CHAPTER TWENTY-FOUR NAALIPUNGATAN si Beatrice nang marinig ang boses ni Lindzey na nanggagaling sa labas. Naririnig niya pang hinahanap siya nito. Hindi talaga nawawalan ng enerhiya ang batang iyan. Napabuga na lamang siya ng hangin. Humihikab siyang umupo siya kanyang kinahihigaan. Kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan ang oras. Nine o' clock na pala ng umaga. Nagkaroon kase sila ng virtual meeting nong madaling araw ng kanyang mga empleyado sa hotel at umabot lang naman iyon ng dalawang oras dahil sa mga problema hotel. Nakita niya rin na nagnotif ang message ni Gilbert. Pero hindi niya na iyon binuksan. Wala siyang gana ngayong magbukas ng kanyang phone. Muli niya itong inilapag at muling ibinagsak ang kanyang sarili sa malambot niyang higaan. Gusto niya pang matulog. Nawawalan

