CHAPTER 27: _ Almost one week na ang nakalipas mula nang magtapat ng damdamin si Keiffer kay Given. Subalit nun gabi ring iyon ni-reject niya ang binata. Tinanggihan niya ang pag-ibig nito, pag-ibig nga ba o gusto lang talaga nitong makipaglaro? Mula rin nang gabing iyon hindi pa niya nakikita ang lalaki. Hindi rin niya maamin sa kanyang sarili na namimiss niya ito. Dahil ang totoo walang araw na hindi ito sumalit sa kanyang isip sa kabila ng kaabalahan niya sa kanyang trabaho. Siguro nga kung hindi sila busy nitong huli baka okopado nito ang buong isip niya. Ahhh! Bakit ba hindi ito mawala sa isip niya hindi ba, hindi naman niya gusto ang binata? Nakakaramdam ba siya ng panghihinayang at dapat ba sinunod na lang niya si Kat na dapat binigyan niya muna ito ng chance? "Bakit parang a

