CHAPTER 15: _ Kahit kailan hindi niya naisip na may magkakainterest na kunin siyang modelo. Kahit pa nga marami ang nagsasabi na maganda naman talaga siya. Kahit simple lang naman siyang mag-ayos at hindi na niya kailangan pa ang makapal na make up para magpaganda. Dahil may natural na daw siyang ganda na namana pa niya sa kanyang ama female version siya nito at si Cheska naman ay sa kanilang ina. Kaya maraming nagsasabi na Hindi sila gaanong magkahawig ni Cheska. Pero hindi pa rin siya kumbinsido para maniwalang p'wede siyang maging modelo. Hindi naman kasi ganu'n kalakas ang loob niya para ipangalandakan pa ang kagandahan niya sapat nang tiwala siya sa sarili. "Sira! Bakit naman hindi eh' maganda ka naman talaga ah? Gandang ganda nga si Migz at Carlos sa'yo no! Palagi na lang

