LOTHAR’S smile never leaves Gail’s mind. Tila ba nakaukit sa utak nito ang gumuhit na ngiti sa mapupulang labi ng lalaki. Kanina pa sila nakaalis sa mega faculty ngunit tila ba nasa harap pa rin niya si Lothar, nakatitig sa kanyang habang nakangiti. A warm feel occupied her stomach. Hindi nito maipaliwanag iyon, tila ba nakalma ang katawan nito at ang kanyang isipan.
She’s not scared of Lothar, she’s sure of it. Maybe because she can see emotions in his ocean eyes. Kitang-kita nito ang mga naglalarong emosyon doon, she can see safety, assurance and longing. Tila ba may malaking parte ito sa buhay ng lalaki. Iyon ang nakikita niya sa mga mata ni Lothar.
But why did her body react like that? It's not like that kind of stare is full of lust. Isa din siguro iyon upang makampante si Gail at hindi ito matakot sa kanya. Ngunit bakit sa katawan nito ay init ang hatid niyon sa kanya? She’s not that innocent to not know that feeling earlier. The blazing fire that shot down on her lower abdomen.
“Gosh! Mas gwapo pala si Sir Mendel pagnatitigan ng malapitan!” Impit na sambit ni Deanna, hindi naitago ang kilig.
“Those killer jaws! Ang sarap naman halikan no’n! Lalo na ang labi nitong kulay rosas.” Tila ba nananaginip ng gising na usal ng kanyang kaibigan na Deanna.
Hindi napigilan ni Gail na batukan ito at irapan. Hindi na nahiya ang gaga at talagang harap-harapang pinagnanasaan si Lothar sa kanyang harapan. Well, sino pa namang babae ang hindi maaakit sa kagwapuhan na taglay ng lalaki? Para bang isa itong diyos na bumba sa Mount Olympus.
“Mahiya ka nga Deanna. Paalala, isang instructor ang harap-harapan mong pinagnanasaan. ‘Di ka na nahiya sa mga makakarinig sayo.” Pangarap ni Gail.
“Eh ano ngayon! Wala silang pake kung marinig nilang pinagnanasaan ko si Sir Mendel! Makalaglag panty ba naman ang kagwapuhan niya!”
Talaga namang walang pake si Deanna, dahil mas nilakasan pa nito ang boses niya. Tila ba sinasadyang iparinig iyon sa mga estudyanteng malapit sa gawi nila. Si Gail na lamang ang nahiya sa ginawa ni Deanna kaya naman lumayo ito sa kanya at naglakad ng mabilis ng makitang napatingin sa gawi nila ang karamihan sa mga estudyanteng naglalakad din sa hallway tulad nila.
“Hoy, Gail! Napakasama mong kaibigan!” Rinig nitong asik ni Deanna.
Nilingon niya ito at nakitang patakbo itong lumapit sa kanya.
“Nakakahiya ka!.” Bulong nito ng makalapit si Deanna.
Humawak ito sa braso niya at inirapan siya. “Wow ha, ikinahihiya mo pala ako.” Anito at bakas sa tono nito ang pangongonsensya.
“Instructor natin si Sir Mendel! Paano na lang kung may makarinig sa’yong dean at ibang instructor? Nakakahiya ‘yon!” Bulong ulit ni Gail.
“Eh, wala namang nakarinig na instructor. Isa pa, bakit ba hiyang-hiya ka doon eh dapat nga ako ang mahiya dahil ako ang nagsabi?” ani Deanna.
“Walang-hiya ka kaya.” Sumbat naman ni Gail.
“Wow ha! Hello, Gail. Ako ‘to oh? SI Deanna? Kaibigan mo ko simula high school. Parang ‘di mo ko bespren.”
Hindi napigilan ni Gail ang mapahalakhak ng makita pa ang paghawak ni Deanna sa kanyang dibdib habang ang mukha nito ay tila ba kinukumbise siya.
“Oh? Tatawa-tawa pa, ikaw na nga ang nakasakit ng damdamin.” Kunware ay nagtatampong sambit ni Deanna at tumigil sa paglalakad bago humalukipkip.
“Sige, magtampo ka lang dyan ha? Wala akong oras manuyo, gutom na ako. Bye. Have a great time.”
Hindi na hinintay pa ni Gail ang sagot ni Deanna at dire-diretsong naglakad patungo sa cafeteria. Lunch time na at gutom na din ito, hindi na niya kaya pang tiisin iyon dahil nangangasim na ang kanyang tiyan.
“WHAT’S UP, bro?” mula sa kabilang linya ay bungad ni Kramer, isa sa mga kaibigan ni Lothar nang sagutin nito ang kanyang tawag.
Kramer is his childhood friend, matagal-tagal din silang hindi nagkausap at nagkikita dahil sa US na ito nakatira. Doon na din namumuhay kasama ang pamilya nito. Katulad niya ay isa din itong businessman at kilala sa buong US dahil sa tagumpay ng kompanya nito. Kaya naman hindi ito nag-atubling sagutin ang tawag nito.
“Hey, I'm fine bro.” sagot nito bago isinandal ang likod sa sandalan ng swivel chair nito. The whole office is now totally quiet, tanging ang tunog na lamang ng aircon ang naririnig dahil nagkanya-kanya ng lunch break ang mga kasamahan nitong instructors.
“Nabalitaan kong binitawan mo ang kompanyang ipinama sayo ng lolo mo?”
Humugot ng isang malalim na hininga si Lothar. Ang tinutukoy ni Kramer ay ang pagbitaw nito bilang CEO ng AustMen Clothing Company noong nakaraang linggo. Hindi na ito nagulat pa ng malamang nakarating iyon sa kaibigan. Paniguradong pumutok ang balitang iyon sa buong pilipinas at laman iyon ng mga TV channels at radio stations.
“I need to, bro.” Sambit nito.
“Iyon ang puno’t dulo ng lahat.” Dagdag nito.
Lothar knew about the hatred that his brother felt for him. Alam nitong kinaiingitan siya nito dahil siya ang paborito ng kanilang Lolo. Their grandfather never treated them the same, he can tell it because it’s too obvious. Ngunit walang pakialam si Lothar doon, he never liked to be the favorite grandson. Kailanman ay hindi niya ginusto iyon dahil hindi nito gusto ang napupuna sa mga ikinasisiya nitong gawin at ayaw nitong tinuturuan siya dapat niyang gawin. But when it comes to his grandfather, he can’t decline him. He always obeys what he likes, maybe that is the reason why he’s the favorite grandson. Because he’s a coward to make a decision itself. Unlike his brother, who has his own life.
Kramer sighs in the other line. “It’s not. It’s your brother, bro. He’s too competitive in life.”
Hindi makita ni Lothar ang mali sa kapatid tulad ng sinasabi ng kaibigan. Lander is not that bad, nalamon lang ito ng inggit ngunit alam nitong hindi ganon kasama ang kuya niya. Kaya naman kahit gusto nitong magalit dito ay hindi niya magawa dahil alam niyang may pagkakamali din ito. Hinayaan niyang mapunta sa kanya ang buong atensyon ng kanyang Lolo, at makalimutang may isa pa itong apo.
“So asan ka ngayon? What are you now?” Dugtong ni Kramer.
Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ng maalala kung nasaan ito ngayon. “Nasa Sta. Estella ako, bro. I am an instructor right now at Augustine University.” bakas sa boses ni Lothar ang excitement.
“What’s with the excitement in your voice, bro? Anong meron at tila ba ginanahan ka sa buhay?” Kramer chuckled.
Napailing si Lothar na tila ba kaharap ang kausap at napatingin sa kanyang pambisig na relo. “Sa susunod ko na iki-kwento Kram. I need to go now, malapit ng matapos ang lunch time. I need to eat, bro.”
Muling napahalakhak si Kramer. “Damn, you’re eating? Akala ko pa naman kung nagdadamdam ka ngayon kaya kita tinawagan. Mukhang okay ka naman pala.”
“Bro, I can tolerate my heart ache but not my stomach ache.”
“You’re a real man, bro! I’ll call next time then, bye.” Paalam nito bago pinatay ang tawag.
Ipinatong ni Lothar ang fone sa kanyang mesa at napatingin sa laptop nito. He’s done making the attendance sheet. He only needs to print it before giving it to Gail. Hindi mapigilan ni Lothar ang mapangiti maalala ang mala-anghel na mukha ng dalaga kanina.
“I want to see you often, minha esposa.” Lothar whispered with a sweet smile in his kissable lips.
“OH MY GOSH! Is that Sir Mendel?”
Sinundan ni Gail ang tingin ni Deanna, mula sa glass wall ng cafeteria ay tinanaw nito ang soccer field kung saan nakatingin ang kaibigan. Agad na nakita nito ang tinutukoy ni Deanna, sa gilid ng soccer field ay swabeng tinatahak ni Lothar ang daan patungo sa cafeteria. Ang kanang kamay nito ay nakapasok sa bulsa ng kanyang slacks habang ang isa naman ay sumasabay sa galaw ng kanang paa nito. Ang buhok nito ay tinatangay ng malamyos na hangin sa labas. Tila ba isang aktor ng kdrama.
“Ugh! His glorious body can make me pissed on my pants.” bulong ni Deanna habang tila ba nananaginip ng gising na nakatingin kay Lothar.
Napa-iling na lamang si Gail sa kaibigan at muling tinignan si Lothar. Hindi na nakakapagtaka kung maraming babae ang mabighani sa taglay nitong kagwapuhan. Ikaw ba naman ang biyayaan ng ganyan karisma at itsura.
“Gosh! Nakatingin siya sa atin!” Gulat na sambit ni Deanna.
Maging si Gail ay nagulat din ng biglang tumingin sa gawi nila ang lalaki. Ngunit hindi nito ipinahalata iyon ay Deanna. Napalunok ito ng magtama ang mga mata nila, ayon na naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya at ang init na namumuo sa ibabang bahagi ng tiyan niya. His eyes should bring coolness but instead it brings fire.
Napansin nito ang pagngiti ni Lothar at ang pagtaas nito ng kanyang kaliwang kamay bago iniwagayway yun sa direksyon nila.
Napasinghap si Deanna habang siya naman ay napaatras sa kinauupuan nito.
“Did he just wave at us?” Hindi makapaniwalang saad ni Deanna.
Umiwas ng tingin si Gail at pasimple nitong tinignan ang gilid nila. Hindi nito gustong mag-assume but she didn’t see any people looking at Lothar’s direction. It means, sa kanila ito kumaway.
“I think so.” Sagot nito kay Deanna.
Agad naman na kumaway pabalik ang kaibigan nito, hindi pa ito nakontento at tumayo sa kanyang kinauupuan at mas lumapit sa glass wall upang kumaway.
Nakita nitong napatawa si Lothar at mabilis na naglakad papasok sa cafeteria bago tinungo ang table nila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Gail ang mga matang agad na natuon kay Lothar ng makapasok ito ng cafeteria.
“Hey.” Bati nito ng makalapit sa kanila.
“Hi Sir!” Magana namang bati ni Deanna.
Ngumiti lang naman at tumango ito kay Deanna bago inilipat ang tingin sa ganyang gawi.
“Hi.” bati nito sa kanya.
Gail smiles a little bit and greets him back. “Hello, Sir.” Mahinang sambit niya.
“I’m so glad to see you here. Can I share a table with you?” Lothar asked while his eyes were fixed on her. Tila naman kinapos sa hangin ang baga ni Gail sa paraan ng tingin nito.
“Kakain ka din Sir? Sure Sir, may bakante pa namang upuan.” Mabilis na sagot ni Deanna.
Nakahinga naman ng maluwang si Gail ng bumaling ito ng tingin kay Deanna. “Thanks. Kukuha lang ako ng pagkain.” Paalam nito.
Bago pa ito magtungo sa counter ng cafeteria at tinapunan niya muna ng tingin si Gail at umalis.
“What the f-! Makakasabay nating kumain si Sir!” Kulang na lang ay tumili si Deanna dahil sa kilig.
Si Gail naman ay napayuko at napahawak sa kanyang dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso nito at tila ba gusto niyong makawala sa kanyang dibdib. Idagdag pa ang init na namuo sa pagitan ng kanyang mga hita ng dumapo ang mga mata nito sa kanya.
'Good god! His stare can make me wet in a second.'
Pilit nitong binalewala ang nararamdaman. Maging ng maka-upo na si Lothar sa tabi ni Deanna ay kinalma ni Gail ang sarili. Ngunit hindi pa rin nito napigilang mapansin ang galaw nito.
"Here." Sambit ni Lothar at inilagay sa harap nito ang isang in-can coke. Ganoon din kay Deanna, binigyan din nito ito ng coke.
"Thank you." Bulong ni Gail at yumuko bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Thanks Sir! Hanep Sir, maganda ka palang kasama kumain eh! May libreng coke. Sana pala everyday ka naming kasamang kumain." Tumatawang saad ni Deanna.
Napatingin naman si Gail kay Deanna at nilakihan ito ng mata. Hindi na nahiya ito at talagang harap-harapan ng nilalandi si Lothar.
"Pwede naman. Bakit naman hindi?" Sakay naman ni Lothar sa sinabi ni Deanna.
"Talaga Sir? Sure! Bukas Sir hintayin ka namin ni Gail dito sa cafeteria."
At ayon na nga, hindi na nagpaawat pa si Deanna at nilubos-lubos na ang panlalandi kay Lothar.
Tahimik naman na nakikinig si Gail habang kumakain. Wala itong maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa dahil napunta ang usapan ng mga ito sa iba't-ibang movies at anime.
Hindi mahilig sa ganon si Gail kaya naman hindi ito makarelate.
Iniangat ni Gail ang ulo at napatingin sa dalawa sa harap niya. Kumakain ang mga ito habang nag-uusap. Natuon naman ang mga mata ni Gail kay Lothar. Sa mga braso nito hanggang sa napunta ang kanya ng tingin sa kamay ng lalaki. Napansin nito ang mahahabang daliri ni Lothar at hindi niya mapigilang mapalunok dahil doon. Halatang malaki ang kamay nito dahil halos kalahati ng hawakan ng kutsara ang sakop ng kamay nito.
“Is there something wrong with my hands?”
Gail caught off guard, agad itong umiling at nag-iwas ng tingin.
“Are you sure?” Naninigurado nasambit ni Lothar.
Tumango naman si Gail,”Ahm, napansin ko lang kasing malaki pala yung kamay mo.” Paliwanag nito at kinuha ang in-can coke nito at binuksan iyon bago ininom. Aligaga ito at iniiwasang mapatingin kay Lothar.
“Is it?”
Binitawan ni Lothar ang kutsarang hawak at itinaasa ang kamay niyon na tila ba humihingi ng isang high-five sa harapan nito.
“Huh?” Nagtatakang ani Gail.
“Pwede mong sukatin. Is your hand too small?”
Nagdadalawang isip man ay itinaas ni Gail ang kaliwang kamay nito at inilapat sa kamay ni Lothar na nasa kanyang harapan. Ang init ng palad nito ay agad na kumalat sa kanyang ugat at kumalat sa buong katawan nito. His hand are too big for her hand. Para bang kamay iyon ng fourteen years old na bata.
Sa bilis ng pangyayari ay nakita na lamang nito ang kanyang kamay na magkaugnay sa gitna ng mga daliri ni Lothar.
“Your hand is not too small. Tama lang sa mga kamay ko.” Lothar smiles and holds her hand tighter.
Itutuloy...