CHAPTER 2

2453 Words
Simpleng wedding lang ang hinihiling nila. Pero mahirap gawin. Kailangan lang ng mahigpit na security. They want a beach wedding. Kailangang magrent ng whole resort at kailangan ay yung mapagkakatiwalaan. Yung kapatid ng mama ko si Tito Ashan may beach sila pero kailangan ko pang magpaalam. Sikat rin kasi ang Dicestres Island kaya hindi ko pa rin sigurado kung makakarent ako dun. Pero naisip ko rin na mas better siguro kung sa hindi gaanong sikat na Island or kahit basta white beach. Kung sa Dicestres kasi tiyak magtataka ang media sa biglaang pagsara nun. "Miss Mavi. Hindi pa po ba kayo uuwi? Passed 9 P.M na miss sasabay na po ba kayo sa pagsasara?" tanong ni Jaira. Janitress namin, sanay kasi syang 9 pm sya pumupunta rito sa office ko at kadalasan ay wala na ako. "Tinatapos ko lang tong mga paper works ko." hindi ko kasi natapos kanina. Dumating si Xavrina at pumunta pa ko kina Davion. Kailangan na raw kasi 'to bukas. Kontrata 'to at introduction para sa event na gagawin sa Adelson Corp. Hindi ako ang naghahandle nito, ipapasa ko to kay Cha-cha. Baka sumaglit na lang ako sa event. Magpakita lang ang presensya ko roon. Mahirap ang trabaho ko? Oo, medyo. Pero sulit. Eto kasi mismo yung sagot sa pangarap at paghihirap ko. Matapos kong mai-ayos at macheck ang mga kakailanganin bukas para sa presentation nila Cha-cha ay niligpit ko na ang gamit ko. Wala na rin si Jaira dahil tapos na syang maglinis. Nang maayos na ang table ko at naisara ang opisina ko ay dumeretso na ko sa parking ng kotse ko. Paa-andarin ko na sana ang sasakyan ko ng may biglang humarang sa harapan. Magpapakamatay ba sya? Ibinaba ko ang bintana ng kotse sa inilawit ako ulo ko. "Hoi, kung gusto mong magpakamatay wag ka sakin magpabangga. Pupurwisyuhin mo pa ko e," ani ko. Andami ko ng tinatrabaho dadagdag pa sya. Aba naman! Ano sya? Gold!? Jusko naman. "S-sorry. Gusto lang sana kitang makausap," saad nito. Napatingin ako ng tagtagin nya ang itim na subrerong suot nya. Davion? Anong ginagawa nya rito? Gabing gabi naman ata. Pwede namang ipagpabukas. "S-sir Davion? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Masyado naman hong gabi na para bigyan ako ng presensya nyo rito," saad ko. Bahagya pa syang napatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Drop the formality. Hindi ako sanay. Gusto ko lang sanang itanong kung... Kung..." "Kung?" paghihintay ko sa sagot nya. Mukha syang high school na nahihiyang umamin sa crush nya. Kinakamot kamot pa sa batok. Naano ba sya? Natatae? "Free ka ba tomorrow? 7 p.m. Can you come with me?" nahihiya nya pang sabi. Asyumera ba ko kung sasabihin kong niyaya nya kong makipagdate? "It's my friend's birthday. I was actually about to brought my girlfriend but she's not free. I promise my friends i'll brought my girlfriend but she's a non-showbiz. I can't brought her up baka kasi pagkaguluhan sya sa media," mahabang litanya nya. Ang babaw naman ng rason Mr. Lafrente. "Uhm... So ako, okay lang pagkaguluhan sa media?" tanong ko. Nakita kong nataranta sya at naghahanap ng sasabihin. "Okay then, Sir Lafrente. Can you please move, nagmamadali kasi ako," pagkasabi ko non ay tumabi na sya. "See you, Mr. Lafrente." pagkapaalam ko ay agad kong pinaharurot ang sasakyan ko. Hindi naman talaga ako literal na nagmamadali. Nao-awkwardan lang ako kay Davion. Well I shouldn't be. He's getting married anyway. Wait...So tama pala ang tsismis. Non-showbiz ang girlfriend ni Davion. Pero fishy talaga ang galaw nya. He's up to me. Na hindi dapat. He's old enough to know what's right or what is wrong. "Aray ko!" daing ko. Natipalok kasi ako dito sa hagdanan sa pagmamadaling bumaba. Late na ko sa work, okay lang naman kasi ako naman ang boss dun. Bwisit naman kasi. Di ako makatulog kagabi. 