Dapit-hapon na nang makauwi si Erick. Nakatulong ang pagkaka-idlip niya sa opisina ng ama upang maibsan ang pagod mula sa mahabang biyahe at puyat sa ilang araw na kawalan ng tulog. Ipina-alam din ni Florence na umalis si Monica kasama ang personal driver nito na si Pol bagay na hindi niya nagustuhan. Ngunit pareho silang walang nagawa dahil nakarating na daw ang dalagita sa Tanay nang tumawag ito sa ama upang ipaalam ang naging pag-alis. Pumukaw sa atensyon niya ang isang hindi pamilyar na sasakyan na nakaparada ilang bloke ang layo mula sa bahay nila. Malakas ang kutob niya kung sino ang nilalaman niyon kung kaya inihimpil niya ang sinasakyan sa likuran niyon, matapos ay bumaba at nilapitan ang sasakyan. Kinatok niya ang bintana niyon, at gaya nang inaasahan ay hindi na siya nagulat sa

