CHAPTER 26: DESERVING HAPPINESS _ "Ayiii, mukha namang seryoso si Baby Daniel ah? Bakit hindi mo subukan malay mo naman siya na talaga yung taong hinihintay mo?" Saad ni Kath. Nasa loob na sila ng kwarto ng mga oras na iyon at naghahanda nang matulog. "Okay ka lang naririnig mo ba ang sinasabi mo. Irereto mo na naman sa akin yun tao gaya ni Migz." Aniya. "Si Migz alam kong hindi ganun kaseryoso at saka malaki ang respeto sa iyo nu'n at alam niya na hindi mo siya gusto." Naupo na rin si Kath sa kama at sumandal sa headboard. "Ayun naman pala, anong pagkakaiba ni Daniel kay Migz pareho lang silang bata. Gusto mo bang pumatol ako sa isa man sa kanila. Saka kagagaling lang din niya sa failed relationship. Paano kung kailangan lang pala niya ng rebound?" Muli saad niya. "Rebound? Tinanon

