HINDI akalain ni Gail na ang sayang naranasan niya ng gabing iyon ay panandalian lamang at agad na mapapalitan ng malaking problema kinabukasan. Aburidong-aburido ito ng habang nakatingin sa post sa kanyang social media. Kalat ngayong umaga ang litrato nila ni Lothar kagabi. Nawala tuloy ito ng ganang pumasok lalo na ng makita ang hate comments sa isyung kinasasangkutan niya. Kanina pa siya tinatawagan ni Deanna, ngunit hindi niya iyon sinasagot. Tadtad natin ng text ang phone niya mula dito at maging ang messenger nito. Si Lothar naman ay din ito, tinatanong kung okay lang ba siya. Sinabihan din siya nitong huwag munang pumasok dahil maliban sa hate comments ay may mga death treats din itong nababasa. Flood din ngayon ng messages ang messenger niya. May mga nagtatanong kung totoo ba i

