CHAPTER TWENTY-THREE Noong una ay medyo nag-aalanganin siyang tikman ito. Kase naman hindi siya naakit sa hitsura nito. Nandidiri siya. Gusto niyang mapangiwi pero bilang respeto na lang kay Tita Miriam ay ngumiti siya. Sa totoo naman kasi ay curious rin siya kung ano ang lasa nito. Hahawakan niya na sana ang kutsara't tinidor para tuluyan na itong kainin nang pigilan siya ni Mom. "Nope, hindi yan ginagamit ng spoon and fork. All you need to do is . . ." Pinalahad siya nito ng kamay at nilagay ang pastil sa kanyang palad. "This. Then eat." Napakunot siya habang sinusunod ito. Nang tinikman niya ito ay doon niya pa lang napatanto na ang toppings sa ibabaw ay isda—at masarap ito! Napatango-tango pa siya nang kumagat ulit siya. "Hmm!" Puno ang bibig niya. "Masarap, 'di ba? Actually 'yan

