CHAPTER 18

1456 Words
PAGBALIK NI BRAYSON sa Manila ay agad siyang nagtungo sa sa club, hindi pa naman week end pero may aasikasuhin siya. "Sir Brayson andito ka pala", tugon ni Mayang na nagulat sa pagdating niya. "Saglit lang ako" "Ito po ang card key, tatawagan ko na din po si Jenna... " "No need... Ang amo mo ang kailangan ko, papuntahin mo nalang sa room ko" "Okay sir" Umakyat na siya sa taas, hindi na din siya nagbukas pa ng alak. Inikot niya ang paningin sa buong silid, maayos at malinis. Siguradong nilinis ito ni Jenna. -Naghintay kaya siya sakin noong nakaraan?- Hindi niya ugali ang mag-alala para sa iba pero ngayon napaisip siya kung naghintay ba ng matagal si Jenna sakanya lalo na hindi siya nagsabi na hindi siya darating sa club. May kumatok na sa pintuan, bukas naman iyon kaya pumasok si madam Milana na nakangiti. "Hindi ka ba magstay ngayong gabi sir?" tanong sakanya ng madam. "Hindi... may gusto lang akong sabihin sayo.." "Ano yun sir?" "I want Jenna to be my lover", seryuso niyang sagot. Hindi nakaimik ang kausap niya bagkus ay natulala at nagulat. "Narinig mo naman siguro ako madam Milana, or else I quit in your club" "Pero sir... Iniingatan ko po si Jenna, kaya ko din po siya pinagsusuot ng maskara dahil ayaw kong may mabighani sakanya..." So tama siya, maganda nga si Jenna. Napangisi siya sa pagkasabik na makita ang mukha ng babaeng nagpapatibok ng puso niya. "Isang milyon ang ibabayad ko sakanya... At dodoblehin ko ang renta ko sa club mo..." Napaawang ang bibig ng madam sa sinabi niya. Siguradong papayag na ito sa gusto niya, pera lang ang katapat ng lahat at iyon ang kapangyarihan niya. "Bibigyan kita hanggang sa bumalik ulit ako dito, ilang araw lang ang palugit mo at siguraduhin mong papayag siya sa gusto ko", wika niya at saka na tumayo. Lumabas na siya ng club at saka na tumuloy sa kanyang suite, nahiga siya sa kanyang kama. Naglalaro sa isip niya ang sinabi ni madam kanina na ayaw nitong may mabighani sa iniingatan nitong dalaga. "Makikita ko din ang mukha mo Jenna", bulong niya. Ngayon lang siya nagka obsessed sa isang babae, wala siyang paki alam kung ano man ang estado ng buhay ni Jenna. Kung kailangan niyang iahon sa hirap ang dalaga ay gagawin niya, kaya siya nag offer ng malaki para may magamit ito. Natapos na ang araw ng palugit na binigay ni Brayson, araw ng byernes at excited na siyang pumunta sa club. Maaga na din siyang umuwi at napagusapan nila ni Renan na sa araw na iyon ay malalaman na nila kung sino ang totoong mananalo sa pustahan nila. "Ohhhh pano andito na tayo, eenjoy mo na ang gabing ito bro baka ito ba ang huling pasok mo dito, isang buwan din na hindi ka makakapunta dito", wika sakanya ni Renan. "Tsk ayan ka na naman bro masyado kang nagtitiwala sa instinct mo, ikaw ang mag enjoy ngayong gabi dahil sigurado akong maiingit ka sakin sa isang buwan na hindi ka makakapunta dito", napahalakhak niyang sabi at saka tinapik ang balikat ng kaibigan bago pumasok. Pumunta na siya counter at nakangiting kinuha ang keycard. Sinabihan na din niya si Mayang na papuntahin sa room niya si Jenna. SAMANTALA, nag-aalala naman si Mayang dahil wala pa si Jenna. Nahuli itong pumasok kanina dahil kausap nito ang ninang nitong biglang tumawag dahil pumunta na naman daw ang tiyo nito at naniningil na. Nauna na siyang pumasok at ipinaalam may madam ang nangyari sa kaibigan, ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pang Jenna na dumadating. Nagtext na ito kanina na paalis na iti ng bahay. Dalawang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa niya nakikitang umakyat ito. Nagulat siya sa pagtunog ng intercom dahil mula ito kay Brayson. Agad niyang sinagot at sinabi nito na kailangan na niya si Jenna. "Sir pasensya na po late si Jenna ngayon, wala pa po kasi siya", kabado niyang wika. "Okay, papuntahin mo ang amo mo dito", utos ng binata at saka na siya nito binabaan. "Nakuuu ito na nag kinakatakot ko, baka tanggalin na si Jenna", kinakabahan niyang bulong sa sarili. Tinawagan niya si madam Milana at agad namang pumunta ang amo niya sa kwarto ni Brayson. Pagkaraan ng ilang oras ay nakatanggap siya ng text mula kay Jenna na nasa staff room na ito, agad siyang tumakbo papunta sa staff room at nakasalubong ang nakabihis ng si Jenna at nagmamadaling isinusuot ang masakara nito. Na traffic pala ang kaibigan niya kaya ito natagalan. "Kinakabahan ako para sayo Jenna", saad niya. "Bakit? Galit ba si sir?" "Pinapunta ni sir Brayson si madam sa room para kausapin, baka tungkol sayo ang paguusapan nila" "Ganun ba? Sige pupunta na ako doon makikiusap nalang ako at hihingi ng isa pang chance" "Sige" Pinagmasdan niyang tumatakbo si jenna papunta sa kinaroroonan ni Brayson, ng bumalik na siya sa counter ay lumapit si Renan sakanya. "Hi May-anne", wika nito. "Anong kailangan mo sir?" "Ahm gusto ko lang sanang itanong kung bakit laging naka maskara si Jenna?" "Ahm iyon po ang utos ng amo namin" "Curios lang ako, hindi ba siya maganda? Hindi ba siya kaakit akit kagaya mo?" "Nagkakamali ka sir, kaya inutos ni madam dahil iniingatan niya si Jenna, ayaw niyang may mabighani sa ganda ng kaibigan ko" Nagulat ang binata sa sinabi niya, napakamot ito sa ulo at umiiling iling. "Bakit sir may problema ba?", tanong niya. "Talo ako kay Brayson nito" "Bakit naman sir? Ahhhhh pinagpustahan niyo si Jenna kung pangit o maganda?" Tumango ang binata. "Kung ganun sir talo ka kasi maganda talaga si Jenna, bukod sa sexy ay mabait at masipag pa", pagyayabang niya sa kaharap. Mukhang talo talaga sa sugal ang binata dahil sa ayos nito ngayon, ininum niya ng isahan ang aalak na hawak nito at saka na umalis at nagsasayaw na. Natawa nalang si Mayang sa ayos ni Renan, ang dali lang kasi nitong husgahan ang babaeng nakasuot ng maskara. KINAKABAHAN SI JENNA HABANG PAPUNTA sa room ni Brayson, panay ang buntong hininga niya hanggang sa makarating siya sa pintuan. Kakatok ba sana siya ngunit siya namang paglabas ni madam Milana. "Ma'am sorry po kung nahuli ako, na traffic po kasi ako, galit po ba si sir?" "Jenna, hindi ba kailangan mo ng pera para mabawi ang kapatid mo?", tanong ni madam sakanya at hindi na sinagot ang tanong niya. "O... Opo ma'am" "Gusto kang bayaran ni Sir Brayson para maging kalaguyo niya sa hating gabi habang nandito siya sa club natin.... Isang milyon kada buwan Jenna... Malaki na iyon at mababawi mo na ang kapatid mo" Nagulat siya sa sinabi nito, isang milyon kada buwan kapalit ng kanyang serbesyo at puri. Nanginig ang katawan niya dahil hindi niya iyon magagawa, katumbas ay ibebenta na niya ang kanyang katawan. Malaking halaga na iyon para mabawi niya ang kapatid sa kamay ng lapastangan niyang tito. Pero hindi makakaya ng konsensya niya na ibenta ang sarili. Umatras siya habang nakatitig kay ma'am Milana. "Im sorry Jenna pero nakipagkasundo na ako kay sir Brayson, ayuko ding mawalan ng costumer lalo na siya dahil malaki ang binabayad niya sa club natin. Jenna tanggapin mo nalang ang offer niya malaking tulong iyon sayo..... Sige na pumasok kana..." Binuksan nito ang pinto at nakita niyang nakatanaw sakanya si Brayson, walang pagbabago sa pagtingin nito sakanya, malagkit ngunit walang halong malesya na para bang iniingatan siya nitong titigan. Tumayo ito at lumapit sakanila, sumadal ito sa may pintuan at saka siya nito tinignan. "Be my Midnight Lover Jenna please....", saad ng binata. Bakas sa tono ng boses nito ang pagsusumamo at paglalambing, ngayon niya lang ito narinig na nagsalita sa ganung tono. Kilala niya ito sa pagiging malamig nitong makipag-usap at walang kasigla sigla at parang binabayaran ang bawat katagang lumalabas sa bibig. Hindi niya kayang ibigay ang hiling nito kapalit man nito ay malaking halaga ng pera, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay ang pagmamahal niya sa kapatid na nais niyang iahon sa nararanasan nito ngayong kalbaryo. "I want you to be mine..." bulong nito sa taenga niya at nagbigay ng kakaibang kilabot sa buo niyang katawan. "S... Sir..." "After this I can give you the money, pero siguraduhin mong pagsisilbihan mo ako sa loob ng isang buwan, sa susunod na buwan makakatanggap ka ulit ng isang milyon at tuloy tuloy iyon hanggat gusto kitang maging sakin" Pumikit siya dahil kailangan na niyang magdesisyon ngayon din, ang isip niya ay tumututol pero ang puso niya ay sumasang ayon. Bahala na! Ang mahalaga sakanya ngayon ay ang kapatid niya kaya ni isang salita bilang pagtutol ay walang lumabas sa kanyang labi. SA WAKAS AY MATUTUPAD NA ANG GUSTO NI BRAYSON, ABANGAN PA SA SUSUNOD NA KABANATA ANG MGA MANGYAYARI.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD