CHAPTER TWENTY-TWO Mabilis na sumapit ang gabi. Lumamig ang buong kapaligiran at namayani ang katahimikan. Dito ay naisipan nina Tita Miriam na kumain sa may garden. Kumbaga, parang picnic. Si Beatrice ay nasa loob lang ng kwarto. Nagkukulong. Walang ganang lumabas o kahit makita manlang si Noah. Sobrang nahihiya siya sa nangyari kanina. Sobrang bilis lang talaga ng karma para sa kanya. Iyong ora-mismo, nag-backfire sa kanya agad ang masama niyang binabalak. "Paano na ako makakalabas nito? Nakakahiya! Wala akong mukhang maihaharap sa kanila!" Napasabunot siya sa kanyang buhok. "I need a distraction!" Tumayo siya at nagpabalik-balik sa kwarto. Nakalagay ang isa niyang kamay sa chin habang patuloy na naglalakad nang pabalik-balik. Mabilis niyang kinuha ang cell phone. Nagpunta sa contac

