Chapter 2

2237 Words
KASALUKUYANG nakahiga sa kanyang kama si Gail. Tulog na sa kanyang tabi ang kapatid. Puno ng pagtataka ang isipan nito, hindi ito makapaniwala kung bakit hindi ito makaramdam ng takot kay Lothar. Labing-anim na taong gulang ito ng magsimula itong matakot sa kalalakihan. Ang ina nito mismo ang naging dahilan kung bakit ito takot sa mga kalahi ni Adan. Her mom, Gemma Suarez, a prostitute, used her young body to attract men and sold her nude photos to keep them alive. Ilang beses umayaw si Gail ngunit bugbog lamang ang inaabot nito sa kanyang ina sa bawat pagtanggi niya. Luckily, hindi dumating sa puntong mismong puri na ni Gail ang ibinenta nito. Isang kahig, isang tuka lamang ang buhay nilang mag-ina noon, isang sikat na modelo ang kanyang ina ngunit nang magahasa ito nang sarili nitong manager at kumalat sa buong internet ang s*x tape nito ay  itinakwil siya ng sariling pamilya nito dahil sa kahihiyan na dinanas niya. Dahil sa kahihiyan na  iyon ay hindi na muling nakapasok pa nang magandang trabaho ang kanyang ina kaya naman binenta na lamang nito ang sariling katawan upang mabuhay ang sarili. Tutal sira na din naman ang buhay nito. Iyon ang nasa isipan ni Gemma. Her mom never shows affection for her. Siguro ay dahil nabuo lamang siya ng hindi inaasahan. Kaya siguro nagawa niya iyon kay Gail, dahil wala lang ito sa kanya. Saksi ito sa uri ng trabaho ng kanyang-ina. Kitang-kita ng mga mata nito kung anong klaseng babae ito. She never dreamt to be like her mom, ipinangako nito sa sarili na magiging marangal itong babae. Ngunit hindi siya hinayaan ng kanyang ina at ibinenta nito ang kanyang hubad na katawan sa iba’t-ibang lalaki. She used her beauty and slim body for her own happiness and for money. Hindi ito naawa sa kanya at walang pakialam.  Malinaw na malinaw sa isipan ni Gail ang masalimuot niyang nakaraan. She hugged her body and silently cried after remembering her past. The fear is still there, she can still feel the touch of many men in her body. The lustful stare of men in her young body.  Many people envy her soft, angelic, innocent face but they didn’t know how hard she went through from her own mother. Sa isipan nito ay napakadumi niya, markado ng iba’t-ibang lalaki ang katawan niya. Kaya naman hindi nila ito masisisi kung bakit masungit at aloof ito sa mga lalaki.  Ngunit bakit hindi niya maramdaman ang parehong takot kay Lothar? Bakit ibang kaba ang nararamdaman niya? Hindi iyon takot.  Mariing ipinikit nito ang mga mata, ayaw na niyang isipin at problemahin pa iyon. Ngunit hindi niya ito maisawalang bahala, ito ang kauna-unahang may isang lalaking nakakuha ng kanyang atensyon at gusto niyang malaman kung paano ito nangyari. Gusto nitong kompirmahin kung totoo bang wala itong takot sa lalaki o niloloko lang siya ng kanyang utak dahil sa kalmadong dulot ng bughaw na mga mata ni Lothar? Kailangan niya iyong kopirmahin bukas, sa ngayon ay kailangan nitong matulog dahil masyado nang malalim ang gabi para mag-isip tungkol doon. “TALAGA bang mas pipiliin mo na lang magturo kesa pamahalaan ang kompaniyang ibinigay ko sa iyo?” bungad ni Augustine sa kanyang apo na si Lothar nang masilip niya ito sa kanyang silid na kasalukuyang nag-aayos upang pumasok sa Augustine University.  Inalis ni Lothar ang tingin sa salamin at bumaling sa kanyang Lolo. Ngumiti ito habang ibinubutunes ang itaas na bahagi ng kanyang long-sleeves polo.  “My first day at AU is great. I think I’ll give it a shot, Lo.” anito habang ang ngiti sa kanyang labi ay hindi naalis.  Lothar can’t help but to feel excited, he can’t wait to see her again. ‘Gail Suarez’ Inalala nito ang mukha ng dalaga nang makita niya ito sa library. He was taken aback by her beauty. Hindi ito makapaniwala sa itsura ng dalaga, napakaganda nito, kuhang-kuha ang hugis ng mukha, ilong, labi, mata, maging ang kilay ay pareho sila. Maliban lamang sa buhok nito, the woman he knew has long straight hair while her look alike, Gail, has curly soft curls.  “Simula ng dumating ka noong isang araw ay hindi kita nakitang ngumiti ng ganyan. May maganda bang nangyari sa unang pasok mo sa AU?”  