CHAPTER SIXTY-SEVEN "HELLO . . ." Ang sambit ng malaking boses ni Noah. Gustong-gusto talaga ni Beatrice ang boses ni Noah sa tuwing ito ay bagong gising. Gwapong-gwapo siya dito. Malalim kasi ang boses ng binata sa umaga. Iyong tipong sa sobrang lalim at kapal ay tumatagos talaga sa buto ang epekto niyon. Ito talaga ang dahilan kung bakit kada-umaga ay excited siyang magising. Kung bakit sa pagsikat ng araw ay nakangiti siya. Ang boses kasi ni Noah ang una niyang naririnig. Idagdag pa dito ang pagiging malambing kapag sinasambit ang mga katagang "good morning" at "I love you". Kasabay kasi niyon ay pagyakap nito sa kanya nang mahigpit dahilan para madama niya ang maskulado nitong dibdib pati na rin ang init ng katawan nito. "Yes . . . Alright." Ang patuloy na pag-sambit ng makapal

