Humugot nang malalim na hininga si Sarah at bago pa magbago ang isip ay tumayo na siya at sumabay sa mga pasahero sa bus na sinasakyan upang makababa sa terminal. Bumalik siya sa Tanay. Matapos siyang dalhin doon ni Monica ay hindi na siya napakali. Walang sandali na hindi lumilitaw sa kanyang balintataw ang imahe ng bahay na orihinal na disenyo niya. Totoong natuwa siya, sino ba ang hindi kung ang pangarap mo lamang noon ay kabilang na sa reyalidad. Patunay lamang iyon na nagsasabi ng totoo si Erick, na ano man ang nangyari sa kanila sa nakaraan ay hindi siya nito kinalimutan. Hindi siya nito lubusang inisantabi. Subalit sa kabila ng kasiyahan na iyon ay ang lungkot. "Sa tabi na lang po Manong." Aniya sa driver ng tricycle na sinakyan patungo sa dating barangay na tinitirhan ng pam

