CHAPTER 14: __ Imposibleng hindi siya nakilala ni Mico, lalo lang tuloy nadaragdagan ang nadarama niyang inis dito. Nagawa pa nitong makipagbolahan sa mga babae sa reception nang hindi siya pansin. Hanggang isang empleyadong babae ang lumabas at nakipag-usap naman sa mga aplikanteng naroon. Ito ang incharge na mag-screening sa mga aplikante na papasok for interview. Nang makita nito si Mico agad itong ngumiti at magalang na bumati bago pa nito muling hinarap ang mga aplikante. Patuloy naman siyang naglakad palapit... Ilang sandali pa ang lumipas nang ang isang aplikante na may payat na pangangatawan ang nakipag-usap sa babaeng incharge. Bigla tuloy niyang naalala ang sarili 8 years ago.... Mayroon itong ipinapakita na isang malaking papel na kinuha nito sa pahabang lalagyan

