Chapter 3

1533 Words
Shyla Chamael Nandito kami ngaun sa conference room dahil may biglaang meeting tungkol sa mga messages na natanggap namin kahapon. Pag uusapan daw ang mga pag babagong magaganap dahil sa mga transitions from different department and branches. Magkakaroon ata ako ng monday sickness dahil kung ako ang tatanungin ayokong dumalo sa meeting na ito at magpanggap na lang na may sakit para may excuse ako. Kaso mandatory daw ang meeting na ito. Wala naman ako magawa kundi ang dumalo. Nasa malaking conference kami na may isang mahabang mesa sa gitna na hugis bilohaba marahil kakasya ang mga bente katao dito at maraming mga upuan sa bandang likod dahil lahat ng mga empleyado ay dadalo sa meeting. Naka upo kami ni Luna,Jessa at ako sa bandang likuran. Nag uusap silang dalawa sa mga bagay bagay at haka haka nila sa pag uusapan ngaun. Samantalang ako ay naka upo at nakasandal habang hawak ang planner at cellphone ko. Isa isa nang nagsidatingan ang mga head ng bawat department at mga empleyado kaya halos hindi na kami mag kasya sa loob ng conference room. Tumayo na si Mam Amanda, siya ang Admin Head at General Manager sa branch namin dito sa Laguna. Nakapwesto na siya sa unahan kung saan malapit ang projector at hinawakan ang Isang microphone. "Good morning everyone, as we all know, we held this meeting just to inform each of one here about the major changes in our company. We all know naman that our Head Branch in Manila is facing a new challenge as we acquired a lot of new projects this year." Hinawakan niya ang Isang papel at inilipat ito sa kabilang pahina habang nagpapatuloy sa pag sasalita. Mataimtim na nakikinig ang lahat sa bawat sasabihin ni Mam Amanda na para bang dun nakasalalay ang aming mga hininga. "Actually this is good news for everyone . Even though we're going to face a huge changes.Pero sa tingin ko, this is a good problem. Why? simply because new projects means more profit to our company. Along with this ay mag kakaroon tayo ng increase, midyear bunoses and other benefits. Nag hiyawan ang ibang mga kasamahan ko ng marinig ang salitang increase at bunos. " Ok that's enough, I'm also happy na masaya din kayo". Nakangiting saad ni Ms Amanda. Napaka amo talaga ng kanyang mukha. Banaag sa mukha niya na may edad na ito ngunit makikita ang pagiging malumay at mahinhin nito sa pag sasalita. Para siyang isa sa mga senator sa senado na nag sasalita. "But along this, is a major changes kagaya ng sinabi ko. Dapat mdaming project kailangan natin ng reinforcement from different branches since tayo ang pangalawa sa malaki ay tayo ang magpapadala ng mga tao sa Manila branch." Nababuntong hininga ako. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko ang lipatan. Napalingon ako Kali Jessa at Luna. Parehas din silang nakayuko at nakikinig. Nagtaas ang isa sa mga katrabaho ko. "Meaning to say dito po kukumuha ng mga ililipat sa Manila?" "Yes that right" "Bakit di na lang po mag hire ng bagong mga employee para sa mga idadagdag na employee" "Actually we considered that option kaso it's time consuming since naka prepared na ang lahat ng projects this year at kailangan ng simulan. Nagtaas ako ng kamay para magtanong din. "How about po sa mga position na mavavacant dito?". "Regarding that Shyla, kung sino naman ang mapipili ay bibigyan ng 2 weeks to endorse yung maiiwanan nila sa mga bagong papalit sa kanila. Magkakaroon din ng koting reshuffle para maassist Yung mga bagong empleyado". "In that case po ba lahat ng malilipat or marereassign is walang choice?" Hanggat maari ayokong lumipat talaga kaya pipilitin kong manatili rito. "Not Exactly pero as much as possible sana ay tanggapin, besides malaki ang benefits na mkukuha ng ililipat marereassigned kaya walang dapat ipangamba". Nababuntong hininga ako dahil lahat gagawin nila para mapapayag. Pero di pa man sigurado na kasama kami. Haka haka palang ni Jessa. Napalingon ako sa dalawa at tipid na ngumiti. "Ok is there any other questions?" Nilibot ni Ms Amanda ang kanyang paningin. Wala namang nag salita kaya nag patuloy pa din ito sa pag papaliwanag. Kasabay nito ay sinabing ilalabas daw ang final names ng malilipat at marere assigned. Sa dami ng sinabi at mga pampalubag loob para sakin ay ayokong umuwi ng manila. Aanhin ko lahat ng iyon kung ang katahimikan naman ng isip at puso ko ang nakasalalay. Matapos ang meeting lumabas na isa isa ang mga empleyado at nag papalitan ng kanya