MAAGA SA sampung minuto ng dumating si Lothar sa convenience store upang sunduin si Gail. Sinigurong gwapo at swabe itong tignan sa suot nitong fitted jeans at polo na nakatupi ang manggas sa kanyang siko. Maganda din ang pagkakasuklay ng buhok nito, ayos na ayos at walang makikitang takas na hibla sa noo. Naka-brush-up iyon at mas lalong nakadagdag sa kagwapuhang taglay nito. Pagbaba nito ng kanyang kotse ay nakita nito mula sa salaming dingding ng convenience store ang pagpalit ni Janine sa counter at ang pagtungo ni Gail sa staff room dahil tapos na ang shift nito. Mukhang napaaga din ang pagtatapos ng trabaho nito. Hindi na nag-abala pang pumasok ng store si Lothar at sumandal na lamang sa nakasarang pinto ng passenger seat at hinintay doon si Gail. Bahagya pang kumaway sa kanya si J

