Nakakailang man ang katahimikang namamayani sa sala ay hindi maialis ni Sarah ang paningin kay Lanie na kasalukuyang naglalapag ng juice sa mesita. Hindi pa din siya makapaniwala na si Archie ang makakatuluyan nito. Wala naman kasing indikasyon na nagpakita ng anumang pagkagusto ang dalawa sa isa't isa. Nagulat pa siya nang padabog na ilapag ni Lanie ang baso ng juice sa kanyang harapan. Nang mag-angat siya ng mukha dito ay pa-irap siya nitong tinalikuran at muling nagtungo patungong kusina. "Pasensya ka na kay Lanie." Natatawang ani Archie. "Nabigla lang iyan," "Okay lang." Sinserong aniya. Maiintindihan niya kung galit sa kanya ang mga ito. "Hindi iyon galit." Tila nabasa ni Archie ang iniisip niya. Minasdan nito ng direksyon patungong kusina. "O, maging ako. Wala kaming alam