kanyang opinion. Isa ako sa hauling lumabas ng conference room.Lumabas na din sila Jessa at Luna na kasalukuyan nasa unahan ko naglalakad. Sabay silang napalingon sakin. "Ayos ka lang ba Shyla?"Tango lamang ang tangin nasagot ko. "Kaya nga bunso ok ka lang ba? saming ni Luna ayos na malipat malaki din maiipon namin kapag nag kataon. "Ikaw ba ayos lang sayo malipat kung sakali? Pag nalipat tayong tatlo nila Jessa pwede tayong umupa ng apartment na medyo malaki" " Ay oo nga tapos makapag maganda kung may mga gamit na, pero teka gusto mo pa din ba mag dorm or apartment kasi kami ni Luna napag usapan namin na magkasama pa din kami, total medyo malayo din naman ang office kesa sa bahay namin sa Quezon City" "Oo nga kasi ako sa Caloocan pa malayo din kaya maganda maghanap ng within Makati area pero sabi ni Mam Amanda may dorm naman daw for employees at libre lang pero Ikaw na bahala sa ilaw, tubing at pagkain". Isang mahabang buntong hininga lang ang sinagot ko sa dami ng kanilang sinabi. Kaya sabay silang napatit*g sakin. "Dedecline ko pag ako ang napili or resigned". Sabay ngiti at naglakad papunta ng table ko. "Ay taray ni bunso, sa true Jessa mayaman na ata di na kailangan ng anda" Sabay pa silang tumawa ng malakas. Binaliwala ko lang ito at upo na dahil madami pa akong tataposin. Lumipas ang pananghalian at nag mamadali nanaman ang dalawa na lumapit sakin. Mukhang may bagong chismis na nakuha nanaman. "Bunso, halika nasa bulletin board na daw yung list" "Kaya nga ang bilis talaga ni Jessa makasagap ng balita tara na dali".Tumayo ako at hinila na nila ko papunta sa bulletin board at dahil sa dami ng tao na nakatanaw sa anunsyo ay halos nagsumisiksik kami upang makita lang. Nang nasa harap na kami ay hinanap namin ang aming mga pangalan.Inisa isa ko ang mga department na naka lagay at nang makita ko ang Accounting department ay pinababa ko ang darili para hanapin ang pangalan ko una kong nakita ang pangalan ni Luna sumunod ay sakin at sa pinaka baba ay si Jessa. Nababuntong hininga ako. Kung result ito ng CPA tulad ng mkapasa ako dati siguro ay nag lulundag na ko sa saya o tuwa. Pero ito ata ang result na di ako matutuwa dahil ayoko talagang umalis dito sa Laguna. "Hala magkakasama pa din tayong trio!" Napabaling ako kay Luna na mukhang masaya. Tama siya magkakasama pa ding kaming tatlo. "Kaya nga good news na din yun di tayo pinag hiwahiwalay although may hint na talaga ako na magkakasama talaga tayo". Kung sa ibang sitwasyon siguro matutuwa ako kaso magkakasama kaming ililipat sa lugar na pilit kung nilalayuan. Napatingin Sila sakin dahil di pa din ako umiimik. Pero alam kung alam nila na di ako masaya sa mga pangyayari. Iniisip kung mabuti wala man akong dahilan na bumalik dun at lalong ayokong makita ang kahit sinong may kaugnayan sa kanya. Tahimik na ko dito. Nakakalimutan ko na siya. Nakakalimutan ko na nga ba siya o dahil wala lang ang mga bagay o tao na nag papa alala sa kanya kaya mas komportable ako dito. Pilit ko man itago, alam ko sa sarili ko pilit ko lang talaga siyang tinatakasan ng paulit ulit dahil duwag ako na pag nakita ko na siya ay hindi ko mapigilan ang masaktan at higit sa lahat ang mahalin siya. Dati pinangarap ko lang na siya ang una at huling tayong mamahalin ko. Pinaglaban ko pa siya sa mga magulang ko, dahil sa usapan namin nila mama na pwede lang ako mag nobyo kapag tapos na ko ng pag aaral pero dahil dumating siya pinangako ko na makakapagtapos ako kahit na magkaroon ako ng kasintahan. "Uy bunso ano di ka na nasagot sa tanong namin". Nabalik ang isip ko sa dalawang kaharap ko ngaun nasa employee lounge na kami nakaupo. "Kakausapin ko si Mam Amanda, sorry pero gusto kung mag paiwan dito". "Sigurado ka? malulungkot kami ni Luna" " Kaya nga pag isipan mo din yun malaki din maiipon natin tapos magagawa na natin lahat ng travel goals natin" " Oo nga no tapos makapagbibigay pa tayo ng malaki sa pamilya natin". Tipid ko lang silang nginitian. Pero buo na ang pasya ko ang katahimikan ng isip at puso ang nakasalalay. Aanhin ko ang mga yun kung magkakaroon naman ako ng madaming aalalahanin. "Pasensya pero di ko pa taga kayang bumalik" Ngumiti sila at yumakap sakin. Marahil nainiintidihan nila ako. "Dadalaw kami ni Jessa pag wala kaming pasok ha." Tango lang ang tangin nasagot ko. Pasalamat ako at may mga natagpuan akong kaibigan dito na nagpapagaan ng loob ko at sumusoporta sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD