Shyla Chamael
Nasa hospital ako ngaun at kasama si mama nag aanatay sa labas ng operating room. Mabilis akong lumuwas ng Maynila kanina dahil sa tawag ni mama.
I've used the company car to get here. Buti na lang at natuto akong mag drive dahil sa pinsan ko noon. Although we were sixteen that time. Summer nun at wala kaming magawa one week niya kong tinutuan mag drive. Past learner daw ako kaya madaling natuto.
Then last year dahil kinailangan kong gamitin ang leave ko dahil napuna ni Mam Amanda na di ko ito nagagamit at mag dedecember na kaya napagpasyahan kong kumuha na lang ng lisensya para may kabulihan naman ang leave ko.
Pasalamat akong natuto ako dahil sa ganitong emergency nagagamit ko.
Naka upo si mama sa Isang upuan habang ako naman ay nakatayo. Hindi ako mapakali. Walang kasama Sila mama ngaun at dalawa lang sila ni papa sa bahay.
Ang bunsong kapatid ko kasi ay nasa ibang bansa. Kaya sila lang ni papa ang nasa bahay.
Napatingin ako kay mama halata sa kanya na wala siyang tulog na maayos. Kung alam ko lang na may pinag dadaan pala sila sana matagal ko na silang dinamayan. Marahil ayaw din nilang mag alala ako kaya kahit may problema ay hindi nila ito nabanggit sakin.
Umupo ako sa tabi ni mama at pinasandal siya sa aking dibdib. Namumula ang kanyang ilong halatang umiyak ng matagal.Hinaplos ko ang kanyang likod para iparamdam sa kanya na nandito lang ako.
Tahimik lang siyang umiyak at nag aalala. Kinausap ko siya at sinabing magiging ayos din ang lahat. Nang humupa na ang kanyang pag iyak tsaka ko naisip na tanongin siya.
"Ma, ano pong nangyari?"
Hindi ko na kasi natanong kanina ang buong detalye. Basta ang alam ko lang nang sabihin niyang nasa hospital si papa dali dali akong nag paalam Kay Mam Amanda at pinyagan ako, pinagamit pa sakin ang company car para mapabilis ang pag uwi ko. Halos apat na oras din ang byahe ko at diretso na ko sa hospital.
Mahigit limang oras na daw si papa sa operating room dahil biglang tumaas ang blood pressure niya habang inooperahan.
Kaya mas inuna nila ito ng pakamahin para mag stable ang blood pressure niya bago ituloy ang operasyon.
"May sakit sa apdo ang papa niyo, hindi na namin pinaalam kasi sabi ng doktor pwede pa naman madaan sa gamot. Kaso matigas ang ulo ng papa niyo kumakain pa din ng bawal kaya kahit anong inom ng gamot hindi pa rin umiigi. Tapos pumapasok pa din sa trabaho dahil madami daw gastosin. Ang tiyo mo pa binabalak na ibenta ang lupa ng Lola mo sa probinsya kaya hinihikayat ang papa mo dahil sakila nakapangalan. Hindi pumayag ang papa mo at sinabing babayran na lang niya ang parte ng Tiyuhin mo sa lupa. Kaya nag dodoble kayod ang papa mo para makaipon".
Huminga ako ng malalim. Hindi sila humingi ng tulong samin kahit na alam nila na parehas na kaming may trabaho ng kapatid ko.
" Bakit hindi niyo sinabi samin, lalo na sakin. May ipon naman po ako at trabaho pwede natin patulungan"
Umiling si Mama, "Ayaw na namin kayong gambalain ng kapatid mo kasi alam namin ngaun pa lang kayo nakakabawi. Isa pa ayaw na din ng papa niyo na mag isip kayo sa problema namin"
"Ma, pamilya tayo, ang problema sa pamilya pinag uusapan at pinagtutulungan"
Umiyak si mama kaya napayakap ako nang mahigpit. Pilit kong pinapakalma dahil alam kong magkakasama sa kanya at baka pati siya ay mahospital.
Lumipas pa ang Isang oras at lumabas na ang doktor lumapit ito sa amin.
"The operation is successful, ililipat na siya ICU for monitoring. Baka kasi bigla nanaman tumaas ang blood pressure niya. Medyo malalaki din ang mga bato na nakuha namin sa kanyang apdo. And I advised na kailangan ng mahabang pahinga ng pasyente. Monitor his diet to avoid na magkaroon sit ulit nito. So I suggest na bawal ma stress at kailangan ng madaming pahinga. Bukod kasi sa kinakain malaki ang epekto ng stress sa kanya".
"Maraming salamat po doc." Tumango lang sakin ang doctor at nag lakad na papalayo.
Bumalik kami ni mama sa aming upuan.
"Anong gagawin natin mag alala ang papa mo sa lupa ng Lola at lolo mo tapos mababawasan pa ang ipon niya dahil sa gatos dito sa hospital".
Alam kong hindi na pabata ang mga magulang ko kaya siguro panahon naman para kami ang tumulong.
" May ipon naman ako Ma, yun muna ang gamitin natin sa hospital. Yung babayaran sa lupa Kay Tito Edie pagtutulungan na lang namin ni Shamella kakausapin ko siya".
Malungkot na hinawakan ni mama ang mga kamay ko.
" Salamat anak hangga't maaari ayaw namin kayong mamroblema ng kapatid mo lalo na ngaun pa lang kayo nakakabawi".
