CHAPTER 25: COURTSHIP _ "KEIFFER!" Biglang napalingon si Keiffer at Given habang hawak pa rin nila ang kamay ng isa't-isa. Until... "Sh*t!" She heard a soft tone curse from Keiffer. Kaya saglit siyang napabaling sa binata bago muling ibinalik ang tingin sa babaing parating. Tila kabababa lang nito ng sasakyan, marahil nakita na sila nito habang parating kaya nagmadali agad itong bumaba ng sasakyan nito. Maganda ang babae, matangkad, maputi, makinis at balingkinitan ang katawan. Halos kaidad lang rin ito ni Keiffer o baka mas bata pa sa tingin niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng insekyuridad sa sarili. Lalo nang makita na niya ito ng malapitan, nakatingin ito sa mga kamay nilang magkahawak pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Common reaction, she tried to pull out her hand's

