GANADO SA TRABAHO SI Brayson, napapansin iyon ni Renan kaya maging ito ay nagtataka. Hindi naman ito katulad noong dati, bihira nga lang ngumiti at laging nakasimangot. Pero ngayon ay ibang iba ang awra nito.
"Abaaaa mukhang lalo ka pang pumupogi boss", minsan ay biro sakanya ni Renan.
"Talaga ba?", paniwalang paniwala naman siya at saka tumingin sa salamin na nasa gilid ng opisina niya.
"Oo, mukhang inspired ka yata ah"
"Halata ba?"
Natawa si Renan sa sinabi niya, sa itsura kasi niya ngayon ay masasabi talagang inlove na siya.
"Sabi ko na nga ba, sino ba yang babae na yan at parang ginayuma ka yata?", natatawang tanong ni Renan.
"No hindi niya ako ginayuma, talagang nabighani ako sakanya", kumurap kurap pa ang mga mata niya.
"Sino nga yan?"
"Yung bago kong waitress"
"Si Jenna?!"
"Exactly!", agad niyang sagot dahil nabuhayan siya ng marinig niya ang pangalang Jenna.
"Yung naka maskara?, paano ka naman nabighani doon eh hindi mo pa naman nakikita ang mukha?", nagtatakang tanong ni Renan.
"Her angelic voice, her figure, her long wavy hair, her smell...."
"Ahhhhh kaya naman pala ganyan kana maka obsessed sa babaeng iyon, eh paano kung sa mga binanggit mong yan ah may deperensya pala sa mukha?"
Natigilan siya..... Nag-isip ng bahagya...
"Malalaman ko din yan", nakangisi niyang sagot.
"Paano naman?"
"Basta ako ang bahala, gagawa ako ng paraan para mapatunayan kong mali yang iniisip mo tungkol sakanya"
"Okay, pustahan pa tayo"
"Anong pusta mo?"
"Hindi ako iinom ng isang buwan, ipag dradrive kita kapag pupunta ka sa club, at hinding hindi ako papasok sa club.... O marami ba iyon ha"
"Sige deal.... At kung tama ka nga ililibre kita ng isang buwan sa club at magiging driver mo din ako at hindi ako papasok sa loob ng club"
"Deal"
Nagkamayan silang dalawa patunay na sumasang ayon sila sa isat-isa.
Araw palang ng huwebes ay kailangan niyang umuwi sa probinsya dahil kailangan niyang asikasuhin ang negosyo nila doon. Tumawag kasi ang kanyang ama na nalaman na ng kanyang kuya Brayll ang totoong pagkatao ni Cassy at ang nangyari sa asawa nito.
May mga importante pa namang meeting ang kanyang kuya kaya naman kailangan niyang isarado ang deal mula sa mga investors ng kanilang resort sa probinsya.
Pagdating niya doon sa resort ay deretso siya sa conference room kung saan naghihintay ang secretary ng kanyang kuya at ang mga investors. Dahil matalino siya ay nagawa niyang natapos ang meeting ng mas maaga at nakuha niya ang tiwala ng mga investors.
Pagkatapos ay kinausap siya ng kanyang kuya dahil sa nangyari. Hindi na din muna siya bumalik sa Manila at nagpalipas nalang ng weekend sa bahay nila.
NAKABIHIS NA SI JENNA pero wala paring hudyat na pwede na niyang puntahan si Brayson sa VIP room nito. Dalawang oras na ang nakakalipas at nag-aalala na din siya, dati ay maaga itobg pumupunta. Alas nuwebe palang ay andito na ito pero ngayon alas onse na ay wala pa.
Nasa staff room parin siya ng biglang pumasok si Viola. Masama ang tingin nito at nakapa meywang na lumapit sakanya.
"Ikaw pala ang nang agaw ng costumer ko!", sigaw ni Viola at agad siya nitong sinampal
Nahilo siya at mabuti nalang nakakapit siya sa pintuan dahil kung hindi ay napasubsob na siya sa sahig dahil sa lakas ng sampal ni Viola. Naramdaman din niyang nagiinit ang pisngi niyang dinapuan ng palad ng dalaga.
"Hayop kang babae ka, ako ang nauna kay sir Brayson tapos aagawin mo lang?!", muling sigaw ni Viola.
Ng makabawi na siya ng lakas ay hinarap niya si Viola.
"Hindi ko siya inagaw sayo! Siya ang pumili sakin at naki-usap kay madam na ako ang magiging waitress niya!", sagot niya.
"Sinungaling!", itinaas na naman ni Viola ang kamay nito para sana sampalin siya ulit pero dumating si Nico.
"Itigil mo yan Viola!", sigaw ni Nico.
"Huwag kang makialam Nico!"
"Sige saktan mo pa si Jenna ako na ang makakalaban mo!"
"At bakit mo siya pinag tatanggol huh?, Girlfriend mo ba yan"
"Oo, kaya tigilan mo na siya!"
Parehong nagulat ang dalawang babae sa sinabi ni Nico.
"Arghhhh", gigil na sigaw ni Viola saka na lumabas ng staff room.
Si Jenna naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig at halos hindi na makagalaw.
"Okay ka lang? Pula na ang pisngi mo ohhh", alalang tanong ni Nico sakanya.
"Bakit mo sinabi yun?", nagtataka niyang tanong.
"Para tigilan kana niya Jenna"
"Pero bakit siya parang takot sayo?"
Hindi sinagot ni Nico ang tanong niya, bagkus ay hinila siya nito palabas at pumasok na sila sa kusina.
"Anong ginagawa mo Nico, may trabaho pa ako hindi pa dumating si sir Brayson!"
"Hindi na siya darating, pinatawag ka ni mom.... Ni madam para dito kana sa kusina dahil hindi darating si Brayson"
Napakunot noo siya sa sinasabi ni Nico, at hindi niya tinatawag na sir si Brayson. Anong meron?
Kumuha ito ng yelo at binalot ng maliit na towel saka nito ilinapat sa kanyang pisngi. Nagkatitigan sila at bakas sa mga mata ni Nico ang pag-aalala.
Pagkatapos ay nagbihis na din siya ng uniform niya pang kusina at nagumpisa ng nagtrabaho. Hindi niya alam kung bakit malungkot siya ngayong hindi dumating si Brayson.
Excited pa naman siya kanina at maaga pa siyang nag-ayos, sumiksik sa isip niya na siguro nanghihinayang lang siya kasi wala siyang makukuhang malaking tip ngayon. Nagfocus nalang siya sa trabaho niya.
Habang naglalakad sila ni Mayang pauwi ay naalala niya si Nico, kaya naman ay nagusisa siya sa kaibigan.
"Mayang, may iba ka pa bang alam tungkol kay Nico?" seryuso niyang tanong.
"Hmmm bakit mo natanong? nagkaka interesado kana sakanya nuh!?", sagot naman ni Mayang.
"Hindi nagtataka lang ako kanina, kasi sinugod ako ni Viola tapos.."
"Sinugod ka?! Anong ginawa niya sayo?!.... Teka bakit pula yang pisngi mo??", derederetsong tanong ni Mayang sakanya.
"Sinampal niya ako dahil daw inagaw ko si sir Brayson sakanya"
"Walang hiya talaga yung babaeng yun"
Gigil na gigil si Mayang.
"Mabuti nalang at dumating si Nico, pinagtanggol niya ako at ang sabi pa niya na girlfriend niya ako kaya parang natakot si Viola at umalis nalang"
"Ano?!"
"At bigla pa niyang tinawag na mom si madam Milana pero binawi din niya..."
"Naku huwag mo ng pansinin yun"
"Pero Mayang kakaiba talaga si Nico eh, napapansin ko na yan matagal na parang renerespeto siya ng mga kasama ko sa kusina"
"Ganun ba"
"May alam kaba tungkol sa pagkatao niya?"
"Anak siya ni madam"
"Huh?!"
"Iyon ang totoo Jenna, pero ayaw lang ni Nico na ipahalata kasi gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, kaya nagpapakahirap siya sa pagiging cheif ng club gayong pwede naman niya itong imanage. Pinapamana na sakanya ni madam ang club pero ayaw niya dahil gusto niyang maging independent. Iyon din ang dahilan kaya bumukod si Nico at hindi siya tumatanggap ng kahit anong pera kay madam", paliwanag ni Mayang.
Sa sinabi ng kaibigan ay naliwanagan siya, nakaramdam din siya ng hiya dahil akala niya ay simpleng tao lang si Nico pero anak pala ito ng amo nila.
"Hoy okay ka lang?", biglang tanong sakanya ni Mayang.
"Nakokonsensya lang ako Mayang, pinagtatabuyan pa natin si Nico yun pala anak siya ng amo natin"
"Ano ka ba, okay lang yan, iyon naman ang gusto niya kaya ipakita din natin na simpleng tao lang siya sa pamamagitan ng pakikitungo natin sakanya".
"Oo pero.."
"Kaya ayaw niyang malaman mo ang totoong pagkatao niya kasi alam niyang ganyan ka mag-isip"
"Parang nakakailang na tuloy"
"Okay lang yan ang isipin mo hindi siya anak ng amo, na ka level lang natin siya bilang empleyado sa club"
Tumango na lamang siya bilang tugon sa winika ng kaibigan. Pero hindi parin niya alam ang gagawin kung paano pakitunguhan si Nico ngayong alam na niya ang totoong pagkatao nito.
Nakarating na sila sa kanilang apartment at napasulyap siya sa pintuan ng apartment ni Nico. Naka padlock parin ito at ibig sabihin ay hindi pa nakakauwi, bumuntong hininga nalang siya at saka na pumasok sa loob ng kanila apartment.
KAILAN KAYA ULIT MAGKIKITA SINA JENNA AT BRAYSON? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA....