"Two years na tayo..at kahit minsan hindi ka nag-attempt na halikan ako, maliban na lang sa ulo ko, o sa noo ko. Ano ako lola mo?"
Natawa siya ng hilaw, iyong kulang na kulang sa buhay na tawa, pilit na pilit. Buong akala pa naman niya ay hindi iyon pansin ng dalaga dahil masaya na ito na magkasama lang sila. Nang hindi magbago ang reaksyon ni Sarah ay tumikhim siya, inalis ang paninikip na iyon ng kanyang lalamunan.
"S-Sarah.. '
Umpisa niya bago napakamot sa pagitan ng kilay.
" Mahal mo ba ako? "
Mulagat na napatitig siya dito. Kumunot ang noo niya, napailing at napabuntong hininga. Inabot niya ang remote ng TV at pinatay iyon.
" Anong klaseng tanong iyan? "
" Iyong klase na inaalam kung may nararamdaman ka ba sa akin kahit kaunti lang? "
Balik nito.
"Sa iyo na naggaling diba? Two years na tayo? Questionable pa rin ba iyon?"
"Iyon na nga Erick, two years na tayo..pero, pero bakit ganoon?"
Parang maiiyak na anito.
"Bakit pakiramdam ko kung ituring o tratuhin mo ako parang...barkada mo lang ako eh."
"What the.."
Hindi makapaniwalang anas niya bago minasdan ng mabuti ang dalaga. Mariin niyang inihilamos ang palad sa mukha.
"I'm respecting you Sarah,and kissing is not a measurement or proof to make you believe of how I feel. You're still young."
"Eh bakit iyong iba halos magburahan na ng mukha? Mas bata pa sila kaysa sa atin."
Katwiran nito na hindi malaman ni Erick kung ikaiinit ulo o ng libido niya. Sa huli ay mas pinili niya ang una.
"Hindi sila tayo okay? And do you know what you are asking? If I kiss you..I might ask for more."
"Its just a kiss Erick. Hindi naman nakakabuntis iyon."
Pakiramdam ni Erick ay lolobo ang ulo niya sa pinag-uusapan nila o sa iginigiit ni Sarah. Kung alam lang nito na hindi ganoon ka-simple ang bagay na iyon sa kanya. Pumikit siya ng mariin bago niya ito nilapitan. Hinawakan niya ito sa mga balikat at itinulak pahiga. Walang babala niyang inilapat ang mga labi sa labi nito, kinuha ang isang kamay at dinala iyon sa lugar na higit na mas apektado sa itinatakbo ng pag-uusap nila.
"Do you get it now?"
Mariin at tila mauubusan ng pasensya niyang tanong dito. Nang hindi nakasagot ang nabiglang dalaga ay mabilis siyang umalis sa ibabaw nito.
"S-saan ka pupunta?"
Kandautal na tanong nito bago pa man niya mabuksan ang pintuan.
"Sa banyo!"