CHAPTER TWENTY-FIVE HAPON na nong sila ay makalabas ni Lindzy. Hinayaan lang niya na hilain siya ng batang ito kung saan siya nito gustong dalhin. May dala-dala rin silang bag naglalaman ng kanilang mga damit na pamalit. Ang sabi nito ay may pupuntahan silang lugar kung saan ay paniguradong mag i-enjoy siya. Maganda ang klima. Hindi mainit, hindi rin malamig. Sakto lang. Ang langit din ay sobrang maaliwalas. Dagdag pa doon ang huni ng mga ibon at hangin na pinapasayaw ang mga puno at tanim. "Magandang hapon po!" Sabay-sabay na bati sa kanya ng mga nagtatrabaho sa taniman. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya sa mga ito o ano. Pero ganoon na nga ang nangyari. Pasimple siyang ngumiti sa mga ito. "Magandang hapon din po!" Masayang bati din ni Lindzy habang kumakaway sa mga ito. Sa bawat

