CHAPTER 16

1361 Words
NAG OVERTIME NGAYON SI Brayson dahil maraming papeles ang kailangan niyang asikasuhin at pirmahan, umpisa na ito na makilala ang kanyang hotel and Resort sa Manila. Marami na ang nagiinvest at kailangan niyang busisihin ang mga ito. Next week ang meet and great niya sa mga investors kaya kailangan ay mareview niya ang mga proposals ng nga ito. Sa nasabing event ay i aanounce niya ang mga investors na tinaggap niya. Halos lahat naman ay magaganda ang mga proposal pero kailangan lang niya talagang pumili, gusto niyang tapusin ang mga ito bago mag week ends dahil kung hindi, siguradong magtratrabaho siya hanggang linggo. Isa pamg dahilan kung bakit gusto niyang matapos ngayong gabi ay ayaw na niyang may iniisip pa kapag nasa club na siya at makasama si Jenna. Gusto niya ay panatag ang kalooban niya habang kasama ang kanyang bagong waitress. Alas dyes na ng gabi ng umuwi siya, hindi na niya kasama si Renan dahil pinauna na niya itong umuwi, hindi daw ito pupunta sa club. Pero alam niyang nagsisinungaling lang ito, kilala niya ang kanyang kaibigan, mamaya makikita na niya itong sumasayaw kasama ng mga pinsan nito. Umuwi muna siya sa kanyang suite para magpahinga ng kunti at saka siya maliligo. Habang nasa shower room siya ay napaisip siya. "Bakit ko nga ba ito ginagawa? Am I inlove with that woman?", tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang puso, mabilis ang kabog nito habang iniisip si Jenna. Hindi naman siya ganito noon, wala siyang paki alam sa mga babae at kahit sino ay hindi niya iniisip. Pero ngayon kakaiba si Jenna sakanya. Pagkatapos niyang nag shower ay nagspray siya ng mamahalin niyang pabango, hindi niya ito ginagamit at ngayon nga lang nabuksan. Galing pa ito sa kanyang ama na galing sa Italy noong nagbakasyon ito. Linabas din niya ang bago niyang tshirt na binili pa niya noong nakaraang taon, halos lahat ng suot at ginamit niya ngayon ay bago, bumili din siya ng wax para sa buhok niya. Ng natapos na siya ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, napangiti siya dahil sa ayos niya ngayon. Bakat na bakat ang matipuno niyang katawan sa suot niyang tshirt. Napaka gwapo niya sa gabing ito at sigurado siyang mapapansin iyon ni Jenna. "Mapapansin kaya ako ni Jenna sa ayos ko ngayon, sana naman oo", nakangiti niyang sabi sa sarili at saka na kinuha ang leather jacket niya Hindi kotse ang gamit niya ngayon kundi ang kanyang sport bike, nagsuot na siya ng helmet at saka na pumunta sa club. Pagpasok palang niya ay napansin na niya ang mga kababaihan na napapalingon sakanya, nagpapakita sila ng motibo para lumapit siya pero deretso lang siya sa cashier. "Hi May-anne, i need my keycard", saad niya kay Mayang. Maging ang dalaga ay nagulat sa ayos niya, ito kasi ang unang pagkakataon na pumunta siya sa club na ganito ang damit. Dati parang magtratrabaho parin siya sa suot na polo at minsan ay naka suit pa siya. "Okay ka lang?", tanong niya ulit kay Mayang. "Ahhh O... Okay naman po sir... Heto po ang card niyo", sabay abot ni Mayang ng keycard sakanya. "By the way nakita mo ba si Renan?" "Oo sir andoon sila banda", at itinuro nito kung saan nakatable sila Renan. "Okay thanks, sabihan mo na si Jena puntahan na niya ako" "Okay sir" Umakyat na siya sa second floor, kakaiba ang pakiramdam niya ngayon habang papasok sa loob ng vip room. May kakaiba siyang sigla at saya dahil anong oras ay makikita na niya si Jenna. "Sana hindi na siya naka maskara", hiling niya. Maya't-maya ay may kumatok, tumayo siya at inayos ang tindig saka binuksan ang pinto, ngunit hindi ang babaeng inaasahan niya ang bumungad sakanya. "Good evening sir", bati sakanya ni Viola at saka na pumasok sa loob. "Anong ginagawa mo dito?", nagtataka niyang tanong. "Sir? Ako ang waitress mo kaya andito ako" "Ahhhh hindi ka sinabihan ng madam mo na simula ngayon hindi na ikaw ang waitress ko?" "Anong ibig mong sabihin sir?" "Hindi ba malinaw sayo? Ayaw na kitang maging waitress ko... So