Pansin ng abuelo ang kakaibang ngiti sa labi ng kanyang apo. TIla ba bumalik ang saya sa mga mata nito, hindi tulad noong dumating ito na makikita ang lungkot at sakit sa mga bughaw nitong mata. Ngayon ay nagagawa ng ngumiti ni Lothar. “Let's just say that I saw an angel.” Pamisteryosong usal ni Lothar. Napapangiting umiling na lamang ang abuelo. “Last time you saw an angel, I found you with a bleeding heart. Mag-iingat ka sa mga anghel apo.” May pag-aalalang sambit ng abuelo. Lothar chuckled and nodded at him before he looked at himself in the mirror for the last time.  ‘I can’t wait to see you again, minha esposa.’ “LOTHARIO MENDEL, the former CEO of AustMen Clothing Company, second son of a portuegese model Rosana Cotta-Mendel and the President of Mendel Enterprises Company Lorenzo Mendel. He is the youngest highest profit businessman in the philippines. He has over 100 branches of clothing lines around the world. He’s 30 years old and a handsome single man.” Basa ni Deanna sa nasearch nito sa google tungkol kay Lothar.  Hindi naniniwala si Deanna na isang simpleng mamamayan lamang si Lothar kaya naman hindi ito nagdalawang isip na isearch ang pangalan nito sa Google. At tama nga ito, Lothar is not just an instructor. He’s a CEO and the youngest billionaire in town. Ngunit bakit ito nandito ngayon at nagtuturo sa isang university sa probinsya? Hindi ipinakita ni Gail ang interest sa ginagawa ng kaibigan na pangangalap ng impormasyon kay Lothar. Ngunit ang mga tenga nito ay nakapokus sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kaibigan. “Oh my Gahd! Bigatin pala si Sir!” impit na tili nito at sumipsip sa zest-o na iniinom nito.  ‘Half-portuegese? Kaya pala hindi mukhang pinoy at kulay bughaw ang mata.' “Single siya bes!” Bulalas ni Deanna at bahagya pa siyang niyugyog.  They are currently waiting for their next class. At habang naghihintay sila ay ginugol ni Deanna ang oras na iyon sa pagkilala kay Lothar habang si Gail naman ay nagsusulat ng mga pangalan ng mga kaklase nito. Ibibigay niya iyon kay Lothar mamaya dahil yun ang utos nito kahapon. “He is also the grandson of Augustine Del Rosario Mendel, the owner and founder of Augustine University in Sta. Estella.” Patuloy na pagbasa ni Deanna sa kanyang tabi.  “I told you! Hindi pampipitsugin si Sir Lothar. Apo pala siya ng may-ari ng school natin!” dagdag nito.  Binitawan ni Gail ang ballpen na hawak nito at bumaling kay Deanna. Hinablot nito ang chichiryang kinakain nito at nilantakan iyon. Wala namang naging reaksyon si Deanna at nanatiling nasa phone ang tingin nito. Napailing na lamang si Gail, talagang nakapokus ang gaga sa pangangalap ng impormasyon kay Lothar. “Look,”  Lumapit ng bahagya si Deanna at ipinakita ang phone nito. Mula doon ay nakita nito ang isang picture, litrato ni Lothar habang nasa dagat naka swimming trunks lang ito kaya naman nakalantad ang magandang katawan ng lalaki. “Hmm, yummy.” Kagat labing sambit ni Deanna. Hindi naman nagpakita ng kahit na anong reaksyon si Gail ngunit sa loob nito ay hindi niya maiwasang humanga sa magandang hubog ng katawan ni Lothar. Tila ba nanuyo ang lalamunan nito habang sinusuri ang litratong pinakita ni Deanna. Nagtungo ang tingin nito sa gwapong mukha ni Lothar.  He has a perfect jaw shape, sharp and well-sculptured, pointed nose and not so thick red kissable lips. His eyes were deep and a perfect thickness of his eyebrows. He also has a perfect clean cut, bagay na bagay sa hugis ng mukha nito at ang linis nitong tignan.  “Ito ang unang beses na nakita kitang tumitig sa isang lalaki.” Agad na nag-iwas ng tingin si Gail, “I’m looking at the time. 15 minutes na pero wala pa rin si Ma’am.” palusot nito. Agad namang napatingin doon si Deanna at napasinghap. “Yey! Wala na si Ma’am guys! 15 minutes na.” anunsyo nito sa buong klase.  Nagkanya-kanya namang ayos ng gamit ang iba nila kaklase upang umalis na. Maging si Deanna ay nag ayos na din nawala na sa isipan nito ang issueng pagtitig ni Gail sa litrato ni Lothar.  Lihim na napangiti si Gail, kinagat ni Deanna ang palusot  niya. Mabuti na lamang at lagpas kinse minutos na talaga. Hula niya lang iyon kanina. “Tara na! Tambay muna tayo sa field!” ani Deanna at nagpatiuna na itong maglakad palabas ng room.  Inilagay naman ni Gail sa loob ng kanyang backpack ang yellow paper at ballpen nito bago sinundan si Deanna.  “Hindi ba pupunta ka kay Sir Lothar mamaya?” tanong ni Deanna habang naglalakad sila sa hallway.  “Actually, ngayon na.” Aniya. Napatingin naman sa kanya si Deanna. “Sama me!” “Sure!” Natatawang saad ni Gail at nagsimulang kutkutin ang chichiryang hinablot nito kanina kay Deanna. Nabaling naman doon ang pansin ng kaibigan at napasinghap. “Hoy! Pagkain ko ‘yan ha?!” bulalas nito. Natatawang umiling si Gail at inilayo sa kanya ang supot ng chichirya ng tangkain nitong kunin iyon. “It's mine now.” anito at humalakhak bago tumakbo papalayo. GRABE ang t***k ng puso ni Gail, abot langit ang kaba nito habang papalapit sila sa mega faculty. Tinatawag itong mega faculty dahil dito ang opisina ng lahat nang minor subject instructors. Kaya naman kahit hindi sinabi ni Lothar kung saan ibibigay ni Gail ang ipinapagawa nito ay alam agad ni Gail ang tutunguhin nito.  “Sama ako sa loob.” Excited na sambit ni Deanna bahagya pang niyugyog nito ang kanyang balikat. Parang mas gugustuhin na lang ni Gail na si Deanna na ang magpasa niyon. Ngunit may kailangan siyang kumpirmahin, iyon ay kung talagang hindi ito takot sa lalaki. Mas nadagdagan ang kabang kanyang naramdaman ng makitang malapit na sila sa mega faculty.  “Kabado?” Nakangising saad ni Deanna, napansin yata nito ang panginginig ng kanyang katawan.  Hindi naman na iyon bag kay Deanna, alam nitong lagi itong kinakabahan sa oras na may lumapit sa kanyang lalaki o ‘di kaya pinatawag siya ng lalaking instructor nila. Deanna knew how aloof she is with men.  Deanna patted her shoulder. “Relax. Si Sir Mendel lang iyan.” Bulong nito. Kinakalma siya ngunit mas lalo pa itong kinabahan ng muling maisip ang lalaki.  Lalo na ang mga mata nito. His ocean like eyes na tila ba tinatangay siya ng alon sa malalim na parte ng karagatan sa oras na tumingin ito dito.  Nagbuga ng malalim na hininga si Gail, ‘Calm down.’ Pakiusap nito sa sarili at pilit na kinakalma iyon. Hawak-hawak na niya ang yellow paper na pinag-listahan niya ng mga pangalan ng kanyang kaklase. Ramdam niya ang pamamawis ng kayang mga palad.  “Saan ang punta niyo ineng?” Tanong ng Guard ng nasa harap na sila ng mega faculty. Hindi naman na nag-abala pang tapunan ito ng pansin ni Gail at yumuko na lang bago itinuon ang pansin sa sapatos nito. “Kay Sir Mendel po.” Mabilis namang sagot ni Deanna. Mabuti na lang pala at isinama niya ito.  Tumango ang guwardiya. “First column, last row.” Anito na ang tinutukoy ay ang cubicle ni Lothar.  “Thank you po.” si Deanna.  Naglakad na sila papasok ng mega faculty at tinungo ang cubicle ni Lothar. Habang papalapit sila sa cubicle nito ay siya namang pabilis ng pabilis ang t***k ng kanyang puso. Tila ba nabibingi na din ito sa sariling t***k niyon dahil sa lakas.  ‘Kalma…’  Nakita nilang tutok ang atensyon ni Lothar sa kanyang laptop. May kung anong binabasa ito mula doon at bago sila makarating sa kanya ay nag-angat na ito ng tingin. Pumukol sa kanila ang bughaw nitong mga mata ngunit nagtagal iyon kay Gail.  Wala sa sariling napahawak ito sa braso ni Deanna at nakagat ang ibabang labi nito. Ang kanyang mga mata ay tila ba na-magnet ng bughaw na mata ni Lothar. She can stare at him longer. She can’t really feel scared. His eyes bring calm, ang kaninang kabadong pakiramdam niya ay unti-unting humupa habang nakatingin sa kanyang mga mata. Tila ba bumagal ang takbo ng mundo at tumahimik ang kapaligiran. Ang atensyon ni Gail ay nakatuon kay Lothar. She saw how his jaw clenched. Nakita din ni Gail ang pagtaas baba ng kanyang adams apple, at ang bahagyang pagtangis ng dibdib nito. His breezy cool eyes bring an unknown heat in her stomach. Tila ba gumuhit ang apoy na iyon pababa sa kanyang puson.  ‘Ano iyon?’ Nagtatakang tanong nito sa ligaw na pakiramdam na naramdaman.  Kumibot ang kilay ni Gail dahil sa pagtataka at tila ba nabasa naman ni Lothar ang naging reaksyon nito dahil sa bahagyang pag-angat ng gilid ng labi nito.  “Nice to see you again, Gail.” A smile creeps into his kissable lips. ‘Confirm, I’m not afraid of him.’ Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD