CHAPTER 3

1844 Words
WARNING: SPOILER⚠ Ilang minutong nagd-drive si Davion ng mapansin kong familiar ang dinadaanan nya. Teka, eto yung party na inorganisa namin kanina ah. Baka naman nagkataon lang na dito rin ang daan. "May problema ba Katana?" agad akong napatingin kay Davion. Katana? Saan nya naman napulot ang pangalang yun? "Wala naman, familiar lang tong dinadaanan mo. San mo pala nakuha yung Katana? It's Catalina." paliwanag ko. Bahagya naman syang natawa kaya't napapasong napaiwas tingin ako. His smile makes me uncomfy. It's melting something in me. Damn you, Mavarina! He's getting married for pete's sake! Kinisap kisap ko ang aking mata para bumalik ako sa katinuan. "Hey, are you listening? I said I think it suits you. It's my favourite melee in codm," napatingin ako sa kanya. "Codm? What is that?" I never heard that before. Is that a movie? "It's a popular game now a days. Specially for teens," aniya. Napatango-tango naman ako. "Interesting huh." "Yeah, I can teach you if you want," saad nya saka ipinarada ang kotse sa parking lot ng Cardigal Hotel and Resort. So dito nga ang pupuntahan namin. I'm right it's the event that Hera organized. "Maybe some other time," nginitian nya lang ako saka bumaba. Syempre bumaba na din ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung aasahan ko pa syang ipagbukas ako. "Good afternoon ma'am, sir. Do you have an invitation?" tanong ng gwardya. Tumango si Davion at binigay ang invitation. Tinanguan kami ng guard kaya't tumuloy na kami sa loob. "Wait up here. My friends is a big fan of you. I'll find them," saad ni Davion. Iniwan nya ko sa isang table sa sulok. Nang makaalis sya ay kumuha ako ng pineapple drink sa waiter na dumaan. Ilang minuto akong naghintay bago ko nakita si Davion. Kita ko rin sa likod nya ang siguro ay mga kaibigan nyang nagtatawanan. "Hi Mavi! I want you to meet my stupid friends," Pagpapakilala ni Davion. Nakatanggap naman sya ng sapok mula sa isa sa mga kaibigan nya. "That's rude bro! Parang hindi kaibigan!" reklamo pa nito. "Hindi naman talaga Kalvin,” pabirong sagot naman ni Davion. Nagtawanan naman sila. I feel awkward, wala man lang akong kakilal-. "Raman? You're here?" bati ko kay Raman. He's my friend. Ang Heir ng mga De Luna. Isa ang pamilya nya sa may pinakamataas na net worth sa buong mundo. Mayamang pakalat-kalat lang. Pag ito talaga nabaril na lang bigla ewan ko nalang. "You know each other?" tanong nung tinawag ni Davion na Kalvin. Andaldal naman nito. Napakaraming humor sa katawan. Tumango naman ako bago sumagot. "He's a friend of mine." ani ko. "That's rude Raman! You didn't even bother to say,” emote ni Kalvin. Sya lang ang nagiingay sa kanila dahil ang ibang kaibigan nyang nagtatawanan kanina ay titig na titig sa akin. Nakakailang. Walang emosyong tiningnan ni Raman ang nage-emote na si Kalvin. "You guys, never asked,” cold nyang saad. Binelatan lang ni Kalvin si Raman. "W-wow, I never expected to really meet you in person. Birthday ko pa," saad ng sa tingin ko ay may kaarawan ngayon. Sabi nya e. "I mean, I meet you in person but I never got a chance talking or just having a short interaction with you," naiilang naman akong ngumiti sa kanya. Feeling ko tuloy ang ganda ko today. "Well happy birthday," nginitian nya naman ako saka nagpasalamat. Isa isa silang nagpakilala at sa tingin ko lahat sila ay mula sa mayayamang pamilya. Sinabi nilang lahat daw sila ay may paghanga sa akin dahil sa kagandahan ko. Okay, haba ng hair ko today. Hindi naman daw totally hinahangaan to the point na gusto ng ligawan. Ang ganda ko lang daw talaga. Hihimatayin ata ako. Akalain mo mga gwapo sa paligid mo tapos sasabihing hinahangaan ka. "You know what? Kanina may tumawag sa akin binisita mo raw itong venue. Pandalas akong pumunta kasi I really want to meet you in person. Kaso di kita naabutan. Mabilis ka lang daw dito. Kaya nga sa MC ako nagpaorganize baka sakali mameet kita kaso yung Hera bungangera ang nagorganize," nabilaukan pa ko ng iniinom kong margarita kaya medyo masakit sa ilong. Nabigla kasi ako sa tinawag ni Mc Jaycee Villarin kay Hera. Hera bungangera talaga? Madaldal kasi talaga si Hera kaya kung naririnig nya tong si Mc, nagbubunganga na yun dito. "Selene Adelson is here. And guess what? She's with a kiddo that look exactly like her," nagpaalam agad sila at umalis sa lamesa dahil sa sinabi ni Kalvin. Pabor naman sa akin dahil kanina pa ko naiilang. "Hindi ka ba susunod duon?" tanong ko kay Davion. Tinititigan nya lang kasi ako kanina pa. Umiling sya saka binalingan ng tingin ang basong hawak nya. "It's rude. I brought you here tapos iiwan lang kita dyan,” sabi nya. Nginitian ko lang sya dahil hindi mapakali ang heart ko. Ewan ko din kung bakit, papacheck-up na nga ko baka nasosobrahan na ko kaka trabaho. Napakunot ang noo ko ng may maalala. Adelson? Nagpapa-organized yun sa amin ng event si Helios diba? Si Cha-cha ang naghahandle nun e, dahil ayoko hawakan. Napatayo ako kaya't napatingin sa akin si Davion. Wala naman gusto ko lang makita ng personal si Selene Adelson, si Helios lang kasi ang kilala ko sa mga Adelson. Ang alam ko kasi ay kapatid sya ni Helios Adelson, ang CEO ng Adelson corporation. Anak ng former CEO na si Mr. Adelson who died a couple of years ago. "Where are you going?" tanong ni Davion. Umiling ako sa kanya. "Gusto ko lang makita si Selene Adelson,” sagot ko. Tumango naman sya saka tumayo na rin. "Samahan na kita." Sinamahan nga ako ni Davion papunta sa mga kaibigan nya na ini-entertain si ang isang babae. Sa tingin ko ay kaedadan ko laman. I'm already 29, hindi halata kasi maganda ako. Sa kandungan nya ay isang cute na cute na batang babae. I saw this kid, omg... my inaanak! Ilang years ko na yang hindi nakikita pero kilala ko sya dahil nagi-skype kami ng nanay nyan. That kid was Estrella's daughter. That was a twin, pero ang babae lang ang nandito. Agad kong inilibot ang paningin ko, nagbabaka sakaling makikita ang kaibigan. Nang hindi ko makita ay nagtipa ako sa mensahe sa kaniya. Where are you? I thought you're also here cause I saw Star here. "I thought you're going to meet Selene Adelson. Let's go,” yaya ni Davion. Tumungo naman ako saka sinabing susunod ako. Tumango naman ito at nauna ng pumunta sa table kung nasaan si Selene at si Star. STRELLA: Omg, thank you. Thank you. Where is that place? I'm going in there. ME: Cardigal Hotel and Resort Nang masabi ko iyon ay lumapit na ako sa table nina Davion. Ngumiti ako sa kanila at binalingan ng tingin ang inaanak kong mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Muli na naman itong umiyak at yumuko. Napabuga naman ng hangin ang mga kaibigan ni Davion dahil mukhang sila ang nagpapatawa rito. Napangiti ako saka lumapit kay Star. Nang tumunghay sya ay kita ko ang pagkislap ng mga mata nya. "Why are you crying my baby." agad itong bumaba sa pagkaka-kandong kay Selene at yumakap sa akin. Naistatwa naman silang lahat na nakatingin sa akin. Mukhang nagulat sila sa ginawa ni Star. "Mommy-ninang. Hindi ko makita si Mommy,” tumayo ako at binuhat sya. Hinayaan ko syang humihikbi sa balikat ko. Panong hindi nya makita ang mommy nya? "Uhm... excuse me, miss. Who are you?" takhang tanong ni Selene. Agad namang tumayo si Davion. "This is Mavarina Catalina Salvacion, Selene. Owner of MC Department,” Pagpapakilala ni Davion. "Wah!!! Sa inyo nagpa-organized ng party si Kuya diba? Can we take a picture, pan-IG ko lang,” pagkasabi nya non ay agad syang nagpicture kahit buhat ko pa si Star. Pagak na lamang akong ngumiti. Naupo na kaming lahat at hinayaan na lamang ni Selene sa akin si Star. Ilang minuto a silang nag-inuman at nagtatawanan. Si Davion ay nakailang shot na rin at nakakatulog na napapasandal and ulo sa bangko. "Mommy-ninang. Ilalayo ako ni Mr. Devil kay mommy. He's so ruthless to my mommy. My mommy is begging on him but he didn't bother to understand." agad akong napatingin kay Star. Who's Mr. Devil? Helios Adelson? Omg! San bang lupalop ng mundo napadpad ang utak ko at nakalimutan kong si Helios ang ex-husband ni Estrella. Estrella got pregnant when she was at 16. Bata pa sya nun. Sobrang tatag ng relasyon ni Estrella at Helios. Pero nag-divorce sila at nagfile si Helios ng full custody kay Apollo ang panganay nila. Sa amin lumapit si Estrella nung panahong wasak na wasak sya. Nung una pinipilit nyang lumaban at makuha ang anak nya. Kaming mga kaibigan nya yung saksi kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya kay Helios Adelson. Tumigil lang sya nung time na nalaman nyang buntis sya at may chance na malaglag ang anak nya kung hindi nya tutulungan ang sarili nya. Nagpatulong na sya sa pamilya nya na makaalis ng bansa. Nang kuhanin ni Helios ang department ko ay gusto ko syang tanggihan. Pero kinonsensya pa ko na para daw hindi kaibigan, gusto kong sabihing matagal ng sira ang pagkakaibigan namin pero pinigilan ko ang sarili ko. Kaya kinuha ko na at hinayaan na lang na si Cha-cha ang magmanage. "May nanggugulo sa labas. Nagpupumilit raw pumasok,” singit na bulong ng gwardya kay Mc pero rinig ko naman. Napatingin ako sa cellphone ko ay dead bat na. Hindi nga pala ko nakapagcherge kanina. Tumingin ako kay Davion na tulog na tulog sa sofa. Lumapit ako kung nasaan si Mc bitbit ko pa rin si Star. Itatanong ko sana kung saan pwedeng magcharge ngunit nakita ko si Estrella nakaluhod sa harap ni Mc. Umiiyak... Agad akong lumapit at itinayo siya. "Do you know her, Miss Mavi?" tanong ni Mc. Tumango lamang ako sa kanya. "Don't you know her? She's..." sasabihin ko sana na sya ang panganay ng mga Javier ngunit pinigilan ako ni Estrella. Napatingin ako sa kanya at umiiling sya. "Ako na bahala rito Mc. Thank you,” saad ko. "Mommy!" tawag ni Star kay Estrella. Niyakap ito ni Estrella saka nagpasalamat sa akin. Nagmadali rin silang agad na umalis. Tinanawan ko muna kung ayos bang nakaalis ang mag-ina bago tuluyang pumasok sa loob. Tinitingnan ko ang mga taong kanina pa nagsasaya rito. Ang iba ay talagang waldas na, ang iba ay talagang tahimik lang, may hindi nag-iinom, at kung ano-ano. Wala namang gumagawa ng kababalaghan, sa taas siguro meron. Nang makabalik ako sa lamesa nina Mc ay wala na si Selene. Saan na kaya napunta yun? Napatingin ako sa wrist watch ko at mag-aalas dos na ng madaling araw. Kailangan ko ng umuwi dahil mag-uusap pa kami ni Elaine bukas para sa wedding ni Davion. Napatingin ako kay Davion na tulog na tulog na. Tinapik tapik ko pa ang pisngi nito para sana gisingin ngunit hindi na talaga ito magising sa kalasingan. Aba! Ayos ah! Kanina lang nahihiya syang iwan ako ngayon naman ay pag-hahatirin nya ko ng lasing? Waw ha! Nakokohiyo nomon!! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD