CHAPTER EIGHTEEN Kinaumagahan, matapos kumain nina Beatrice ng breakfast ay dumiretso na sila sa garden. Ngayon ay nakaupo sila mahabang table doon. Maaliwalas ang araw. Ang hangin ay sariwa. Magandang pagmasadan ang paligid. Namamayani ang berdeng kulay ng mga halaman. Lalo itong gumanda dahil sa iba't-ibang kulay ng mga bulaklak. May mga paro-paro ang dumadapo sa mga iyon bagay na nakapagpangiti kay Beatrice. She really loves nature. As well as the beauty of it. For her, it's the gift of God. A gift that is priceless and precious. It something that all of us need to treasure for when it is gone, it can never bring back. Dapat nating pahalagahan ang kalikasan dahil kapag ito ay binawi sa atin, malaki ang dagok na magagawa nito sa ating buhay. Masama ring gumanti ang kalikasan, kung min

