CHAPTER NINETEEN A/N: Ito po 'yong full version ng Chapter 19. Sorry po, ngayon ko lang napansin na kulang at konti lang iyong nailagay ko rito. Anyways, happy reading! Stay safe! ~ Hinila ni Noah si Beatrice. Wala namang nagawa ang dalaga. Kung tatanggi siya ay paniguradong malilintikan siya sa kanyang ina. Minabuti na lang niya talaga ang sumunod dahil wala naman talagang choice simula nang tumuntong na siya dito sa Pilipinas. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Ang inis na sambit ng dalaga. "Basta . . ." Ang nakangiting sagot lang ni Noah. Tila ba itong may pinaplanong hindi niya magugustuhan. "Alam mo, kung kalokohan ito. Itigil mo na. Ayoko niyan—" "Ang paranoid mo talaga kahit kailan!" Humalakhak ang binata. "Para akong kriminal lagi sa 'yo. Kainis!" Umirap lang naman ang dalaga. Si

