CHAPTER EIGHT
MALALIM na ang gabi. Ralph drove her to the hotel. Mabuti na lamang mabuti na lamang at hindi siya hinayaan ng kanyang pinsan na iwan siyang mag-isa roon sa Restaurant. Paano ba naman kase at hindi dumating si Dianne sa itinakdang oras. She dialed her number so many times. However, her phone is turned off.
Nong siya ay makarating ay pinindot niya na ang code ng pinto at nong ito ay bumukas ay bumungad doon si Dianne. Nag-aalangang ngumiti sa kanya.
"Look at you! Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo ako sinundo?" Tanong niya rito nang siya ay tuluyang makapasok.
Hindi ito sumagot.
Inilapag niya ang kanyang bag sa gilid at diretsong nagtungo sa higaan.
"Si Ralph na lang tuloy ang naghatid sa akin," aniya habang abala sa pagtanggal ng kanyang long cardigan. Pumunta siya sa dressing room para kukuha sana ng damit. Kaso wala na ang kanyang mga damit lalong-lalo na ang kanyang bagahe.
Kumunot ang kanyang noo.
"Dianne saan na 'yong mga gamit ko?"
Nilingon niya ito. Nasa isang sulok at tila bang hindi mapakali. "What's the matter?"
"Sorry, Beatrice," untag nito.
Hindi pa rin matigil ang pagkunot ng kanyang noo lalo na ng marinig ang sinabi nito.
"Tell me, what's the matter? Nanakawan ba tayo? Nakuha mga gamit ko? What?!"
"Nasa compartment na ang mga gamit mo," someone's said. Lumingon siya sa b****a ng pintuan at nakatayo roon si Noah. "Ikaw na lang ang hinihintay."
That guy?!
Napailing na lamang siya at pilit na tinatago ang pagkagulat.
"What are you doing here?"
"Sinusundo ka."
Hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang natawa. Siguro ay dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Kaya sa tingin niya ay nagbibiro ito. Subalit kasalungat ang kanyang nakikita. There is a serious look on his face. Kaya ay napahinto na siya sa pagtawa.
She cleared her throat.
"At sinong nagsabing sasama ako? Why and what's the reason?" Sunud-sunod niyang tanong dito. Pero hindi ito sumagot at nakatitig lang ito sa kanya.
"No, I'm not going with you." Pagkatapos niyang sambihin ang katagang iyon ay lumapit ito sa kanya. Halos mapaatras siya dahil sa seryosong ekspresyon nito. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o ano. Basta umaatras siya. Hanggang sa nakarating sa sa wall. Doon ay nagsimula na siyang kabahan. Patuloy pa rin kase ang paglapit nito. Isang dangkal na lamang ay maglalapit na ang kanilang katawan.
Napalunok siya ng laway.
As he stared into her eyes, he was struck by the intensity of his gaze. "Beatrice," his voice is so husky that it drives her crazy.
"That's not a question." Itinaas nito ang kanyang mukha para maglapit ang kanilang labi sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang baba
"I'm. Not. Asking," anito. Habang ang mga mata nito ay nakatitig sa kanyang labi.
Muli siyang napalunok nang ilapit nito ang labi nito sa kanya. It's crazy! She must now preparing a way to free herself from his arms. But his body does not agree with what her mind said.
Nang maramdaman niya ang mabango at mainit nitong hininga ay napapikit na siya ng kanyang mata. Inaantay na lamang na maglapat ang kanilang labi. Matagal din siyang napapikit. Pero wala siyang naramdaman na lumapat sa kanyang labi. She can't feel his lips on her.
She opened her eyes open to examine. But Noah was only looking at her. Smirking at her.
"Gusto mo pala talagang halikan kita, ah," pang-aasar nito.
Sa hindi malamang dahilan, nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Sa sobrang inis ay tinuhod ni Beatrice ang kahinaan nito. Dahilan para mang-aray ito sa sobrang sakit.
"Aray!!!" Napahiga ito sa sahig sa sobrang sakit. Kinuha niya susi nito sa bulsa. Hinayaan niya lang ito sa sahig na mamilipit sa sakit.
"Tara, Dianne. Kunin natin 'yong mga gamit ko sa kotse ng jerk na 'to," aya niya kay Dianne na agad ding sumama sa kanya kahit na halata sa mukha nito ang pag aalangan.
Halos magtatakbo silang dalawa ng kanyang kaibigan sa kakahanap ng kotse ng binata sa parking lot. Nong mahanap nila ito at mabuksan ang compartment ay siya ring pagdating ni Noah. Agad nitong naisara ang compartment dahil sa lakas nito.
"Alam mo, ang hirap mo habaan ng pasensya," sambit nito pagkatapos ay hinawakan nang mahigpit ang kanyang braso at hinila siya papunta sa front passenger seat.
"Keep your touch off of me, will you?!" Singhal niya rito. "Bingi ka ba?!"
"Hindi ako bingi, Miss," anito nong siya ay makaupo na sa front seat. "Sinusunod ko lang utos ni Tita. Kaya sa ayaw't sa gusto mo, sasama ka." Pagkatapos nitong sabihin ang katagang iyon ay isinara na nito ang pinto.
Pinipilit niyang buksang ang pinto ng sasakyan subalit hindi niya ito magawa. When she looked out the window, she noticed Dianne. She's just standing there, staring, and doing nothing to help her.
What's wrong with that girl?
Kinatok niya nang paulit-ulit ang salamin. Sa sobrang lakas ng kanyang pagkatok ay puwede ng masira ang salamin na ito. "What are you doing, Dianne? Get me the f*ck out of here!"
"Dianne!!!"
Narinig niya ang pagkalabig ng pinto sa kabila. "Kahit murahin mo nang murahin 'yang kaibigan mo, hindi ka tutulungan niyan. Si Tita na mismo ang nag utos sa amin," untag nito. Sinimulan na nitong harurutin ang sasakyan palabas sa parking lot.
"Liar!" Anas niya rito. Inayos niya ang kanyang buhok at ang pag-upo. "Huwag mo na idahilan ang Mom ko. Dahil unang-una, alam niyang nasa Canada na ako. Sabihin mo, ikaw! Gusto mo lang akong pagtripan. Bakit? Nababaliw ka na sa akin? You can tell me if you want to hang out with me. I'm easy to talk with."
"Saba. Ako nang tahion imong simud ron," he said. While concentrating on driving
She rolled her eyes.
"Okay, he's speaking in his alien language again," she mumbled.
Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at sumandig sa inuupan. Kailangan niyang mag ipon ng lakas para sa gagawin niya mamaya.
Ilang minuto na rin silang nasa byahe. Tahimik lang siya at hindi kumukibo. Ganoon din ang binata. Pero panay ang tapon ng tingin sa kanya. Maybe he's curious of her silence. Maybe he isn't convinced by her silence.
Nong makita niyang nasa edsa na sila kung saan ay maraming ng mga taong naglalakad ay inihanda niya na ang kanyang sarili.
Marahas niyang napabuga ng hangin. Napansin iyon ng binata ngunit nakafocus lang ang mata nito sa daanan.
"You know what, Noah? Ibaba mo na ako," aniya pagkatapos ay ginalaw-galaw ang kamay nito.
"Tumigil ka nga. Mababangga tayo sa ginagawa mo!" Inis nitong sabi sa kanya. Nakatutok na ang tingin nito sa kalsada. Iniiwasan ang mga sasakyan na nalalampasan.
Hindi siya nagpatinag at mas lalo niya pang ginulo ang pagmamaneho nito.
"Pagpuyo diha! Masasagasaan tayo!"
"Why don't you stop the car? Para hindi tayo masagasaan, di'ba? It's very easy. Now, stop the car!"
Halos matalsik na siya sa loob ng kotse nang biglang nitong itinabi at inihinto ang sasakyan.
"Masunurin ka naman pala," aniya. Pagkatapos ay agad niya rin itong sinikmuraan. Namilipit ito sa kinauupuan nito dahil sa kanyang ginawa. Mayroon sa isang bahagi niya ang pagka-guilty. Pero iyon na lang kase ang paraan para makaalis siya rito.
Wala na siyang choice. Isa pa't kinausap niya naman ito nang maayos bago nangyari ito. Kung nakinig ba ito sa kanya, e 'di sana ay hindi sila humantong sa ganito.
Lumabas siya sa sasakyan nito. Iniwan niya ito namimilipit sa sakit. Mabilis siyang tumakbo at pumara ng taxi.
"Taxi!" Halos magpasagasa na nga siya para lang huminto ang mga ito. Mabuti naman ay may huminto.
Kaagad siyang pumasok sa sasakyan nito. Hindi pa man natatapos ang itatanong sa kanya ni Manong ay sinagit niya na ito.
"Manong dalhin mo ako sa malayo."
"Ma'am ano po 'yong eksaktong lu—"
"Basta sa malayo! Dalian niyo!"
Napakamot na lang ito ng ulo at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ang gusto niya lang ngayon ay makatakas sa lalakeng iyon. Ayaw niya maudlot ang mga plano na nakalatag na.
Ilang minuto na ang nakalipas. Tiningnan niya ang nasa likod. Walang sasakyan ay naghahabol sa kanila dahilan para siya ay makahinga na nang maluwag. Siguro ay sumuko na iyon at napagod. Ang mas malala ay baka natakot na iyon sa kanya. Sa ginawa niya ba naman kanina ay imposibleng hindi sila sunduin no kamatayan.
Inayos niya ang kanyang upo at bumuga ng hangin. Siguro ay tatawagan niya na lang bukas si Mom para sabihan si Noah na ibalik ang mga gamit niya na kinuha nito. Sa ngayon ay magchi-check in na lang muna siya sa ibang hotel nang sa gayon ay makapagpahinga.
"Manong, please take me—"
"Hala, Ma'am. Mukhang may naghahabol sa atin," putol nito habang panay ang silip sa side mirror.
Napalingon siya sa likuran. Tama nga ang sabi ni Manong. May naghahabol nga sa kanila! At ang kotseng iyon ay pagma-may ari ni Noah.
Hindi talaga siya titigilan ng lalakeng iyon!
"Manong, drive faster! Drive!" Taranta niyang sabi kay Manong. Dahilan para ito ay mataranta rin.
***