“So, what’s the tea?” Bungad ni Deana ng makapasok ng convenience store. Nakita ni Gail na umupo ito sa isang bakanteng upuan sa loob ng store at hinintay siyang matapos sa pa-punch ng mga binili ng customer niya. Matapos niyang pagsilbihan ang unang customer niya sa umagang iyon ay agad na nagtungo siya kay Deanna. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap ng kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa kanyang isipan ang nangyari sa restaurant na pinuntahan nila ni Lothar. Matapos siya nitong tanong kung pwede ba siyang maging girlfriend nito at sabihan ng ‘I love you’ ay hindi na muli pang nahanap ni Gail ang sariling boses. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ngunit mas nangibabaw ang saya ng mga oras na iyon. Ito ang unang beses nito sa sitwasyong ito. Hindi niya al