3 na ng umaga ko nakatulog. Iika-ika akong naglakad papasok ng MC. Di naman sya kagaya ng mga matataas na building. Isang floor lang sya. Pagpasok mo ay recieving area, may counter kung saan nakapwesto ang tanungan. Konting deretso mo ay opisina ko na. Meron rin kaming maliit na conference room. Alam kong importante ang sekretarya pero wala ako nun.Hindi naman kasi ganoon kalaki ang trabaho ko. Sikat oo, pero as long as I can manage it all by myself. Hindi muna ko kukuha. May mga trabahador rin naman ako na kaibigan ko, minsan ay sila na ang tumatayong sekretarya ko kung kinakailangan talaga. Nang makapasok sa loob ng opisina ay agad na pumasok si Kiera. Sya ang tao sa counter area. "Yes Miss Kiera, what brings you here?" I asked. "Miss Mavi, may naghihintay po sa inyo sa conference. Wala po kasi sa guest list e," pagkasabi nya non ay may iniabot syang papel. Tumango lamang ako sa kanya saka sya lumabas ng opisina. Binuklat ko ang papers na binigay ni Kiera, nakasaad doon ang i-oorganized nina Hera na party. Nagi-start na sila kailangan lang ng pirma para sa payment. Mabilis pa sa alas kwatro kong pinirmahan ito. *kring*kring* "Hello this is Mavarina Catalina, speaking." bungad ko. "Finally, Mavarina! Kanina pa ko tumatawag pero sabi ni Kiera ay wala ka pa raw. Si Hera to," saad nya. Sumadal ako sa swivel chair at pinaikot-ikot ito. "What's the matter?" tanong ko habang tsini-check ang ayos ng kuko ko. Wala palang ayos puro lang hehe. "Yung mga speakers may problema e. Can you come here? Hindi kasi dumating yung mga speakers na bago, sya sanang gagamitin natin dito. Yung natitirang stock naman ng speakers natin ay may problema sa bass," aniyan. Napatigil ako sa pag-iikot ng bangko saka umayos ng upo. "Si Cha-cha ba na-ask mo na? Wala ka bang kilalang mahihiraman man lang?" tanong ko. Saka tumayo. Ni hindi ko pa nahuhubad ang body hug blazer ko ay kailangan ko na agad umalis. Ramdam ko rin ang bahagyang pagkirot ng paa ko ngunit di ko na iyon pinansin. "May kilala daw si Cha-cha kaso di rin daw ganon kaganda ang quality. Kung aarkila naman tayo ng ibang speaker ay sa atin ang bawas ng pera dahil hindi budget ng event owner yun," saad nya at halatang taranta rin sa gagawin. Mamaya na kasi gaganapin ang event, worst thing is birthday party yun. "Sige, I'm on my way," pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang tawag kasabay ng paglapit ni Kiera. "Miss Mavi, nasa conference-" hindi nya pa natatapos ang sasabihin ng dugtungan ko na ito agad. "Deal with it Kiera, if the person really asked for my presence tell her something urgent came up," pagkasabi ko non ay derederetso na kong naglakad palabas. Kita ko sa kanya ang pagtutol ngunit wala syang magagawa. "From MC department." pagkasabi ko nun sa guard ay derederetso na kong pumasok paloob ng hotel bar na pag-gaganapan ng event. "Finally, Mavi!" salubong sa akin ni Hera. "Pano nangyaring hindi dumating ang new stock ng Speakers? Kindly explain it to me Ms. Ramos?" sinimangutan nya ko pabalik at mataray akong tiningnan. "Stranded daw po sa Pier, kagabi pa. Baka mamaya pa daw ang bukas. Hindi na yun aabot kung mamaya pa ang bukas ng Pier" sagot nya sa mataray na boses. Bakit naman kaya magasasara ang Pier ng ganun ganon lang. May bagyo bang hindi ko nalalaman at bigla nalang magsasara ang pier. "I'll try to open my music room. Ask Robert to check if the speaker function was still good." i said. She was shocked to death like i say something she never expected. "That was new. You'll re-open your music room? Okay. Let's go. I'll call Robert na rin." pagkasabi nya nun ay nauna pa sya sa aking pumunta sa kotse ko. Dina-dial nya na rin ang number ni Robert. Sa akin lang sya sasakay dahil wala syang dalang sariling sasakyan dahil nakisakay lang sya sa service ng department. "See you there Robert. Bye." yan na lang ang naabutan kong sinabi ni Hera sa cellphone pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. "Omg, finally friend! Naka move on ka na." tili nya ng makaandar ang sasakyan. Nailing nalang akong mahinang natatawa. "Move-on naman saan?" kunwaring tanong ko kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy nya. It was my ex, my first ever boyfriend, first heartbreak. Matagal na naman yun. Hindi ko malilimutan pero hindi na ko naaapektuhan. "Move-on sa mga pangit mong ala-ala." she said. I just shrugged and keep on driving. It wasn't actually a bad memories, it was good indeed. I won't deny that it makes me happy once. Hindi porke naging ex mo na yung tao or nawala na ang closeness nyo ay tatawagin nyo na agad na bad memories lahat ng naganap sa inyo. Just like my ex-bestfriend. We're now strangers. Why do people keep on falling for someone who got the same vibe? It sucks cause most of them fall for their bestfriend. Tapos pag nawala na kayo. Lahat kakalimutan inlcuding your friendship. "Akin na nga yang swipe card mo. Ang bagal bagal mo buksan e." pagkasabi ni Hera nun ay inagaw nya sa akin ang swipe card at mabilis na isinwipe sa door ng music room ko. Pagkarating na pagkarating namin dito ay atat na atat nyang pinapabuksan ang music room. Nagalit pa sya sa akin kasi di ko agad makita kung saan ko nalagay yung card. Kesyo, bat daw pinapabayaan ko. "Grabi talaga! Sigurado ka bang na-stock na to. Parang bagong tayo lang e. Ang ganda pa ng mga instrument and stuff mo. Parang kahapon lang binili. Wala pang agiw. Parang pati lamok nahihiyang makipasok dito e." manghang saad ni Hera. Kahit naman kasi hindi ko to masyadong ginagamit, inaalagaan ko pa rin naman. Di ko naman to pinatayo para sa ex ko noon. Gusto ko talaga to, nagkataon lang na marami kaming memories dito. Pero that won't bother me, ano sya gold? Ang laki ng gastos dito tapos iaabanduna ko na dahil lang sa memories? Tae nya. "Antagal naman nina Robert, iaayos ko pa to dun sa event e. Uyy! Turuan mo naman ako magpiano. Diba main instrument mo to, tsaka ang violine? Ay guitar din pala. Pota alam mo naman kasi lahat e." nailing nalang ako sa pinagsasabi nya. Naupo si Hera saka binuksan ang piano. Hindi naman lahat ng instrument alam ko. Yung iba konting kaalaman lang. Tsaka yung instrument na meron lang dito sa music room ang alam ko. "Stop that Hera. Nakakarindi." saway ko kay Hera. Kung ano-ano kasi pinapagpipindot nya. Nakakarindi rin kaya. Sinimangutan nya lamang ko saka sinara ang piano. Sunod nyang nilapitan ang flute kong nanahimik. "Wag mong malapat-lapat yang bibig mo dyan Hera. Tatadyakan talaga kita." duro ko sa kanya ng akmang hihipan nya ang flute. "Nye,nye,nye. Napakaarte mo, as if naman mabaho yung hininga ko." pagiinarte nya. "Baka kasi madumi diba. Kawawi ka naman." sarkastikong tugon ko. Binelatan nya lang ako. Sabay pa kaming napatingin sa palabas ng pinto ng may magdoorbell. "Sila na siguro yan. Ako na magbubukas." tinanguan ko lamang sya. Nang makalabas na sya sa music room ay lumapit ako sa flute. Blue Birds ang mahilig kong patugtugin dito. Mahilig kasi ako noon sa anime noon. Ngayon gustuhin ko man siguro pag may free time na lang. One piece, dragon ball, doremon, naruto, slam dunk, ilan yan sa mga paborito ko noon. Sinimulan kong tugtugin sa flute ang blue birds. Tanda ko pa rin pala kung paano. Kala ko nakalimutan ko na sa sobrang tagal e. "Wow!! Ang ganda naman nung tugtog na yun. Saan mo yun narinig? Parang di ko naman naririnig yun. Sa K-drama ba yan?" tanong ni Hera. Nasa likuran nya na sina Robert at ibang trabahador na magdadala ng speakers ko. "Hi Mavi, san ba yung speakers mo?" tanong ni Robert. Tinuro ko ang parang cabinet kung saan nakahilera ang anim na speakers. "Angas nito ah. Tigtatlong patong lang." Tinutukoy nya kasi ang dalawang parang purong cabinet doon nakalagay ang speakers. Bali sa isang kabinet ay may dalawang speakers na nasa baba at may isang nakapatong. Yung kabinet kasi halos sagad na sya sa kisame. May maliit lang na space sa taas. "Ang taas naman netong kabinet na to. Wala namang laman. Tsaka ano ba malalaman mo dito, e wala namang ibang patungan bukod dito sa sahig na pinagpapatungan ng speakers." reklamo ni Hera. Napailing na lang ako. May purpose naman kasi yan. Ilang oras din ang ginugol namin sa bahay dahil sinubukan pa ni Robert kung maayos pa ang speakers. Nung ayos pa daw ay saka pa lamang inilabas doon at dinala sa event. Dumeretso na ko sa MC at dumeretso sa opisina. "Miss Mavi, binigay po yan nung customer na naghihintay sa inyo kanina. Pinsan daw po sya nung nagpapaplano ng surprise beach wedding." iniabot nya sa akin ang calling card. Elaine Hailie Lafrente. Agad ko itong kinontak. Hihingi rin kasi ako nang pasensya. Nakakahiya rin kasi kanina, mukhang matagal rin syang naghintay. Ilang ring din bago nya sagutin ang tawag. "Hello! Ikaw manahimik ka na! Naririndi na ko sayo!" nagulat ako sa biglaan nyang pagsigaw. Nagalit ba sya? Nakakatakot syang magalit kung ganon. "Hello? Miss Elaine? This is Mavarina Catalina Salvacion. I'm sorry for what happen earlier. Biglaan rin kasi kanina e." narinig kong tahimik lang sya sa kabilang linya matapos kong sabihin yun. Nagalit ba sya? "Oww, sorry Miss Mavi. I thought you're someone. Ah. Forget it. Sorry too. It's okay, i still have a lot of time to talk to you. Uhm, maybe I'll come again next time." saad nya. "I need to hung up Miss Mavi, someone's knocking." rinig ko pa ang sunod sunod na katok bago nya ibinaba ang tawag. Ilang oras pa ang ginugol ko sa kumpanya. Nang sumapit ang alas sinco ng hapon ay nauwi na ako. I still have an hour and a half to prepare for the party. I wear a simple black croptop and black rip jeans, i also wear my three inches black heels. Napansin ko ring namamaga na ang bukong-bukong ng paa ko, i can still manage to walk naman. I put a light make up and my silver necklace to lighten up my mood. Nang handa na ako ay bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko. Pilit kong itinutuwid ang lakad para naman hindi ako iika-ika. Sa parking kasi ng MC ang meet up namin. Di nya naman alam kung saan ako nakatira e. Alam nya man hindi naman sya makakapasok. Nang makaparada ako sa parking lot ng MC ay kita ko agad ang pagtunghay ni Davion. Bumaba na ko at pinatunog ang sasakyan ko. Lumapit ako sa kanya at nginitian nya naman ako. "Sorry, nalate ba ko?" tanong ko. Umiling naman sya at nginitian ako pabalik. "Nope, masyado lang akong maaga." pinag bukas nya pa ko ng pinto. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD