CHAPTER 10 ANONG oras na at hindi pa rin siya tinatamaan ng antok. Pilit man ipikit ni Beatrice ang kanyang mata ay hindi pa rin siya pinapatulog ng kanyang isip. Inis siya bumangon sa kanyang kinahihigaan at umupo. Bumuga siya ng hangin at hinilamos ang kanyang mukha gamit ang kamay nito. Hindi niya pa rin maisip ang pag backout ng tao sa kanya. Sa ilang taon niyang pamumuno. Wala ni isa ang nagtangkang tumanggi sa kanya. Na baka may ibang kompanya ang nag alok dito nang malaki kung kaya't hindi ito nagdalawang isip na umatras. Kinuha niya ang kanyang phone sa table side at tiningnan ang orasan sa screen, 2AM na. Nagpasya siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan at lumabas. Tiningnan niya ang paligid at mukhang tulog na ang mga tao. Hinalughog niya ang laman ng refrigerator. Tini