get out" Tamang tama na may kumatok kaya agad niya ulit itong binuksan at si Jenna na ang nasa labas ng pintuan. Kailangan pa niyang sigawan si Viola para umalis, narinig tuloy ni Jenna. Ano nalang ang iisipin nito, baka matakot sakanya. Nawala ang galit niya ng makita na si Jenna, kahit nakasuot ito ng maskara ay nahahalina parin siya dahil sa boses nitong malambing. Hindi na din ito nakadress, mabuti kung ganun para hindi na ito mahirapan pang gumalaw. Tinanggal niya ang suot niyang damit at naupo na siya sa couch at nagpalagay ng alak sa baso, inaya pa nga niya si Jenna na umupo sa tabi niya pero parang naiilang naman ang dalaga. Kahit nakakaramdam siya ng lamig na dumadampi sa balat niya ay hindi niya ito iniinda dahil sa loob niya ay nagiinit siya. Gusto niyang malasahan ang labi ng babaeng pinagpapantasyahan niya, pero baka magalit ito at layasan siya. Kaya naman ay nagtimpi nalang siya at nakuntento na siya na hawakan ang kamay nito. Ngunit nararamdam niya na kinakabahan si Jenna kaya pinakalma niya ito, hindi naman ito pumapalag habang hawak niya ang kamay nito. "Okay ka lang", tanong niya kay Jenna. "Hmmm kasi sir, wala pa pong nakakagawa nito sakin kundi..." "Ako lang?" "Opo" Oh my gosh! Natuwa siya sa narinig, siya lang ang unang nakahawak sa kamay ng dalagang ito. Ibig sabihin ay hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Sobrang saya niya dahil ang babaeng una niyang nagustuhan ay kagaya din niyang wala pang naging karelasyon. "Don't worry, pareho tayo", saad niya. "W... Wala ka pang naging babae sa buhay mo sir?", nagtataka nitong tanong. "Wala pa kundi ikaw lang ang unang babae na linapitan ko" Tumawa si Jenna sa sagot niya, hindi ba ito naniniwala sa sinabi niya, eh totoo naman. "Sa gwapo mong yan sir, mayaman at nasayo na ang hinihiling ng isang babae wala ka pang naging karelasyon?" "Yes" "Ahy grabe naman sir, hindi naman po masama na magsabi ka ng totoo" "Nagsasabi ako ng totoo" "Sus sir naman huwag kang mag-alala secret lang natin" "Totoo Jenna", seryuso niyang sagot at tinitigan niya ito sa mata para maniwala ito sakanya. Huminto sa pagtawa si Jenna, siguro ay naniniwala na ito sa sinabi niya. "Ahmmm kung ganun sir, wala ka pong mapapala sakin kasi wala akong alam katulad ng ginagawa ni Viola eh" Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin, wala itong alam sa paglalandi. Iyan naman ang gusto niya, ang hindi haliparot na babae. "Bigyan mo nalang ako ng alak, iyan lang ang gusto kong gawin mo para sakin, pero dito ka parin uupo sa tabi ko", saad niya. Iyon naman ang ginawa ni Jenna, pero kunti lang ang iinumin niya dahil naka motor siya. Hindi niya sinabi ang totoo niyang pagkatao, Brayson lang ang alam ni Jenna na pangalan niya at hindi ang apelyedo. Hindi na din niya inalam ang tunay na pagkatao ni Jenna dahil gusto niya ay unti unti niya itong makilala at ayaw niyang magtanong dahil gusto niya ay kusa itong magkwento sakanya. Magsasarado na ang club pero andoon parin siya kasama ni Jenna kung pwede lang na doon na sila matulog ay gagawin niya. Nalibang kasi siya sa panunuod ng movie kasama si Jenna, para na din silang nagdate. "Sir magsasarado na kami, kailangan mo na ding umuwi para makapagpahinga ka", wika sakanya ni Jenna. Iwan ba niya bakit hindi siya tumutol manlang, tumayo na siya at nagdamit saka niya kinuha ang wallet at binigyan ng sampong libo si Jenna. "Ang laki naman ito sir", saad ni Jenna. "Mas malaki pa diyang ang matatanggap mong tip kung mas aayusin mo pa ang trabaho mo" "Asahan mo sir, gagalingan ko pa", tuwang tuwa na sagot ni Jenna. Napangiti nalang siya dahil kahit natatakpan ang mukha nito ay alam niyang natuwa ito. Nagpaalam na siya kay Jenna, ito ang unang pagkakataon na nagpaalam siya sa isang babae. Magaan na kasi ang pakiramdam niya sa dalaga at parang isang iglap ay natunaw ang puso niyang bato. (MAPIPIGILAN PA KAYA NI BRAYSON ANG SARILI NA UMIBIG KAY JENNA?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD