CHAPTER ELEVEN FLASHBACK: NAALIMPUNGATAN si Beatrice nang maramdaman ang bisig sa kanyang beywang. Kahit na mabiga ang kanyang talukap ay ibinuka niya pa rin ito. Doon niya nakita ang binata. Karga- karga siya nito habang nalalakad. HInd niya alam kung saan siya nito dadalhin dahilan para siya ay mapa-sigaw. "Ahhh!!!" Wala na itong choice dahil sa kanyang nakakarinding ingay. Halata sa mukha nito ang pagka-irita sa kanyang ginawa. "Anong ginagawa mo?!" iritado nitong tanong sa kanya. Inayos niya ang kanyang tayo kahit na ang tingin niya ay tila ba umiikot ang kanyang mundo. "Hindi ba't ako dapat ang magtatanong? What are you doing?!" tanong niya rito. "Kaya mo ba ako pinilit na dalhin rito sa bahay mo para magawa 'yong gusto mo? Especially, my Mom is not here?" Inayos niya ang kan