"Ayos na ko Ma" sabay ngiti sa kanya ngaung may sakit si papa bilang panganay gusto kong makatulong sa kanila. Alam kong hindi sapat ang salitang salamat para sa lahat ng ginawa nila para samin lalo na nang mga panahong lugmok kami ng kapatid ko.
"Nakausap mo na ba ang Kapatid mo nahihiya akong tawagan siya dahil alam kong madami siyang trabaho".
"Ano ka ba mas gusto niyang malaman ang kalagayan niyo kesa sa iniisip niyo na trabaho niya. Kakausapin ko siya mamaya dahil alas tres na nang hapon dito kaya malamang ay madaling araw pa lang doon".Tango lang ang tanging tugon ni mama sakin.
Dinala na si papa sa ICU dahil tumataas ang blood pressure niya kaya gustong mamonitor ng mga doctor ang kanyang lagay. Mahirap na daw, kahit successful ang operasyon iniiwasan nila ang konplekasyon.
Medyo mahal sa hospital na ito dahil semi private. Pero mas ayos na yun kesa naman hindi maagapan. Kinuha ko ang bag ko at sinilip ang passbook ko may halos tatlong daan at dalawang pong libo din ang laman. Ang tantya ko aabotin ng Isang daang libo ang bill namin kaya may matitira pang dalawang daang libo.
Nandito kami ngaun ni mama sa cashier ng hospital pinapaayos na namin ang kwarto na paglilipatan kay papa. Kung magiging maayos daw ang resulta bukas ng mga test niya ay pwede na siyang ilipat sa Isang kwarto o sa ward.
Lumapit ako kay mama na kausap ang isa sa mga staff ng hospital.
"Sa ward na lang po niyo ilagay ang Asawa ko".
"Sigurado kaba Ma?"
"Oo anak Hindi naman ganun kadami ang tao dito sa hospital kaya Hindi siksikan ang ward" Tumango ako dahil alam kong nag titipid kami ngaun. Matapos makipagusap at mag abot ng paunang bayad sa hospital ay nagtungo kami ni Mama sa canteen ng hospital para makapag meryenda.
Tumawag na din ako sa opisina na bukas ng umaga ko na isasauli ang kotse.Hihintayin ko munang maayos ang lagay ni papa bago bumalik doon.
Habang nag memeryenda ay kinausap ko si Mama tungkol sa lupa. Nalaman ko na kailangan ng kapatid ni papa nang malaking halaga para sa negosyo na kamakailan lang ay magkaroon ng problema. Kaya naisip na nitong ibentabang parte niya pero hindi daw pumayag ang papa kaya naisip na lang nitong tumbasan ng pera ang parte nito sa lupa.
" Magkano po ba ang napag usapan nila papa na halaga ng lupa?"
"Aabot daw ito ng tatlo hanggang apat na milyon kaya sinabi ng papa mo na ibibigay na lang sa Tiyuhin mo ang parte nito na isat kalahating milyon. pumayag naman ito at bibigyan ng anim na buwan para maibigay".
" Magkano na lang po ba ang kulang"
"Nasa limang daang libo ang ipon namin ng papa mo kaya kulang pa kami ng Isang milyon. Napag usapan namin na isasangla niya muna ang lupa natin sa bangko para may maibigay"
" Mas malaki ang interest nun Ma, may dalawang daang libo po ako sa bangko bukod na po dun ang pambayad natin dito sa hospital. Kakausapin ko din po si Shamella"
Lumipas ang oras alas syete na ng gabi ng makausap ko ang aking kapatid nag sabi ito na mag papadala ng tatlong daan libo kaya kulang pa ako ng limang daang libo. Nag sisismula ng sumakit ang aking ulo. Saan ako hahanap ng ganong halaga. Naisip ko ang aking mga kaibigan kaso madami din silang problema kaya ayoko ko nang makadagdag.
Bukas susubukan kong kausapin si Mam Amanda baka pwede ako mag loan sa office kahit na magkano at tsaka ko na iisipin yung kulang. Pinag iisipan ko na din Kunin ang alaikum na pag lipat Dito sa maynila para mababantayan ko sila Mama at papa. Siguro panahon na din para mas unahin ko sila. Sa ilang taong nakalipas umaasa ako na hinding hindi na magkukrus ang ang landas namin. Siguro naman makakaya ko na kung sakali.
Kapag dito na ko ulit sa maynila iiwasan ko na lang siguro lumabas labas at mas makasama ang aking mga magulang. Nang sa ganun hindi ko na ko mangamba na makasalubong ko ang sinuman sa mga taong iniiwasan ko.
Alam kong sa iba napa over reacting ko. But still even years have passed the pain still remain. The feeling of being betrayed not just the person you valued as your other half but those friend you treat like your siblings. Betrayal is not a sin that we can easily forgive. Masakit yun Lalo na yung tinuturing mong kaibigan ang gagawa sayo.
Umupo ako at sumandal sa upuan malapit sa ICU. Si Mama nasaloob siya at nakasuot ng isolation gown na may kasama ng mask para bantayan si papa.
Habang nakasandal nag message ang kapatid ko na wala na daw babayaran sa hospital dahil may magbabayad na daw.Tinanong ko ito pero hindi na sumagot marahil nasa trabaho na siya ngaun.